Aswang
May kakayahang gawin ang iba’t ibang bagay tulad ng
magpalit-anyo nang hayop, lumipad, mahikang itim, transpormasyon at pagalingin
ang sugatang sarili. Hindi kinakailangang kumain ng pagkain mapa lutong ulam,
prutas o gulay, at maging inuming tubig. Nagdadalang-tao, mga sakit at
kabataan—napaka abstraktong kunsepto ang Aswang, mula sa paniniwala ng
Filipino.
Noong dumaong ang mga barko ng kastila sa Mactan, Cebu sa
pamumuno ni Ferdinand Magellan. At di kalaunan ay napaslang siya ni Lapu-lapu. Sumunod
na pagdaong ng mga barko ng kastila ang kanilang misyon ay palaganapin ang
kristiyanismo sa Pilipinas. Sumunod na dito ang pagkontrol at pananakop sa loob
halos ng higit sa tatlong daang taon. Hanggang lumabas at nailimbag ang mga
libro ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ang simula ng
pagsiklab at pagalab ng saloobin ng mga Pilipino, dahilan para labanan ang mga
kastila para sa kalayaan ng bansang Pilipinas.
Paniniwala ng mga sinaunang Filipino
na ang pagsasabi ng "Tao po." ay paglalahad ng "tao po
ako.", di po "Tao po?", na nagtatanung. Sinasabi ng nagsasalita
na "ako po ay tao"—hindi ung naghahanap ng tao.
Ang paniniwala sa aswang ay base sa kinaugalinan at
paniniwala na ipinapasa ng matatanda. At bumabakas sa kaisipan ng kabataan na
kapag nakakarinig ng patungkol dito ay di nila iniisip na nagku-kwento sila,
kundi ito ay totoo kasi galing ito sa salita ng matanda.
Babaylan
Bakit nga ba babae ang karaniwang aswang? Nung panahong nasa
nasakop ang Pilipinas ng Espanya, ang kababaihan ang nangungunang lumaban sa
mga dayuhan. Dahil wala silang armas at sandata tulad ng sa mga dayuhan, pinili
nilang sumalisi sa kalagitnaan ng gabi. Sa dilim sila lumulusob sa pamamagitan
ng itak at bolo na kanilang sandata.
Dahil hindi madesimina ng mga kastila ang lupon ng
kababaihan sa kagubatan. Ipinakalat nila na ang aswang ay naninirahan sa kagubatan,
at pumapatay ng walang kalaban-laban. Kaya humina ang puwersa ng kababaihan sa kagubatan,
natakot ang mga tao galing sa siyudad na magpunta sa kagubatan o bulubundukin.
Babaylan o mga Babaeng Pari o Priestess ay makapangyarihan
sa tribu ng mga Filipino na kanilang nasasakupan. Ginagampanan ng mga Babaylan
ang pag-gagamot (local healers o quak doctors). Dahil dala ng espanya ang mga
modernong kagamitan at gamot para sa may sakit o kapansanan, tinawag nila ang
mga Babaylan na aswang, dahilan para sila ay katakutan, layuan at tuluyang
humalingan ng dayuhan para sa kanilang medisina. Tinawag din ang mga babaylan
na mangkukulam, at ginagampanan ang Gawain ng kadiliman. Ito ang madaling
dahilan para limitahan ang lumalaban sa pamamahala ng espanya.
Babaylan bilang mang-gagamot. Paniniwala ng sinaunang
Filipino na kayang gamutin ng babaylan ang anu mang klaseng sakit, mapa
supernatural o pang kalusugan pa. Sa kalagitnaan ng modernong medisina at halamang
gamot, mas pilipili ng mga Filipino ang tradisyunal na paraan. Kumukunsulta
sila sa mga babaylan, at karamihan sa kanila mabilis na pumapanaw, kanila itong
ikinamamatay. Karaniwang dinadahilan ng pagkamatay ng pasyente ay patungkol anung
may kinalaman sa aswang.
Kung bakit hindi nakakapunta ang pasyente sa medical doctors
ay wala naman silang perang pambayad, kung mayron man ay kinakailangan nilang
maglakad pababa ng bundok o paluwas ng kabayanan, at uubos ito ng oras o kahit araw
at gabi, makakita lang ng duktor. Para maiwasan nila ang matagal na proseso, pumupunta
sila sa babaylan.
at Kasaysayan
Dahil nung araw, ang klasipikasyon na ang ginagawa mo kung
walang nakapaloob ng pagiging kristiyano ay matatawag na kasamaan.
Di nagtagal, ang aswang ay ginawang panakot para sa mga bata,
pag hindi natutulog o lumalabas sa gabi, ito ang pinapanakot ng matatanda.
Nabago na din ang kunsepto at paniniwala sa aswang tulad ng;
Mga sulatin na nasa libro. Mga movie director at film maker ng horror genre. Mga paintings at graffiti. Salin-labi ng mga
nagku-kwento. Epekto ng malikot na imahinasyon. At marami pang iba.
Sa kasaysayan. Ito ang pagbabago ng konsepto sa pagitan ng
aswang at babaylan.
ANO PO BA ANG DAHILAN NG MAMAMAYAN KUNG BAKIT SILA NAINIWALA SA MGA ASWANG?AT ANO ANG EPEKTO NITO SA MGA MAMAMAYAN
ReplyDelete