29 October 2012

Popular na Kultura ng Katatakutan



Sa usapang horror, ang katatakutan sa popular na kultura, magmula sa mga aklat na babasahin, sa palabas sa telebisyon at mga sinihan, pati sa mga radioshow na katatakutan, hanggang sa mga kuwentuhan ng nakakatakot. Bakit kaya gusto nating takutin an gating mga sarili? 

Sa panahong patok na patok ang mga horror films, may tanong pa din kasi. “Bakit nga ba si Kris Aquino ang Horror Queen? Sino naman ang Horror King?”, hindi ko din alam. Kadalasan naman kasing pinagtatawanan natin an gating mga sa sarili kapag sumisigaw, nagugulat, tumitili at natatakot sa ating pinapanood. “Bakit hanggang ngayon, mayron pa rin Gabi ng Lagim?”. “Sa pila ng mga sinehan, ang tumatabo sa takilya halos ay ang mga palabas na katatakutan”, biruin mo, ilang oras tayong pipila para magulat lang tayo. Pagkatapos, pag labas sa sinehan, alam natin na hindi tayo duguan o sugatan, nawawalan ng parte ng katawan o nagaagaw-buhay, un ay kundi dahil ramdam ng ating katawan na tayo ay buhay na buhay. Sabi nga diba, buhay na buhay ang ating katawan kapag tayo ay nakakaramdam ng takot, kahit panandalian lang ito.

Terror as the finest emotion, sabi ni Stephen King. Bilang tao ay takot tayo sa mga hindi natin alam, mga uncertainty. Mayron kasing mga horror stories na parang mananakot lang, walang malinaw na matututunan, at mayron naman na nasa bandang huli ng istorya ay mayron. Diba sa mga silent horror films, ang pagiging black and white nito ay pakahulugan na mas natatakot tayo sa dilim. Hindi tulad ngayon, ang aspekto ng horror ay panggulat, malakas ng tunog. Gayun pa man, ang estetiko ng magandang horror story ay naka kung nangyari sa totoong buhay, may elemento ng reyalidad at katotohanan. Sabi ni Alfred Hitchcock, mas nakakatakot pa din daw ang mga horror shows sa radyo, dahil gumagana ang superior imaginary mind ng tao.

Mayron kasi tayong sense of information n gating national identity na noong dumami ang libro patungkol sa horror compilations ay patunay na mayron tayong matatag na horror aspect pag dating sa katatakutan. Naisusulat pa natin at kung minsan naman ay naiguguhit din. 

Napaka western concept ng plot ng horror kapag may mga creatures na tulad ng vampires o werewolves. Gayun pa man, ang mga Pilipino ay mayaman sa mga Urban Legends at Mythological stories.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.