28 September 2012

Komiks

Noong araw, naging popular na babasahin ng mga Pilipino ang Komiks. Dumating din ang panahong walang umaamin na gusto nilang magbasa, o tumangkilik dito. Ni kahit hawakan ay inaayawan. Kung minsan pa nga ay pinangdidirihan pa. 

Marka nang pagkakaiba at pagkakahati nang lipunan ng Pilipinas. Ilang mayayaman na intelektuwal, maging ang mga nakapag-aral o edukado ay binabasura ang ganitong klaseng propesyon. Hindi pinapansin ng mga may kaya at mga mayayaman ang komiks. Kabalbalan at kabalintunahan daw itong maituturing. Di nila alam na ang komiks ang nag-uugnay sa iba’t ibang uri uri ng tao mayron sa Pilipinas.

Dumating ang panahong naging mas popular ang komiks. Mula sa pinakamaliliit na detalye ng talambuhay ng mga karakter ng kwento kesa sa pangunahing problema ng lipunan at mga napapanahong issues. Mas kinabighanian din ito ng mga istudyante kesa sa mga textbooks, balarila at katha.

Komiks ang klase ng panitikan na nagpapatatag para sa kamalayan ng nakararaming Pilipino sa sarili nilang karanasan sa buhay. Na kung minsan ang karakter at mga tauhan ng komiks ay minsan ay mas kilala pa nila kesa sa Bayani ng Pilipinas. Ito ang dahilan para hindi maalis sa isipan ang gawa at nilikha ng sining ng mga ilustrador, gumuguhit at nagkukulay, kuwentista, at manunulat ng komiks.  

Mula sa malilikot na imahinasyon ng mga komikeros, o mga manlilikha. Na ang dating minamaliit at iniiwasang sining ng pagsulat at pag-guhit, ngayon ay siniseryoso at pinagtutuunan ng pansin—noon.
Nag-umpisa ang komiks sa comedy genre. Naglalarawan ang karakter na katawa-tawa, at naglalarawan ng hindi magandang paguugali ng mga Pilipino. Mula sa pagpapatawa ng komedya, tumawid ito sa iyakan at romansa, hanggang sa umabot sa romansa. Hanggang humalo na sa pantasya at aksyon. 

Para abangan at subaybayan ang komiks, naglalabas ng serye ito kada edisyon, sa halip na ilimbag lahat hanggang wakas. Paguukulan ng pansin, at gagastusan talaga ng mahihilig sa komiks, para malaman ang mga susunod na kabanata. 

Noon, walang kahit anung babasahin sa Pilipinas ang makakatulad sa komiks. Pagdating sa usapang popularidad. Gamay na gamay ng mga Comics Artist ang pulso ng masang Pilipino. Nagpapaiyak, nagpapatawa, nananakot at nagpapatulin ng tibok ng puso ng mambabasa ang mga tauhan ng komiks.
Mahalaga ang naiambag ng komiks sa kasaysayan ng Pilipino. Kundi dahil dito, malamang hindi tayo natutong magbasa at magsalita ng tagalog. Ilan sa atin ang di nakakaintindi ng tagalog. Sa pinakamurang pinagmumulan ng entertainment—komiks—dito ang karamihan natuto. 

Kaya lang, dumating ang panahon na humihina at dahan-dahan nang namamatay ang komiks—ngayon. Pinatay ng iba’t ibang uri ng entertainment ang komiks. Na nagmumula sa mga banyagang bansa pumasok sa Pilipinas. 

[Ang sulating ito ay alay kay Sir DANNY ACUNA]

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.