Hindi na kakaiba ang pag-gawa ng
New Year’s Resolution sa lahat ng umpisa ng taon, ang Enero Uno. Bukod sana na
bawasan ang mga maka mundong pagnanasa at maglaro ng damdamin ng ibang tao,
lahat nalang ginagawa natin sa mundo nang may consequences. Ilan sa mga New
Year’s Resolution na lagi nalang naka sulat sa talaan ng mga tao kapag sasapit
ang bagong taon;
• Bawasan na ang pag-inom ng
alak. Hindi na uuwi ng gumigewang gewang sa kalsada. Hindi na bubuga ng suka sa
kalsada. Hindi na gagawing banyo ang lahat ng poste kun saan ka man abutan. At
hindi na dedemonyohin ang kainuman. Hindi na din magtataka kung bakit nawawala
ang susi ng kotse o bahay, laman ng wallet at cellphone.
• Mag-volunteer sa mapagkawang
gawang mga aktibidades. Lagi kasi tayong busy sa pagpe-facebook at twitter,
maging ang magpumiling na aktibista sa mga social media networks, mang stalk
kay Justin Bieber, mabaliw sa mga Kpop at Koreanovela. Gumawa nalang ng ka
aya-ayang mga bagay, tulad ng pagtulong sa iba.
• Magbawas ng stress. Bumili ng
mga bagay na magpapaligaya at mag-aalis ng pagod, pwedeng alagang hayop,
koleksyon ng mga gamit.
• Bumahe ng mas madalas. Pero wag
ubusin ang lahat ng suweldo o kita.
• Dagdagan ang oras para sa
pamilya. Kasi baka pag-gising mo malalaki na bunso mo, iba na kasama ng asawa
mo, nasa ligaw na landas na ung panganay mo, buntis o naka buntis na dahil lagi
kang kulang ng panahon sa kanila.
• Bawas bawasan ang utang, at
mag-ipon. Bawasan ang utang dahil mala sang may utang pag sapit ng bagong taon.
Mag-ipon din, hindi lahat ng request ng inaanak ibibigay, hindi materyalistiko
ang pasko at bagong taon.
• Kumain ng tama at mag diyeta.
Iwasan ang extra rice.
• Matutunan ang ibang bagong
kaalaman.
• Tumigil manigarilyo. Mahirap
alisin ang hithit-buga.
• At ang pinakamahirap, ang
magbawas ng timbang, mag-ehersisyo.
The science of New Year’s
Resolution is all about will power. Make any goal as a habit, but not to be
vices. Lagi kasing drawin ang nangyayari sa lahat ng New Year’s Resolutions.
Malamang bawat isa sa atin ay number one rule breaker ng New Year’s Resolution.
Siguro wag nalang damihan ang listahan sa resolusyon, ontian lang, at dapat
isa-isa lang at wag masyadong mataas, wag masyadong ambisyosa. Kasi ung
expectation natin dapat realistic, hindi ung alam mong napaka imposibleng
abutin, wag mong lokohin sarili mo. Then reward yourself in a good behavior.
Ang hirap kasi sa’tin nauuna ang reward bago ang good behavior, then inspired
by your goal, and repeat continuously sa lahat ng naka lista sa inyong
resolusyon.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.