27 August 2012

Para sa Demonyo

“Para sa Demonyo”, ito lagi ang salitang maririnig sa mga magiinuman matapos mabuksan ang unang takip ng matapang na alak. Naglalagay sa maliit na kupita ng kanilang inuming alak–kalimuta ay sa takip o tansan mismo–at saka itinatapon ang laman nito. Kasabay nito ay wiwika sila ng katagang “Para sa Demonyo”. At bakit kaya may ganun pa?

Na ngangahulugan ba ito na inaanyayahan natin makisama ang mga demonyo sa ganitong klaseng pagsasalo? Sabi naman ng iba ay para walang malasing. Pero anu nga bang mayron sa alak, hindi ba lahat ng inuming alak ay nakakalasing. Gayung bakit ayaw nilang malasing pero umiinom sila ng alak. Hindi kaya dahil burying-buryo na tayo sa kakagawa ng timplang pang inumin at kakaibang mga pulutan, at gumagawa tayo ng mga mga kasanayang “Para sa Demonyo”.

Himayin natin. Anu bang mayron sa hapag-inuman; Una ay matapang na alak, ung tipong ilang shot glass lang ang umikot sayo, makakaramdam ka nang parang ikaw ay superhero, hindi na tatalaban, hindi gegewang at makapangyarihan. Pangalawa ay Pulutan kung saan ito ay ang pumapatay nang mapait na lasa ng alak. Maari din maging ulat at kanin kundi malilimitahan ang pagdampot ng pulutan. Maaaring chichirya, de lata o tinapay. Pangatlo ay Chaiser, matapos lunukin ang alak ay manatitirang lasa sa lalamunan na ang Chaiser ang ginagawang pang salo sa mapait na lasa diretso sa lalamunan. Kahit anung flavor, at mas matapang tignan kung maligamgam na tubig lang ang lasa ng Chaiser.

Pero bakit may “Para sa Demonyo”? Hindi ba parang inaanyayahan nila ang mga demonyo na makisalo at mapatagay sa kanilang sesyon? Ibig sabihin ba nito ay always welcome ang mga demonyong makipag inuman sa kanila? Isipin natin, kadalasan ng ang mga napupunta sa impiyerno ay mga makasalanan, at kadalasan ng mga makakasalanan ay mga manginginom din. Ibig sabihin ba nito ay tuwang-tuwa ang mga demonyo sa impiyerno pag may nagaalay ng “para sa demonyo”. Anu kayang itsyura nila habang naguunahan sila sa kapirasong patak-patak ng alak galing sa mga manginginom. Di kaya parusa ito ni Satanas sa mga manginginom? Hindi ko din alam.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.