Laging nalang naitatanung kung nag-e-exist ba ang “forever”.
Nararanasan lang ito ng mga nakikinig sa kwento ng matatanda–kapanahunan nila–kung
saan ang kwento ay naguumpisa sa “Noong unang panahon…”.
Ilang taon nang lumipas, nagkaroon ng Michael Jackson. Alam
natin na ang pangalan niya ay umalingawngaw sa loob ng higit apat na dekada.
Naging sentro ng popular na kultura ang sining na mayron si MJ. Pero iilan nga
lang ba ang nakikinig sa kanyang musika. Siguro sa ngayon, iilan nga lang.
Bago pa nagkaroon ng Justin Bieber, Kpop, Koreanovela, Thai
movies at Indie and Art Films, mayron munang Michael Jackson. Magpahanggang
ngayon ay patuloy pa ding naririnig ang mga kantang tumatak sa ating
kolektibong kamalayan katulad ng “thriller”, na kung nabubuhay ka sa pahanong
sikat ito, alam ng lahat, isinasayaw at kinakanta ng nakararaming 80s
teenagers. At take note, ang channel na Music Television o MTV ay nagumpisa
dahil sa kantang Thriller.
Madaling makalimutan na patay na nga si MJ. Kasi hanggang
ngayon ay naririnig pa din ang kanyang tinig mapa telebisyo man o mainstream
radio. Sa ganitong paraan, hinding-hindi natin makakalimutan ang naiambag ni MJ
hanggang sa mawala tayo sa mundo. Dahil buhay si MJ kapag may nakitang
Afro-American. Buhay si MJ kapag may sumasayaw na parang hangin ang galaw.
Buhay si MJ kapag naglalakad sa buwan (moonwalk). Buhay si MJ kapag may
nakakarinig na musika niya.–Buhay na buhay si MJ sa ating kamalayan.
Papaano nga ba natin nababakas ang tatak ni MJ mula sa sating
henerasyon; Ito ba ay sa pagsusuot ng matingkad at makulay na damit. Ito ba ay
sa paggamit ng pares ng gloves na may kumikinang-kinang. Ito ba ay dahil sa maputing
mukha at wigs na nasobrahan sa lugay.–Hindi naman siguro. Pero ang tatak na
iniwan ni MJ, magmula sa pagawad sa ng Life Time Achiever Award dahil sa ilang
buwan sa top ratings ang kanyang mga kanta. At karamihan ng kumakanta ay hindi
naman talaga naiintindihan ang kinakanta. Si MJ, siya din mismo ang kompositor
at gumagawa ng sayaw nito.
Matatawag na Obra Maestra ang almbum na “Off the wall” ni
Michael Jackson. Magmula sa Pop, Disco, RnB at Soul ang nakapaloob sa pakete.
Ang ritmo na hinding-hindi naluluma at patuloy na madami pang gumagaya sa
kanyang tunog.
Ang aral nito ay “mananatili at maiiniiwan ang sining ng tao
matapos tayong umalis sa mundong”. Aminin man natin o hindi, si MJ a.k.a.
Michael Jackson ay mananatiling buhay nang walang hanggan. Hindi lang sapat ang
natural na talent. Dapat samahan ito ng napakatinding pagsusupikap at sipag. Dahil
mas nagiging matalas ang talent kapag hinahasa ito at pinagpapatuloy natin.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.