28 September 2012

Komiks

Noong araw, naging popular na babasahin ng mga Pilipino ang Komiks. Dumating din ang panahong walang umaamin na gusto nilang magbasa, o tumangkilik dito. Ni kahit hawakan ay inaayawan. Kung minsan pa nga ay pinangdidirihan pa. 

Marka nang pagkakaiba at pagkakahati nang lipunan ng Pilipinas. Ilang mayayaman na intelektuwal, maging ang mga nakapag-aral o edukado ay binabasura ang ganitong klaseng propesyon. Hindi pinapansin ng mga may kaya at mga mayayaman ang komiks. Kabalbalan at kabalintunahan daw itong maituturing. Di nila alam na ang komiks ang nag-uugnay sa iba’t ibang uri uri ng tao mayron sa Pilipinas.

Dumating ang panahong naging mas popular ang komiks. Mula sa pinakamaliliit na detalye ng talambuhay ng mga karakter ng kwento kesa sa pangunahing problema ng lipunan at mga napapanahong issues. Mas kinabighanian din ito ng mga istudyante kesa sa mga textbooks, balarila at katha.

Komiks ang klase ng panitikan na nagpapatatag para sa kamalayan ng nakararaming Pilipino sa sarili nilang karanasan sa buhay. Na kung minsan ang karakter at mga tauhan ng komiks ay minsan ay mas kilala pa nila kesa sa Bayani ng Pilipinas. Ito ang dahilan para hindi maalis sa isipan ang gawa at nilikha ng sining ng mga ilustrador, gumuguhit at nagkukulay, kuwentista, at manunulat ng komiks.  

Mula sa malilikot na imahinasyon ng mga komikeros, o mga manlilikha. Na ang dating minamaliit at iniiwasang sining ng pagsulat at pag-guhit, ngayon ay siniseryoso at pinagtutuunan ng pansin—noon.
Nag-umpisa ang komiks sa comedy genre. Naglalarawan ang karakter na katawa-tawa, at naglalarawan ng hindi magandang paguugali ng mga Pilipino. Mula sa pagpapatawa ng komedya, tumawid ito sa iyakan at romansa, hanggang sa umabot sa romansa. Hanggang humalo na sa pantasya at aksyon. 

Para abangan at subaybayan ang komiks, naglalabas ng serye ito kada edisyon, sa halip na ilimbag lahat hanggang wakas. Paguukulan ng pansin, at gagastusan talaga ng mahihilig sa komiks, para malaman ang mga susunod na kabanata. 

Noon, walang kahit anung babasahin sa Pilipinas ang makakatulad sa komiks. Pagdating sa usapang popularidad. Gamay na gamay ng mga Comics Artist ang pulso ng masang Pilipino. Nagpapaiyak, nagpapatawa, nananakot at nagpapatulin ng tibok ng puso ng mambabasa ang mga tauhan ng komiks.
Mahalaga ang naiambag ng komiks sa kasaysayan ng Pilipino. Kundi dahil dito, malamang hindi tayo natutong magbasa at magsalita ng tagalog. Ilan sa atin ang di nakakaintindi ng tagalog. Sa pinakamurang pinagmumulan ng entertainment—komiks—dito ang karamihan natuto. 

Kaya lang, dumating ang panahon na humihina at dahan-dahan nang namamatay ang komiks—ngayon. Pinatay ng iba’t ibang uri ng entertainment ang komiks. Na nagmumula sa mga banyagang bansa pumasok sa Pilipinas. 

[Ang sulating ito ay alay kay Sir DANNY ACUNA]

24 September 2012

Aswang, Babaylan at Kasaysayan

Aswang
 
May kakayahang gawin ang iba’t ibang bagay tulad ng magpalit-anyo nang hayop, lumipad, mahikang itim, transpormasyon at pagalingin ang sugatang sarili. Hindi kinakailangang kumain ng pagkain mapa lutong ulam, prutas o gulay, at maging inuming tubig. Nagdadalang-tao, mga sakit at kabataan—napaka abstraktong kunsepto ang Aswang, mula sa paniniwala ng Filipino.

Noong dumaong ang mga barko ng kastila sa Mactan, Cebu sa pamumuno ni Ferdinand Magellan. At di kalaunan ay napaslang siya ni Lapu-lapu. Sumunod na pagdaong ng mga barko ng kastila ang kanilang misyon ay palaganapin ang kristiyanismo sa Pilipinas. Sumunod na dito ang pagkontrol at pananakop sa loob halos ng higit sa tatlong daang taon. Hanggang lumabas at nailimbag ang mga libro ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ang simula ng pagsiklab at pagalab ng saloobin ng mga Pilipino, dahilan para labanan ang mga kastila para sa kalayaan ng bansang Pilipinas.

Paniniwala ng mga sinaunang Filipino na ang pagsasabi ng "Tao po." ay paglalahad ng "tao po ako.", di po "Tao po?", na nagtatanung. Sinasabi ng nagsasalita na "ako po ay tao"—hindi ung naghahanap ng tao.

