Bakit ba laging hinahalintulad ang tao sa mga hayop.
Bakit ang Ahas, sa bibliya palang demonyo na agad ang
tingin, wala naman silang denemonyo sa kayamanan, mag-asawa, kapangyarihan o
puwesto. Hindi kaya ng ahas na magkamkam ng pera at magkaroon ng bank account.
Hindi nila kayang mang agaw ng asawa, magkaroon ng maraming asawa, at
magtaguyod ng maraming pamilya sa iba’t ibang lugar. Wala din silang
kapangyarihan para abusuhin ang puwesto.
Bakit ang Baboy, oo nga’t madumi, matakaw at mataba, pero
malinis ang kunsensya nila kumpara sa ibang tao. Naging popular pa sa linyang “My
brother is not a Pig!”, maling mali gamitin un sa pagtingin ng mga baboy.
Marumi, matakaw at mataba pero bakit sila ang bida tuwing may pagsasalo,
handaan at piging. Pero bakit sila pa din ang sinisisi kung bakit madaming
naoospital, kung minsan natutuluyan pa nang dahil sa pagkain ng baboy. Di ba
dapat sila ang nagrereklamo. Sila na ngang pinapatay, tao pang nagrereklamo.
Bakit ang Buwaya, laging kinukumpara sa salitang suwapang. Kung
pinapatalsik nalang sana ang mga kurap na naka suot ng robles, gahaman sa
salapi at maling pag-gamit ng kapangyarihan. Marami kasi pag dating sa ganito
dedma lang, tikom ang bibig, nagbibingi bingihan at nagbubulag bulagan.
Ginagawa na ngang kung anu anong klaseng aklesorya at kagamitan tapos tatawagin
lang buwakab at maka sarili.
Bakit ang Unggoy, mula sa kuwento ni Jose Rizal na Ang buhay
ni Matsing at ni Pangong, tinawag na silang tuso at magulang. Ang sabi naman ni
Charles Darwin galing ang tao sa unggoy. Siguro naging tuso lang ang mga unggoy
nung naging tao na sila.
Bakit ang Kalapati, sikat sa salitang mababa ang lipad.
Nangangahulugan ito na pokpok, mababang uri ng babae, bayaran o puta. Pero kung
tutuusin sila lagi ang ginagamit sa mga kasal.
Sino nga ba ang masama, ang mga hayop o ang mga tao.
Mali na tawagin hayop ang mga tao. Dahil ang hayop pumapatay
lang sa ilang bagay; para sa kanilang pagkain, at para dipensahan ang sarili. Walang
hayop na maituturing na demonyo. Walang hayop na mayaman at makapangyarihan.
Walang hayop na hayok sa puwesto at sugapa sa pera ng taumbayan. Walang hayop
na maraming kabit at mang-aagaw ng asawa.
Walang hayop na kayang gumawa nito, mga tao sila. Ngayon,
sino ang “asal-hayop”. Baka pwede na nating palitan ng “asal-tao”.
Maaari sigurong hindi sila hayop hindi rin tao, ano sila –
MGA HALIMAW.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.