Usaping Pondo
Ang usaping
pondo sa gobyerno, maraming mga tanong na kinakailangan ng kasagutan. At mayron
mga katanungan na hindi nabibigyang kasagutan, marami pa din ang napapailing, napapakamot
ng ulo, kumukulot ang nuo at sumasakit ang ulo. Napapatanong ka minsan kung
saan bakit namimigay ng milyong milyong piso sa senado na parang nagbibigayan
lang ng hamon at keso de bola. Buti sana kung sariling pera nila, galing sa
bulsa. Pera kaya ng taumbayan ang pinamimigay nila.
Sa dami ng tao
sa Pilipinas, mula sa pinapanganak hanggang sa mga pumapanaw ang hindi pa
nakakahawak ng P1M. Samantalang ilang sa atin ang kuntento nang malamnan ang
gutom na sikmura, kahit hindi nakakahawak kahit P100 lang.
Ang pamimigay ng
“Cash Gift” sa mga senador at kongresista, P200M sa senador at P70M para sa kongresista.
Hindi naman daw ung regalo, at hindi din naman daw un lagay. Pero pera pa rin
ng taumbayan un, at karapatan ng taumbayan na magtanong at mag-isip kung saan
na pupunta ang pinagpawisan at pinaghirapan nila mula sa kanilang pinagpaguran.
Ang
pinakamalaking tanong dito ay “Saan ba pumapasok ang korapsyon dito”. Sabi nila
kaya nabibigyan ng pondo ang mga senador at kongresista un ay dahil sa
Maintenane and Other Operating Expenses, ponding ginagamit pang opesina, mga
office supplies, upa at renta, kuryente at tubig, at kape para sa mga bisita. Gayun
pa man, napapailing pa din, napapatanong at nag-iisip ang taumbayan, “Saan ba
na pupunta ang binabayaran ko?”. Dahil karapatan ng taumbayan makita kung saan
na pupunta ang kanilang pinaghihirapan.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.