Ang paniniwala sa aswang ay base sa kinaugalinan at paniniwala na ipinapasa ng matatanda. At bumabakas sa kaisipan ng kabataan na kapag nakakarinig ng patungkol dito ay di nila iniisip na nagku-kwento sila, kundi ito ay totoo kasi galing ito sa salita ng matanda.

Babaylan
 
Bakit nga ba babae ang karaniwang aswang? Nung panahong nasa nasakop ang Pilipinas ng Espanya, ang kababaihan ang nangungunang lumaban sa mga dayuhan. Dahil wala silang armas at sandata tulad ng sa mga dayuhan, pinili nilang sumalisi sa kalagitnaan ng gabi. Sa dilim sila lumulusob sa pamamagitan ng itak at bolo na kanilang sandata.

Dahil hindi madesimina ng mga kastila ang lupon ng kababaihan sa kagubatan. Ipinakalat nila na ang aswang ay naninirahan sa kagubatan, at pumapatay ng walang kalaban-laban. Kaya humina ang puwersa ng kababaihan sa kagubatan, natakot ang mga tao galing sa siyudad na magpunta sa kagubatan o bulubundukin.
Babaylan o mga Babaeng Pari o Priestess ay makapangyarihan sa tribu ng mga Filipino na kanilang nasasakupan. Ginagampanan ng mga Babaylan ang pag-gagamot (local healers o quak doctors). Dahil dala ng espanya ang mga modernong kagamitan at gamot para sa may sakit o kapansanan, tinawag nila ang mga Babaylan na aswang, dahilan para sila ay katakutan, layuan at tuluyang humalingan ng dayuhan para sa kanilang medisina. Tinawag din ang mga babaylan na mangkukulam, at ginagampanan ang Gawain ng kadiliman. Ito ang madaling dahilan para limitahan ang lumalaban sa pamamahala ng espanya. 

Babaylan bilang mang-gagamot. Paniniwala ng sinaunang Filipino na kayang gamutin ng babaylan ang anu mang klaseng sakit, mapa supernatural o pang kalusugan pa. Sa kalagitnaan ng modernong medisina at halamang gamot, mas pilipili ng mga Filipino ang tradisyunal na paraan. Kumukunsulta sila sa mga babaylan, at karamihan sa kanila mabilis na pumapanaw, kanila itong ikinamamatay. Karaniwang dinadahilan ng pagkamatay ng pasyente ay patungkol anung may kinalaman sa aswang.

Kung bakit hindi nakakapunta ang pasyente sa medical doctors ay wala naman silang perang pambayad, kung mayron man ay kinakailangan nilang maglakad pababa ng bundok o paluwas ng kabayanan, at uubos ito ng oras o kahit araw at gabi, makakita lang ng duktor. Para maiwasan nila ang matagal na proseso, pumupunta sila sa babaylan. 

at Kasaysayan

Dahil nung araw, ang klasipikasyon na ang ginagawa mo kung walang nakapaloob ng pagiging kristiyano ay matatawag na kasamaan. 

Di nagtagal, ang aswang ay ginawang panakot para sa mga bata, pag hindi natutulog o lumalabas sa gabi, ito ang pinapanakot ng matatanda. 

Nabago na din ang kunsepto at paniniwala sa aswang tulad ng; Mga sulatin na nasa libro. Mga movie director at film maker ng horror genre.  Mga paintings at graffiti. Salin-labi ng mga nagku-kwento. Epekto ng malikot na imahinasyon. At marami pang iba. 

Sa kasaysayan. Ito ang pagbabago ng konsepto sa pagitan ng aswang at babaylan.

21 September 2012

Maligayang Araw ng Batas Militar

Ang deklarasyon ng Batas Militar o Martial Law ay hindi September 21, kundi dapat ay September 23, 1972. Ika 21 ng Setyembre 1972 ay pinirmahan ni Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081, ang pagsasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar. At ika 23 ng Setyembre 1972 ay naging epektibo ang Batas Militar. 

Sa perspektiba ng kasalukuyan, ang pinakamatinding kalaban ng bawat Pilipino ay hindi malupit na diktador, at mapang aping rehimen. Kundi ang ating sarili mismo, at ang ating paglimot. Nung panahon ng Batas Militar. Mura ang isdang galunggong—pambansang ulan ng mga maralita. Mura ang pamasahe at gaas. Wala kang makikitang tambay, maging adik, tamad at salaulang taong gumagala-gala tuwing gabi. May mga tao pa din hinahanap habang lumuluha ang kanilang kamag-anak.
Gayun din ang nakaraan, lumuluha din. Parang walang nakasuhan, parang walang kasalanan. Siguro, ang nasa isip ng mga Pilipino ngayon ay “ayus lang na pagnakawan ng bilyon-bilyon—ok lang”. Pero bakit pag nagnakaw ka ng tinapay o gatas para sa humahagulgol na kabatid, huli ka agad, binubugbog ka agad, dugo ka agad.

