04 September 2012

September - Advance Merry Christmas

Bakit ang mga Pinoy ay laging mahilig mag-advance ng Chrismas?
Opisyal na nga. Ang Pilipinas ang may pinakamahabang pasko sa buong mundo. Pagpasok palang ng –ber month. Iniisip na natin ang pasko gayung ilang buwan pang dapat pagdaanan; septem-BER, octo-BER, novem-BER at decem-BER. 

Bakit nga ba tayo hapit at atat na magpasko? Septembre palang, inihahanda na at inililista na ang lahat. Magmula sa pangalan ng mga inaanak, kaibigan at magulang hanggang sa pagba-budget sa gagastusin–lahat un detalyado–sa ganito ka agang paghahanda.

Paano ba tayo na punta sa ganitong klaseng estado. Christmas, one of the highest form of festivity in the Philippines. Bakit kaya? Siguro kasi masyado tayong nako-commercialize para bumili ng kung anu anung klaseng pangregalo. At ang komersyo at media na din ang dahilan sa pagpro-promote dahil sa malaking economic aspect–materialism. Maybe these are what we promote an early Christmas festivity–from September which is the first –ber month of the year, to February which is the Valentines. At siguro ay nakalimutan na natin ang essence ng Christmas dahil sa mga ganitong mga pangyayari. Nga ba?

Let’s focus to the Christmas songs–“Frosty the snowman”, wala namang snowman sa Pilipinas. “Dashing through the snow”, hindi naman nag-i-snow sa Pilipinas. “Jingle bells, jingle bells, jingle all the way”, mayron naman tayong balaraw at batingaw, pro bakit mas sikat pa ito kesa sa “Ang pasko ay sumapit”, o baka naman na-ji-jingle lang ang kumanta nito. “In a one horse open sleigh”, baka kalabao pa ang humihila satin nito. In the sense of adaptation is the way of comport–the way we copy–kasi may rehistro itong positibo at mentalidad na kolonyal. Ang paraang nakaka-derive tayo ng relaxation in the sense of consumption. In the other hand, we often to be called as consumerist. Dahil nakiki-ride-on pati ang mangangalakal for us to buy for our love ones. That’s why the capitalist pushes the people to consume more, and much early as the festivity. 

Ang mga Pilipino kasi ay Resilient–humuhugot tayo ng lakas sa ating Pamilya. Ito ang Positive Connotation, napapatibay ang samahan ng pamilyang Pilipino, which is the basic social institution. At ang Negative Connotation ay inuubos lahat ng ipon maging ang mga nakatabi, at kung minsan pa nga ay inuutang pa. Wina-wipe-out ang lahat ng pinaghirapan–which is not practical.

Wala kasi tayong moral boundaries pag dating sa pamilya. Pag dumadating ang mahahalagang pagdiriwang tulad ng Christmas, dumadami din ang masasamang loob. Kapag na huli ang mga hold uppers, kidnappers, car-nappers hanggang shoplifters, sinasabi nila laging “nagawa ko lang naman ito dahil sa Pamilya ko”. Pati na din ang masasamang loob, na aatat.

Di ka ba naaalibadbaran pag nakakakita ng kinudkod na stayroform para maging pekeng snow. Mga Christmas songs na paulit-ulit sa mga FM radio stations. At saan naman papasok si Santa Claus, ang mga bahay naman dito ay walang chimney–pwera nalang kung sa mga factories, pugon at pagawaan ng mga tinapay, at crematorium.

Aanuhin mo nga naman ang salapi, kung hindi ka Masaya. Pero ang pagiging masaya ay ang siyang pakay natin sa mundo–ang pagiging masaya.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.