18 August 2011

Makabagong Pamansang Simbulo ng Pilipinas

Sa mga naka raang panahon ay maraming binago ang mundo kasabay ng pag unlad at pag angat ng buhay ng tao ay kasabay din na bago ang mga naka raan simbulismo. Kasama dito ang mga pambansang simbulo ng Pilipinas.

Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal na sa karamihan ng mga Pilipino ay higit na kilala ang mga internasyonal na artista. Hindi nga natin alam bakit “National Hero” si Rizal, siguro kasi nagpabaril siya pero papaano si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang “Ama ng Himagsikan” pero ngayon pwede na din ang “Pambansang Tambayan ng Mayayaman” dahil sa The Fort sa Taguig City kung saan makikita ang Serendra at High Street.

Ang ating pambansang himig na koposisyon ni Julian Felipe sa wikang espanyol na isinalin sa tagalong ni Jose Palma na kung tawagin ay “Lupang Hinirang” na kung minsan napagkakamalan pang “Bayang Magiliw” ang pamagat. Kelan ba natin na aalala ang lupang hinirang, kapag lunes ng umaga flag ceremony at biyernes ng hapon sa flag retreat. Siguro nga hindi na natin kabisado ang pinag buwisan ng buhay ng ating mga ninuno, kung saan ngayon maraming na uusong walang ka kwenta kwentang mga kanta tungkol sa mga bading, basura, kalaswaan at iba pang kahalay halay na mga salita na halos daig pa ang hindi nakapag aral at lasing.

Ang Baro’t Saya ay ang ating pambansang damit. Aminin man natin o hindi tuwing Buwan ng Wika lang natin na iisip ang mga ganitong bagay, na kung saan may nagtatalumpati, may nasasa dula at nagsasalita ng malalalim na tagalog. At aminin natin ang baro’t saya ay nasusuot lang pag naka burol kana at ililibing na.

Ang pambansang bansang hayop ay Kalabaw, pero sa pag baybay at pagsulat naman ay nagkakamali pa din parang “kalabao”. Saka kung may pambansang hayop, dapat may pambansang animal, pero dapat tao un at hindi na hayop. Kayo ng bahala kung sino ang pambansang animal para sa inyo.

Ang pambansang laro na kung tawagin ay Sipa pero bakit basketball, naging boxing, tapos soccer, at huli ay boating race ang pinaparangalan nating mga Pilipino. Kung papalitan ang pambansang laro siguro pwede pang tumbang preso, kadang kadang, taan tao, agawan base, at lahit lupa. Hwag lang ang pamalit sa pambansang laro ay “Laro sa Apoy”.

Ang pambansang sayaw naman ay hindi crimping at harlem, kundi Carinosa. Kung saan kitang kita ang pagiging maka bansa sa pamamagitan ng magiliw na sayaw. Mula sa kanilang kasuotan na kung tawagin ay Maria Clara sa babae at Barong naman sa lalaki. Na ngayon ay uso ang mala mahalay na damit para sa mga babae at pabor na mabastos sa mga kalalakihan.

Ang pambansang bahay naman ay ang Bahay Kubo, kung saan gawa sa pina tuyong mga parte ng puno ang materyales. May bintana kung saan para sa papasukin ang hangin at liwanag ng araw, magaan na pintuan, may ilang baitang na hagdanan. Wala naman pinagkaiba ngayon yan sa “Squatter Area”. Saka sila ang sentro ng atensyon ng mga pulitiko kasi ang squatter ang may pinakamalaking porsyento na bubuo ng pagkapanalo ng pulitiko. Anung kinalaman nito, wala lang.

Ang pambansang puno na Narra na siyang sumisimbulo ng katatagan ng mga Pilipino, na kahit ilang pang bagyo ang dumating, hindi ganung kadaling mabubuwag at tutumba. Siguro pwede na maging pambansang halaman na din na kung tawagin ay “Marijauna”, at siguro dapat meron na din pambansang gamot, pagpilian mo lang, ang “Boteng may Ugat” na makikita sa labas ng Quapo Church, o ang “Shabu” kung saan popular na kasalanan ng mga nasa kulungan at part time hobby naman sa selda.

Ang pambansang ulam naman na kung tawagin ay Letchon o ihihaw na baboy. Aminin man natin hindi kaya ng pilipinong dukha ang presyo ng letchon, kaya naghanap ng abot-kamay na pagkain, dati ay Galunggong, pero ngayon kahit simpleng tao hindi na kayang maka bili ng kahit tuyo o daing. Kaya na uso na ang pag dildil ng asin at iulam ang toyo sa kanin, dahil hirap na ang taong bayan. Kahit tubig may bayad na, pati na nga hangin pera na ang katapat. Dadating ang panahon baka pati buhay natin may halagang pera na.

Ang pambansang ibon naman ay ang Aguila, kung tawagin nga ng mga nakaka tanda ay Haribon o Haring Ibon. Pero bakit mas kilala ang mga tandang na manok kesa sa aguila, saan mo sila makikita, sa Patupara o Sabungan. Pinagpupusatahan hangang kamatayan ng kanilang mga alaga, pagpanalo may pera, syempre masaya si alaga, pag talo ginagawang tinola. Anung ginhawa kaya kapag ganun.

