14 January 2013

Eleksyon 2013


Sa Pilipinas, hindi lang talaga dalawa lang ang panahon; ang tag-araw (dry season), ang tag-ulan (wet season), at ang panahon ng eleksyon (election season).  Ang tag-araw na nobyembre hanggang abril, ang tag-ulan na mayo hanggang oktubre, at ang panahon ng eleksyon na tatagal ng 4 na buwan o 120 araw.
Ang panahon ng eleksyon ang pinaka makulay, pinaka maingay at pinaka maingat kung magkakaguluhan na magugulangan ang mga taumbayan.
Sinabi na ang Pilipinas ang may pinaka bayolenteng bansa sa asya pagdating sa eleksyon. Pagdating sa Gun Ban hanggang sa Liquor Ban, pinag-iisipan gawan ng pagbabawal sa panahon ng eleksyon. Lalong lalo na sa mga Areas of Concern, sa mga tagong lugar, walang kuryente, at maging mga taong walang kakayahang sumulat at magbasa. Magmula sa mga loose fire arms na walang lisensya at ginagamit sa krimen, hanggang sa susuray suray na manong na galit dahil hindi nanalo ang ibinoto nya, dito papasok ang batas ng baril at bala. Pag dinemonyo, hahawak ng bakal, itututok nang naka tapa tang tingga, at saka pakakawalan ang bala sa pagkalabit ng gatilyo. Masamang pag samahin ang baril at alak, kahit matinong at matalinong tao, dinadapuan ni satanas.
Imposible kasi na kahit may Gun Ban at Liquor Ban sa Mayo 13, araw ng eleksyon, mayron at mayron pa din naka tago sa balwarte ng ilan mapa may lisensya man ito o wala, at ang selebrasyon ng mga mananalo sa tulong ng alak. Kaya sa mga susunod na buwan, hanggang matapos ang election day ay magkakaroon ng random checkpoints at inspection sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ilang bagay lang; hindi na makakakita ng “from the friends of” ganyan ganyan sa mga posters at televisions. Kung sa television ads naman hindi dapat lalagpas ng 120 minutes hanggang election day. Bawal nang lumabas sa mga tv shows at radio shows. Sa newspaper ad, hanggang 25% lang ng isang buong pahina ang papayagan, sa kahit anong klaseng produkto. Bawal na ang billboards sa kahit saang lugar. Magagamit lang ang tarpaulin na may mukha ng kandidato sa pagra-rally sa election season, may laki na hindi hihigit sa 8 feet at dapat 24 hours lang ang itatagal na hawak ng nagra-rally, pero oras na matapos ang rally kahit walang 24 hours ay dapat na alisin na ito. Ang pagpa pop up ng mga ads sa internet sites ay ipinagbabawal, maliban nalang kung sa mga social networking sites, ung mga microblogging na mahirap pang kontrolin dahil itinuturing itong private space kahit naka public ay wala silang magagawa dun.
Dahil ang pagkakaalam ko, wala pang napapatusahan sa “premature campaigning”. At sa kahit anong klaseng campaign materials, any act that promote that has chance to know whether the person is campaigning or endorsing candidates. Kasi isusumite nila ito sa Comelec para malaman kung sumobra ba sila sa budget ng kandidato. Magmula sa sentimo hanggang sa libo libong pisong gagastusin sa campaign materials.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.