28 August 2012

Social Media Site

Sa panahong inaalipin tayo ng New Age Technology kung saan lahat ng tao ay marunong gumamit ng computer, may phone na nakakagamit ng wifi internet connection, at mayron account sa mga Social Media Networks. 

Ganun nalang kabilis ang balita at impormasyon na hinahatid ng mga Social Media Networks tulad ng facebook, twiiter at myspace na dati ay pingibabawan ng friendster. Akala natin ay hanggang mamatay na tayo, uso pa din ang friendster. Sabi ng iba wrong strategy daw ang ginawa ng mga wala nang social media sites. Nang nagumpisa ang social gaming, chat and messaging, maraming litratong pwedeng ma upload, at mga kagustuhang maipakita magmula sa walang ka kwenta-kwentang mga sulatin hanggang sa pinaka informative. Na kahit sino pwedeng maging matalino, pwedeng maging magaling. Pero lahat hindi intelektuwal. Di nga ba?

Ang komunistang China ay may kulturang tinatawag na Big Brother Effect, kung saan ang lahat nang pumapasok at lumalabas sa kanilang bansa ay kontrolado ng kanilang lipunan. Sa larangan ng International Networking o Internet ay mayron silang tinatawag na The Great Firewall of China. Magmula sa pag-access sa internet ay limitado–walang facebook, walang google, walang youtube, walang twitter–at walang impormasyong nakakalabas at nakakapasok nang walang pahintulot sa kanilang gobyerno. 

Siguro ngayon, lahat tayo ay nabubuhay sa modernong pahanon ng impormasyon. Nasa sa atin na kung papaano ito magiging kapaki-pakinabang. Marahil ay nang dahil sa Social Media ay may nagkaron tayo ng boses. Ang tanong dito ay kung may tunog ba ang boses mo. Mayron sites na sila lang mismo ang nakaka-access within the China vicinity. Maging ang mga mumurahing mobile phones–mapa wifi ready o prepaid-use phones. Mga wifi ready phones ay makapuwesto lang sa wifi spot makaka-access nang libreng internet. Samantala ang prepaid-use phones kayang maka-access sa pamamagitan ng mga network promos, o mas mahal nga ang bayarin. At dahil dito ay tumaas ang Social Networking Statistics.

Laging tandaan na magkaiba ang impormasyon kesa sa karunungan. Muli ang tanung dito ay “anu nga bang ka ibahan nila”?

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.