Sa dinami-dami ng katanungan sa mundo patungkol sa mga
Pilipino. Bakit laging ganito; “Bakit ang mga mapuputi, nais umitim. At ang mga
maiitim, nais pumuti”. Magmula sa halamang-gamot, sabon at lotion, mga pang
pahid sa mukha, medical drugs na walang prescription, at pati ang medesina
patungkol sa pagiiba ng kulay ng tao ay nagiging negosyo sa mga clinic. Bakit sa
mga Pilipino ay hindi pa din nawawala ang kagustuhan nating pumuti.
Siguro, ang maling paniniwala ng karamihan sa atin nang “maiitim
ay madungis at madumi”, at ang depenasyon naman sa kagandahan ay ang “pagiging
maputi ay malinis”. Ganun ba yun?
Pero pansinin natin, halos karamihan ng billboards at
naglalakihang tarpaulins ay nag-e-endorse ng kung anu-anung klaseng produkto–men’s
and women’s ware, under garments at karamihan dito ay nag-a-advertise ng
produktong pangpaputi. At take note, ang artistang alam nating pinanganak ng
matingkad sa kaputian ang karamihang nag-e-endorso ng ganitong klaseng pangpaganda.
Mayroon pa kayang sisikat na artista kung saan ang kanyang
kulay ay nahahawig sa uling o gulong ng sasakyan. Siguro kapag morena ka, may talent,
magaling umarte at umiyak, at saka maganda ang katawan na parang pang scandal, pwede
pa. Tingin ko, kung may susunod na Noel “Ungga” Ayala at Rene Requistas hindi
sila sisikat na artista. Sa panahong uso ang mga John Llyod Cruz at Papa Piolo
Pascual, hinding-hindi sila papansinin na kahit maging talent o extra man lang
sa palabas.
Hindi naman siguro sa kulay naka buntot lahat ng problema ng
Pilipinas. Kaya siguro tayo hindi umaangat sa estado ng ating buhay kasi
ikinahihiya natin ang kulay ng ating balat. Naka posas pa din tayo sa ganitong
klaseng paniniwala. Itinatangi nating tayo ay lahi ng maiitim o morena, at
hindi mestiso at anak-araw. Siguro nga, walang mangyayari sa lipi at henerasyon
natin kung sa maling perspektibo ng buhay tayo tititig.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.