13 September 2012

Kasambahay

Tignan natin ang dating tingin sa ngayong perspektiba. Kung tutuusin, angal tayo ng angal dahil sa ibang bansa—mga OFW—ay may mga minalamtratong kasambahay. Hindi lang pala sa ibang bansa nangyayari. Maging sa sariling bansa din pala.

Ilang bagay lang tulad ng inaawas sa sariling suweldo ang ginagamit ng kasambahay (pagkain, tubig, napkins, tissue, etc.), pinaplansya, pinapalo ng kahoy at hinahampas ng sinturon ng amo, sinasampal at sinasabunutan, kinukulong sa banyo o kulungan ng aso, kinakadena, pinapakain ng panis at ginagapos, kung minsan naman kapag sumigaw ay tinatakpan ang bibig. Akala ko sa penikula lang nangyayari ito—mali pala.

Truth is stranger than fiction ika nga. Ang katotohanan at fiction ay magkaiba pag dating sa reyalidad. Anu kayang mayron? Anu kayang saltik sa utak ng ganitong mga tao. Kumpara sa mga pangyayaring mga nabangit, magkaiba naman ung sinisigawan at pinapagalitan—siguro natural pa un. Pero ang pagiging sadista—mga pananakit na nakakaramdam ay pleasure. Sadista ay extreme forms ng pananakit—severe at mas mala medieval punishments.

Karamihan ng Sadist ay may Dual Personality. Tipong kaya nilang mandaya base sa nakikita ng mata na pisikal na katangian, kumpara sa kung anung ginagawa talaga nila sa kanilang panloob na katangian. Na pag tinignan mo sa labas ay kagalang-galang at hindi kakikitaan ng bahid ng kasinungalingan.

Pag dating sa paningin ng kabataan. May malaking tiyansa maramdaman din nya ang nakikita nya, o kaya naman na witness sa paligid na nangyayari. Tulad ng pag nakikita at naririnig nila na minumura at sinasaktan ang maid nila, may tendency na murahin at saktan din ito ng bata.

Pag dating naman sa sinasaktang kasambahay—biktima, ang paulit-ulit na pananakit ay tumatatak sa isip nya na ang karahasang tinatangap nya ay normal na dahil ang tingin nya dito ay parusa sa kanyang pagkakamali kahit wala naman. Dito pumapasok ang mababang pagtingin sa sarili. Na ung negativity ng paligid mo ay bibigkas nalang ang biktima na “Oo nga. Mali ako. Tama sila”. Nakakatiis silang sinasaktan dahil may weakness ang biktima. Malamang dahil sa pangangailangan ng pera, kaya kadalasan tinatangap nalang nila lahat.

Isipin lang. Kung mga aso at pusa nga ipinaglalaban ang karapatan, ung mga kasambahay pa kaya. Nakakatawa lang isipin, silang nakaka alam ng malalalim nating sikreto—kulay ng underwear, tamang timpla ng kape at adobo, sinigang at piniritong itlog sa umaga, at pumasok sa ating silid. Tapos sinasaktan at pinagdurusahan ang mabigat na pakikitungo ng kanilang mga amo. Parang maling mali naman ata nun—parang hindi na talaga tama.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.