Ang pambansang prutas naman ay ang Mangga. Sa lagay ng taong bayan hindi nila kayang bumili nito sa panahon ngayon. Seasonal Fruit nga daw, pero kung bibili ka nito siguraduhin mo may pang gastos ka pa kinabukasan. Wala naman ispesyal sa mangga, kundi ang mataas nitong presyo, per kilos.

Ang pambansang bulaklak na Sampaguita, na kung saan ang pagiging puti ng kulay nito ay sumisimbulo ng pagiging puro at kalinisan. Sa lahat ng umiibig at gustong manuyo o man ligaw, pa alala, hindi lahat ng bulaklak pwedeng iabot sa iniirog. Pwera na lang kung nagtitipid o kuripot ka talaga. Pwede rin naman, kaka iba nga eh, sampaguita para sa iyong iniirog.

Ang pambansang dahon ay Anahaw, pero sa madaming adik ito ay Marijuana. Tama nga naman, palitan na ang anahaw, hindi mo naman alam kung bakit yan ang pambansang dahon. Palitan na ng marijuana, ang pambansang gamot ay droga, at ang pambansang dahon ay marijuana. May simbolismo na ang dahon para sa mga Pilipino. Galingan mo nga lang, kasi selda at kulungan ang kababagsakan mo pagnagkataon.

Ang pambansang isda ay hindi galunggong, hindi dilis, hindi tinapa o tuyo, ito ay ang Bangus. Hindi Shokoy o Serena, hindi rin balyena o pugita, tulad ng balita sa probinsya. At hindi ko din alam kung bakit ang Tilapya ay mas mura sa bangus.

Ang pinaka sikat na pambansang simbolo ng Pilipinas na kung tawagin ay Pambansang Problema ay ang Kahirapan. Subukan mong lumbas sa lunga at trono mo, tapos tignan mo ang paligid mo. Tapos tanung mo sa sarili mo kung anung pwede mong gawin para sa pambansang problema na kung tawagin ay kahirapan.

04 August 2011

Pinoy Siga

Papaano ba malalaman kung “Pilipino Siga”? Ang “Pinoy Siga” ay matatagpuaan sa ilang parte ng Pilipinas, isa sila sa mga delekadong tao sa buong mundo. Madaling makita kung sinong pinaka siga pagnag tabi lahat ng pinoy siga, lalu na sa inuman. Sa pamamagitan ng pagtingin kung sinong may pinaka malaking tiyan sa kanila, mas malaking tiyan, mas siga tignan. Hindi sila umiinom ng ibang alak kundi “beer” lang na may binasag na yelong pang pa lamig sa kanilang lalamunan, at ang tanging pulutan lang ay ang tinatawag na “kornik”. Sinabi din na mas sigang tignan kung dalawang bote ang hawak niya na sabay itong tutungain nang walang tapon o saying mula sa kanilang bibig. Dapat din na may nagmamasahe sa siga, dahil dito malalaman kung sino ang kayang utusan niya, madalas ang nagmamasahe din ang bumibili ng inumin at pulutan, at taga hatid sa siga kapag sila ay hindi na maka kilos. Basihan din sa pagiging siga ang tagal o habag ng oras na umiinom siya, mapa isa lang man siya o sa grupo ay kasama. Kung sakaling susunduin ng kanyang nanay o asawa, papauwiin lang nila ito, kung hindi man sisigawan lang sila ng mga pinoy siga. Mas siga tignan kung naka shorts lang, kung hindi naka sando, mas matapang tiganan kung wala kang suot na damit. Kayang umuwi ng bahay kahit madaling araw, wasak na wasak, at nasa bisyo pa maglakad.

Sa kultura ng Pilipino, hindi dapat mawala ang hilig sa musika. Mas may dating ang manginginom na hindi lang marunong, dapat magaling mag gitara at maganda ang boses. Sila ang mga tipong kung may videoke machine sa lugar ng kanilang inuman, sila ang mga siga na halos hindi bumibitaw sa mikropono at halos mapaos kahit hindi kagandahan ang kanilang boses.

Ang kultura kinalakihan ang mga manginginom, matapang nga ba kapag na kakapag hanap ng gulo o away? Tingin ko “hindi”, kasi kung matitigil ang pagiinuman niyo dahil sa trouble, hindi ka tatawaging tunay na Pilipino siga kung hindi ka tatagal sa inuman.

Pagdating sa kwentuhan, ang Pinoy Siga ay hinding hindi ma uubusan ng kwento, andito ang problema ng buhay nila, pamilya, kulang nap era pero pag dating sa inuman meron naman mailalabas, at mga babae, pero mas siga kang tignan kung “hindi ka makaka bastos” nang kahit sinong babae, naging masama man sila or mabuti.

Pinoy Siga! Dito lang sa Pilipinas. Come and visit us.