Wala tayong dapat gawin kundi halukayin ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sino nga
ba si Damaso sa nobela, hanggang ngayon buhay pa din sa kaisipan ang mga akda
ni Rizal. Si Damaso Verdolagas, prayleng pari, may mabalbon na paa, puro uban at
puting buhok, at may katabaan.
Kung babalikan natin ang nakaraan, Republic
Act No. 1425 noon ika 12 ng Hunyo taong 1956, batas na nilaban ng dating Senator
Claro Recto, ang Rizal Law. Nagsasabi na sa lahat ng istudyante, maging
elementarya, sekundarya at kolehiyo, mapa pribado o publikong paaralan, na
pag-aralan ang mga akda ni Jose Rizal kasama dito buhay, sulat at akda, at ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Habang sinigisa at niluluto sa ang panukala
na Rizal Bill, tinuligsa ito ng simbahang katoliko dahil sa katolikong pananampalataya.
Ang salpukan ng gobyerno at simbahan sa mga akda ni Rizal ay pinagbantaan na kapag
ipinasa ang Rizal Bill ay ipapasara ang mga katolikong eskuwelahan, at hindi
iboboto ang susuporta dito. Hindi nagtagal naging Rizal Law na ang panukala, at
walang nagawa dito ang simbahang katoliko.
Sino nga ba si Padre Damaso? Kailan nga ba
tayo huling nagbasa ng akda ni Rizal, ang Noli Me Tangere, siguro nung high
school pa. Ganun siguro talaga, ang pagtuturo ng kasaysayan, ang problema kasi gusto
nalang nating ipagpilitang isuksok sa isipan ang libro. Imbis na maalala at
matutunan natin ang kasaysayan, kina iinisan ito nga mga istudyante.
Sa Noli Me Tangere, si Padre Damaso ay 20 taon
nang kura paroko sa San Diego. Anak niya si Maria Clara de los Santos, ang iniibig ni Juan Crisostomo
Ibarra. May kabanata sa nobela na napunta kay Padre Damaso ang puro butong
parte ng tinolang manok na puro gulay, at napunta kay Ibarra ang malamang
bahagi na tinolang manok. Sa sobrang init ni Padre Damaso ay kinamay niya ang natirang
tinolang manok at gulay, dinurog ito at ibinagsak sa kanyang plato. Agad itong
napansin ng mga kasama sa hapag-kainan. Ito ang Damaso na nakapaloob sa nobela
ni Rizal.
Si Damaso nga ba ang kontrabida sa Noli Me Tangere?
Baka naman si Padre Salvi. Si Padre Bernardo Salvi ang pumalit kay Padre
Damaso. Pagnasa niya si Maria Clara, at gusto pa niyang patayin si Crisostomo
Ibarra. Hindi ba parang sa katauhan ni Padre Salvi naka buo ang akda ng imaheng
halimaw.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.