Ang deklarasyon ng Batas Militar o Martial Law ay hindi
September 21, kundi dapat ay September 23, 1972. Ika 21 ng Setyembre 1972 ay
pinirmahan ni Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081, ang pagsasailalim ng
Pilipinas sa Batas Militar. At ika 23 ng Setyembre 1972 ay naging epektibo ang
Batas Militar.
Sa perspektiba ng kasalukuyan, ang pinakamatinding kalaban
ng bawat Pilipino ay hindi malupit na diktador, at mapang aping rehimen. Kundi
ang ating sarili mismo, at ang ating paglimot. Nung panahon ng Batas Militar. Mura
ang isdang galunggong—pambansang ulan ng mga maralita. Mura ang pamasahe at
gaas. Wala kang makikitang tambay, maging adik, tamad at salaulang taong gumagala-gala
tuwing gabi. May mga tao pa din hinahanap habang lumuluha ang kanilang kamag-anak.
Gayun din ang nakaraan, lumuluha din. Parang walang
nakasuhan, parang walang kasalanan. Siguro, ang nasa isip ng mga Pilipino
ngayon ay “ayus lang na pagnakawan ng bilyon-bilyon—ok lang”. Pero bakit pag
nagnakaw ka ng tinapay o gatas para sa humahagulgol na kabatid, huli ka agad,
binubugbog ka agad, dugo ka agad.
Sa panahong hindi uso ang kahit anung social media networks,
at email at texting message. Kung may telepono man, hindi mo naman alam kung
sinung nakikinig sayo—wire tapping o voice recording. At ang mga patotoo na
hindi lang sa numero na aalala ang ganitong klaseng kasaysayan. Dahil ang appreciation
ng kabataan sa Martial Law/Batas Militar ay bilang nalang—bilang ng koleksyon ng
sapatos ni Imelda, dami ng mga namatay at walang hustisya para sa pinaglalabang
demokrasya, bilyong-bolyong piso at mga bar ng ginto, at nawawala na ang
pangalan at napapalitan nang bilang. Makalipas ang 40 taon, anu ng nagbago? O
baka wala tayong paki alam.
Subukan kaya nating bigyang-buhay ang mga pangyayari nung
nakaraan—kwento ng madugo at malagim. Ang libro na information textbooks,
ipinakabisado ng mga teacher at professor—mga taon at pangayayari. Siguro, kapag
isinulat muli ang dokumento na pangyayari ng nakaraan, maging mahalaga kaya ang
alaala ng mga Pilipino, at wag nang makalimot? Pero kung marunong kang bumasa at may boses ka, hinding-hindi
mamamatay ang kwento ng alaala. Ang parte ng kasaysayan ay ang pagalala nito. Siguro nga, ang
pinakamalaking kalaban ay ang ating alaala, o ang walang alaala. Ito ang tagong
aral ng nakaraan.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.