Anu bang elementong pinagigitnaan ng “showbiz” at “politics”,
silipin natin ang nakaraan mula sa perspektibong kasalukuyan. Dati, makikilala
ang pulitiko sa mga patutsyadahan at batuhan ng kuro-kuro. Samantalang ang shobiz
naman ay kung may magaling na taglay ng pag-awit at pagsayaw, at kahusayan sa
pag-arte. Paano nga ba nagsalubong ang showbiz at politics.
Sa perspektibo pagtingin ng politics, para dayuhin ang
miting de avance ay dapat may pamilyar na personalidad—mga kilalang artista. Samantalang
sa perspektibo ng showbusiness ay maaari silang pumasok sa kanilang political will,
kung saan ang pagiging artista nila—napapanuod sa TV o napapakingan sa radio—ay
makakatulong sa popularity rate para makilala, magpakilala at maalala ng
taumbayan sa kahit anung estado ng buhay.
Magkaibang mundo ang politika at showbiz. Sa politika mga
batas ang dapat kabisaduhin, samantalang ang artista ay lines and script. Ang
politika ay ang pakikipagtalastasan sa kapwa politiko, samantalang ang artista
ay kung maano luluha o magpapatawa sa harap ng camera. Sa pagtingin ng sambayanan,
ang pulitiko ay ipapanalo ng pulitiko. Ang artista, di ba sapat ang popular na
pagkilala mula sa kanilang napapanuod o napakikingan.
Kung ang politiko, pag nanalo ay politiko. Paano ang artista
pag pumasok sa world of politics, pulitiko na din ba at din a artista? O parang
“Purket ba artista ka, mananalo ka na?”—siguro. Pero itong mga nakaraan, ipinakita
ng taubayan na hindi nila masyadong gusto ang mga artista sa pulitiko.
Paano nga ba napasok ang showbiz sa pulitika? Ito siguro ang
natural na ebolusyon ng pagkilos—sa persepsyon ng mga bagay-bagay. Political
versus Showbiz. Matayog na usapin versus sa Arte ng sining. Para mapataas ang
kamulatan ni Juan Dela Cruz at Juana Dela Cruz, kailangan bang parang
pangangampanyang mala variety show na may lumalabas ng sing and dance talent
artist—kahit mga sexy starlet pa.
Dati ay ang nakakaboto lang ay mga mayayaman at mga
kalalakihan lang. Pero sa panahon ngayon na halos wala ng gender inequality at
discrimination, may nangyayari kaya sa boto. O baka naman walang matagumpay na
progresong nangyayari mapa pulitiko ka man o artista.
Ang binuboto ng taumbayan ay ang personalidad hindi ang
popularidad. Pero pag nasa harap ka nang balota at nakalimutan ang iboboto,
iaasa nalang ba sa “name recall”, kung saan binuboto natin dahil kilala ang tao
at hindi sa kung ano ang abilidad at kayang gawin. Sa bagay, wala tayong
malawakang edukasyon patungkol sa pagboto—voters education. At kung mayron man
ay mabagal.
Bilang electorate, hindi nga ba tayo mature, o baka handa na
nga ba tayo. Armado na nga ba tayo ng sandata sa darating na eleksyon?
Naghahanap nga ba tayo ng malinaw na diskurso? Hindi ko talaga alam.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.