03 September 2012

Ging gam bells, ging gam bells, ging gam ol da wey!

September palang pero maron ka ng maririnig na "Jingle Bells, Jingle Bells". Ang sikat na kanta sa mga street children kung saan isinasambit ng bibig ay “Ging gam bells, ging gam bells, ging gam ol da wey!”. Diba, tinalo pang "Ang Pasko ay Sumapit" na likha ng Pilipino.

Hindi ba parang aspekto din ito ng "Colonial Hangover". Para madali, "Colonial Mentality". Na mas ginugusto pa nating maging banyaga kesa manatili sa pagka-Pilipino. Na kapag hindi ka marunong magsalita ng english, ganun-ganun nalang. Mas ninanais nating maglahing banyaga kesa local identity. Ung tipong buong akala ay mala William Shakespeare na. Walang ayaw maging makata. Walang ayaw maging Rizal, del Pilar o Bonifacio. Walang ayaw maging Balagtas. 

Colonial Mentality, Check! Ang Superiority Complex kaya. Ung tipong kapag makapag-english ay akala na pagaari na ang atensyon ng ibang tao. Na parang may ipinapahatid–making kayo, magsasalita ako. Pinare-required sa ibang tao na kailngan nyo akong mapakingan, at pwersahang sundin at mapakingan. Ganun ba un?

Kaya ba hindi tayo umunlad-unlad dahil ikinahihiya natin ang pinanggalingan natin. Ano nga naman kung Pilipino, wala naman problema dun. Siguro, ang problema lang dun ay nasa loob lang ng utak. MINSAN KAILANGANG ALUGIN, alam mo yun. PARA GUMANA.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.