Sino na nga ba ang “Tunay na Pilipino”? Sa dinami-dami ng
kulturang kinamulatan ng mga Pilipino. Maging ang ating wika, magkakaiba an
gating salita. Nagpapatunay ito na hindi lang iilang lahi mayron ang Pilipinas,
pero ito ay binubuklod ng pagka Pilipino. Pero, nga ba? Sino na nga ba ang
Tunay na Pilipino?
Sa usapang kapanganakan. Kung ang ama at ina ay Pilipino, Pilipino
din ang anak—Jus Sanguinis. At kung sa Pilipinas ipinanganak kahit ibang lahi ng
magulang, Pilipino ang anak—Jus Soli. Ito kasi ang naka tala sa saligang batas.
Para kasing hindi lang sa dugo at papel lang sapat maging
Pilipino. Baka nga wala talagang Pilipinas, dahil sa pagkakaiba ng kultura at
wika? May mga Pilipino nga na naka tayo palang sa Pilipinas ngunit ang kaisipan
ay lumulutang at nasa ibang bansa na.
Mag mula ng nagkaroon ng himagsikan, hindi na mawawala sa isipan
ng bawat Pilipino ang dugong nadilig sa tinubuang lupa at mga buhay na hindi dapat
masayang para sa wala. Sa kabuohan, ilang bagay lang naman ang gusto ng ating
mga ninuno pagdating sa hinahapan, na kasalukuyan para sa ating ngayon. Na sana
ay maisakatuparan ang naising ating mga ninuno. Na hindi sinusukat sa dugo at
papeles lang ang pagka Pilipino. Kundi sa pagtutulungan ng bawat isa at
pagkakaroon ng isang layunin at damdaming naka batay sa kultura at magandang
paguugali. Para sa nagkaka isang lahi ng magkakapatid na may malayang diwa at
kaisipan. Na ang tunay na pakahulugan ay para sa ikabubuti, hindi lang para sa
iilang o karamihan, ito ay para sa lahat. Na lahat ng Pilipino ay paniwalaang kayang
maging bayani. Mga taong nagbibigay pahalaga sa bayan ng walang hinihinging
kapalit. Iba-iba man ang pakahulugan ay mas pinipiling maging Pilipino.
Sinisikap tulungang mapaunlad ang kakayahan ng sariling bayan, anu man ang
kanyang kahinaan.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.