Noong araw, binibilad sa initan ang mga lumang baterya, para
daw ma recharge—hindi pala totoo yun. Ito ung mga battery operated gadgets na
malakas kumonsumo ng baterya kadalasan. Minsan naman, sa kalagitnaan ng misa ng
simbahan ay maymaririnig na malakas ng ringtone o tunog galing sa cellphone. Kadalasan
kapag sobrang lakas nito ay matatanda ang may ari, at hindi nila alam kung
paano patigilin o i-silent mode. Sa mga CD, noong araw ay hindi ka maaaring
tumakbo kapag nagpapatugtog ka ng discman—tumatalon ang tunog nito pag naaalog.
May mga cellphones din na may angulong hawig sa pangkiskis ng yelo, o pwedeng
pang pukpok sa ulo ng masamang tao. At ilan pang mga bagay na katawa-tawang
bagay na di natin lubos isipin re-rehistro sa ating kamalayan mula sa araw na
nauso ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sa pahanon ngayon kung saan pwedeng makabili at makagamit
ang middle-lower class people ng makabagong gadgets ay unrestrictive na ba? Dahil
dumating sa puntong once upon a time ang matataas na tao lamang ang may
kakayahang makabili at makagamit ng ganitong mga mamahaling bagay, at hindi
kaya ng nakararaming normal na tao.
Noon din, libre ang text messaging dahil ang mga malalaking kompanya
lamang ang nagpapadala ng mensahe sa cellphone, kung saan ang message nila ay
patungkol sa pag update ng bills ng rehistradong contact number sa nasabing kompanya.
Kasi siguro, kung sa modernong panahon na uso ung mga
malalaking gadgets (walkman, discman, film operated camera, classical cellphone
models, pager, etc.) ay seseryosohin ba sila ng taumbayan—mukha kasing hindi dahil
mukha silang laruan.
Dumating ang araw na manghang mangha tayo sa mga makabagong
gadgets galing sa makabagong teknolohiya. Napaka suwerte nga dahil sa
tinatamasan bunga ng makabagong teknolohiya. Dadating ang panahon na naka lagay
nalang sa tenga ang cellphone at puro voice recognition interface technology na
ang gamit. At dadating din ang panahon na magiging obsolescence ang lahat ng
gadgets—kundi masisira, tuluyan itong mawawala sa uso at papalitan ng panibago.
Papaano nga kaya kung nabuhay tayo sa anyong walang
teknolohiya. Kasi dati naman, walang ganito pero nabuhay sila.
Baka dumating din ang araw na sa pagkahumaling natin sa mga
ganitong klaseng kagamitan ay pinagnanasahan na natin sila—na hindi na kumakain
para lang makabili ng nasa usong gadgets. At ang mahirap sa uso—nalalaos.
Aminin man natin o hindi, lahat ng kagamitan ay nagiging junk, nasisira at
nawawalan ng halagang pisikal. Kaya enjoy at its best.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.