Ika 30 ng Disyembre 1896, 7:03 AM—Matapos mabaril si Jose
Rizal ng mga taga Bulacan Firing Squad. Bakit? Dalawa ang Firing Squad sa huling
araw ng buhay ni Pepe, ang taga Bulacan Firing Squad at ang iskuwadro ng taga
espanya. Ang naging kasunduan nila ay ang dapat na papatay kay Pepe ang
Pilipino din mismo, at kapag hindi pinatay ng taga Bulacan Firing Squad, sila
ang babarilin ng eskuwadro ng espanya sa kanilang likuran. Isang bala lang ang
tumapos kay Pepe. Natamaan siya sa kanyang likuran, sa kanyang gulugod na
tuluyan niyang ikinasawi.
Matapos mapatay ni Pepe, ang kanyang katawan ay ipinagkait
ng Espanya sa kanyang pamilya. Hindi ito ibinigay sa kanyang pamilya, at kahit
ang lugar na kanyang pinaglibingan ay hindi alam ng kanyang pamilya.
Sa pakiusap ni Dona Teodora Alonzo, o Dona Loleng, hinanap
nila kasama si Narcisa ang kapatid ni Pepe ang ilang bagong libing na bangkay
sa iba’t ibang sementeryo para hukayin. Nahanap nila ang labi ni Pepe sa matandang
sementeryo sa Paco, Manila. Nagpalagay ng lapidang marmol na may nakabaliktad
na initials ni Pepe—RPJ, na para hindi nakawin o alisin ang bangkay.
Nang masakop ng mga Amerikano ang Maynila—Battle of Manila,
August 1989, hinukay ang bangkay ni Pepe at dito napatunayan na ang paglibing
sa ating pambansang bayani ay walang kabaong.
Dinala sa bahay ni Narcisa ang mga buto ni Pepe, nilinisan
at nilagay sa urn hanggang 1912. Katawa tawang ugali ni Dona Loleng na ipakita
ang buto ng kanyang anak na si Pepe sa mga bisita nito.
Ika 29 ng Disyembre 1912, Kalye Estraude, Benondo, Manila—Prinusisyon
ng mga Mason at mga Knights of Rizal ang urn ni Pepe sa Ayuntamiento,
Intramuros.
Ika 30 ng Disyember 1912, dinala sa huling hantunan si Pepe
sa pambansang munumento.
Hindi lahat ng buto ni Pepe nailibing sa pambansang
munumento. Ung buto sa kanyang bertibral na tinamaan ng bala ay dinala sa Rizal
Shrine Museo sa pinagkulungan ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Manila.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.