19 August 2012

Bayanihan


Makalipas ang ilang araw, maririnig pa rin ang sigaw ng mga naghihikaos na libu-libong pamilya sa evacuation center at barangay covered courts ng mga yupi-yuping mga de lata, durog-durog na instant noodles, mala bukbuking bigas, mga damit na pinaglumaan at di na ginagamit, pares ng tsinelas, undies, medicinal items, donated goods na may picture ng pulitiko, banners at streamers na may naka sulat na proyekto ni ganyan-ganito, boses sa megaphone ng mga nagpaparamdam na kandidato sa susunod na eleksyon, at sandamakmak na litratong nagpapakita ng kadakilaan at kabayanihan nang pagtutulungan.

Likas na kasi sa ating dapuan ng kung anu-anung kalamidad. Delubyo na nga sabi na iba. Ilang toneladang tubig ang lumunod sa ating bayan. Ilang lugar sa atin na hanggang ngayon wala pa din makain. Ilan pa din ang gumagawa ng paraan para tumawid sa rumaragasang tubig-baha. Ilan sa atin ang nagtitiis sa taas ng bubungan at nag aantay rasyon ng relief goods. Ilan din sa atin ang gumagawa ng paraan para mag volunteer at mapakita ang diwa ng “bayanihan”.

Bayanihan, ang tunay na diwa ng pagtutulungan. Ang maga Pilipino ay sanay sa mga kalamidad, pero automatic din ang pagtulong. At dito nakikita ang classical na ugaling hinding-hindi mawawala sa bawat Pilipino saan man bahagi ng mundo.

Na halos kahit tubuan na tayo ng hasang, palikpik at kaliskis, tayo pa din ang gagawa ng pagkakataon para makatulong. Masayahin kasing lahi tayo. Na kahit sa gitna ng kalamidad, lagi pa din tayong naka tawa. Mababa lang kasi ang self-esteem natin kaya mababaw din ang ngiti at maging halakhak natin. Madali din tayong makalimot at magpatawad. Kaya siguro lagi tayong nakakalimot kasi defense mechanism natin. Kaya kapag pangit ang alaala itinatapon natin, at kapag maganda un ang inaalala natin. Tayo lang din ang may kakayahang maligo sa tubig-ulan na galing sa bagyo. Na kahit nagliliparan ang piyesa ng bahay mula sa ibang lugar, kalmado pa din tayo. Sa maka tuwid, wala tayong sense of outrage. 

Gayun pa man, ang salitang “Bayanihan” ay napapamalas pa din natin mga Pilipino, at nakaka hawa ito. Maging ang mga dayuhang lahi nagtataka sa atin kung bakit. Hindi ko din kasi alam. Pero Bayanihan description will always be in Pilipino People. At hinding-hindi ito mababasa ng tubig.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.