Sa ating mga lahi, bago pa tayo sakupin ng dayuhan. May
paniniwala na kapag namatay ang tao, ang kaluluwa ay may pinatutunguhan, destinasyon
papuntang langit. Depende kung ito ay mabuting kaluluwa, ang destinasyon ay
diretsyo sa langit. Sa maka tuwid ay dapat matuwid. Kaya ang naging
terminolohiya natin ng magiging tama at nasa hustisya ay makatwirang katwiran.
Marahil itinuturo ng “Daang Matuwid” ang pagisahin at
mapagsama ang lahat ng anak ng Pilipinas upang itaguyod ang malinaw at matuwid
sa landas na tatahakin.
Ang paghahari ng kalayaan kung saan ang puso ay
nangingibabaw ang kabutihan kasama ang lahat. Walang kahulugan ang depenisyon
ng kayamanan at kalayaan kahit sa pirmadong papel kung lahat ay gulangan at naglipana
ang suwapang. Paano nga ba talaga tayo magiging tunay na malaya, kung di natin
sisimulan sa daang matuwid, mismo sa ating sarili—tama nga naman.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.