Sa panahong hindi uso ang kahit anung social media networks, at email at texting message. Kung may telepono man, hindi mo naman alam kung sinung nakikinig sayo—wire tapping o voice recording. At ang mga patotoo na hindi lang sa numero na aalala ang ganitong klaseng kasaysayan. Dahil ang appreciation ng kabataan sa Martial Law/Batas Militar ay bilang nalang—bilang ng koleksyon ng sapatos ni Imelda, dami ng mga namatay at walang hustisya para sa pinaglalabang demokrasya, bilyong-bolyong piso at mga bar ng ginto, at nawawala na ang pangalan at napapalitan nang bilang. Makalipas ang 40 taon, anu ng nagbago? O baka wala tayong paki alam.

Subukan kaya nating bigyang-buhay ang mga pangyayari nung nakaraan—kwento ng madugo at malagim. Ang libro na information textbooks, ipinakabisado ng mga teacher at professor—mga taon at pangayayari. Siguro, kapag isinulat muli ang dokumento na pangyayari ng nakaraan, maging mahalaga kaya ang alaala ng mga Pilipino, at wag nang makalimot? Pero kung  marunong kang bumasa at may boses ka, hinding-hindi mamamatay ang kwento ng alaala. Ang parte ng kasaysayan ay  ang pagalala nito. Siguro nga, ang pinakamalaking kalaban ay ang ating alaala, o ang walang alaala. Ito ang tagong aral ng nakaraan.

17 September 2012

Tunay na Pilipino

Sino na nga ba ang “Tunay na Pilipino”? Sa dinami-dami ng kulturang kinamulatan ng mga Pilipino. Maging ang ating wika, magkakaiba an gating salita. Nagpapatunay ito na hindi lang iilang lahi mayron ang Pilipinas, pero ito ay binubuklod ng pagka Pilipino. Pero, nga ba? Sino na nga ba ang Tunay na Pilipino?
Sa usapang kapanganakan. Kung ang ama at ina ay Pilipino, Pilipino din ang anak—Jus Sanguinis. At kung sa Pilipinas ipinanganak kahit ibang lahi ng magulang, Pilipino ang anak—Jus Soli. Ito kasi ang naka tala sa saligang batas.

Para kasing hindi lang sa dugo at papel lang sapat maging Pilipino. Baka nga wala talagang Pilipinas, dahil sa pagkakaiba ng kultura at wika? May mga Pilipino nga na naka tayo palang sa Pilipinas ngunit ang kaisipan ay lumulutang at nasa ibang bansa na.

Mag mula ng nagkaroon ng himagsikan, hindi na mawawala sa isipan ng bawat Pilipino ang dugong nadilig sa tinubuang lupa at mga buhay na hindi dapat masayang para sa wala. Sa kabuohan, ilang bagay lang naman ang gusto ng ating mga ninuno pagdating sa hinahapan, na kasalukuyan para sa ating ngayon. Na sana ay maisakatuparan ang naising ating mga ninuno. Na hindi sinusukat sa dugo at papeles lang ang pagka Pilipino. Kundi sa pagtutulungan ng bawat isa at pagkakaroon ng isang layunin at damdaming naka batay sa kultura at magandang paguugali. Para sa nagkaka isang lahi ng magkakapatid na may malayang diwa at kaisipan. Na ang tunay na pakahulugan ay para sa ikabubuti, hindi lang para sa iilang o karamihan, ito ay para sa lahat. Na lahat ng Pilipino ay paniwalaang kayang maging bayani. Mga taong nagbibigay pahalaga sa bayan ng walang hinihinging kapalit. Iba-iba man ang pakahulugan ay mas pinipiling maging Pilipino. Sinisikap tulungang mapaunlad ang kakayahan ng sariling bayan, anu man ang kanyang kahinaan.

Daang Matuwid

Sa ating mga lahi, bago pa tayo sakupin ng dayuhan. May paniniwala na kapag namatay ang tao, ang kaluluwa ay may pinatutunguhan, destinasyon papuntang langit. Depende kung ito ay mabuting kaluluwa, ang destinasyon ay diretsyo sa langit. Sa maka tuwid ay dapat matuwid. Kaya ang naging terminolohiya natin ng magiging tama at nasa hustisya ay makatwirang katwiran. 

Marahil itinuturo ng “Daang Matuwid” ang pagisahin at mapagsama ang lahat ng anak ng Pilipinas upang itaguyod ang malinaw at matuwid sa landas na tatahakin.

Ang paghahari ng kalayaan kung saan ang puso ay nangingibabaw ang kabutihan kasama ang lahat. Walang kahulugan ang depenisyon ng kayamanan at kalayaan kahit sa pirmadong papel kung lahat ay gulangan at naglipana ang suwapang. Paano nga ba talaga tayo magiging tunay na malaya, kung di natin sisimulan sa daang matuwid, mismo sa ating sarili—tama nga naman.