15 January 2013

Philippines: Cyber Crime Law

Matagal nang dene-demand ng Netizens ang Cyber Crime Law, mula pa nung 5 ng Mayo 2000, nang na imbento nila Reomel Ramores at Onel de Guzman ang ILOVEYOU (LOVE-LETTER-FOR-YOU.TXT.vbs) virus. Gamit ang visual basic programming language, pinadaan sa microsoft office outlook, at nilagyan ng registry data na auto startup ng system boot.
Kailangan naman talaga natin ng Cyber Crime Law, pero napaka laking usapin, revisions at mga batas ang dapat isaalang alang, at hindi kayang upuan ng iilang araw o buwan lang.

Kaya ngayon, ang mga raliyista at aktibista, rights advocates, social media netizens, pati ang mga geek at nerdo tinutubuan bigla ng masking tape na itim sa bibig, o kaya naman nilalagyan ng tali ang bibig.

Sino nga naman ba ang papayag na makulong sa pihitan na ang tanging kaso lang ay nang stalk ng celebrity, nag retwitt, nag repost, nag hashtag, nag blog, etc., na mas mabigat na pagkakasala kesa sa nang molestya ng menorde edad, nang rape, murder, etc.

Para saan ito? Wala lang.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.