Proclamation Number 242 of 2011 declared that September 5 to
October 5 is National Teachers Month, and October 5 is the World Teachers Day.
Sa mga Kung Fu films. Ang pinakang bida ay napaka imposibleng
mag-mature ng walang guro/teacher na magtuturo sa kanya. And eventually, may
mangaapi/kontrabida sa kanya—Kasi dadating ang araw na maii-train sila ng mga
teacher nila.
Malinaw na kayang baguhin ng mga teacher nila ang buhay ng
istudyante. At malinaw din sa tala ng Pilipinas, na kaya nagkaroon ng Jose
Rizal ay dahil sa kaso ni Teodora Alonzo—Dona Lolay, ang nanay ni Pepe—na
siyang naging kauna-unahang guro ni Pepe, at dahil dun ay kumuha siya ng medisina.
Di man naging Medicine Certificate si Pepe ay na gamot niya ang katarata ng
kanyang ina.
Ang pinakamalaking pondo ng gobyerno ay napupunta sa “edukasyon”.
Ang tanung dito ay “nararamdaman ba ito ng mga guro?”. Na mismong pang bili ng
chalk ay galing pa sa sariling bulsa nila. Parang may dahilan nga ba ang mga
guro dito sa Pilipinas magpatuloy. Para kasing ang hirap—Magmula sa pagbabantay
ng balota ng eleksyon, sila ang sumasangga sa kaguluhan. Hanggang sa pagbibilang
ng boto na umaabot ng ilang araw, specially sa mga di kayang abutin ng voting
automation process. –Samantalang kapos sila sa bayad na nakukuha nila. Kaya
siguro, noong araw uso ang pagbebenta ng pulburon at nutribun hanggang sa damit
na hulugan. Ang hirap kayang maging teacher, kung ang suweldo ay napapako,
bakit kaya ang cost of living—hindi.
Ilang bagay lang na dapat pasalamatan at dapat maalala; Una,
na ang pagaaral pala ay hindi dapat maging boring at nakaka antok. Pangalawa
para sa history teachers na bumubuhay sa tauhan ng kasaysayan para magkaroon ng
saysay. Pangatlo para sa mga music teachers na nagbigay depinisyon para sa
kahalagaan ng melodiya sa musika. Pangapat ay para sa mga Pilipino at English
teachers, binigyan pagkakataong makilala ang talento ng istudyante para isagawa
sa pamamagitan ng pagsulat ang imahinasyon at kathang-isip. Panglima ay para sa
Science at Mathematics, natutunan natin na lahat sa mundo ay definite, lahat ng
nangyayari sa mundo ay may dahilan—dipende un kung paano mo gagampanan.
Hinihikayat ko kayong balikan ang
paboritong guro ninyo sa elementarya, sekundarya at kolehiyo na makapag
pasalamat at i-recognize na tumulong sa inyo kung anu kayo ngayon.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.