20 August 2012

Bata ang Demokrasya ng Pilipinas

Ginimbal na tayo ng ilang beses na kudeda. Mga pag-aaklas sa dumadaming grupong lumalaban at kumukundeda sa mga opisyal na nasa pwesto–at hindi ito maganda para sa government offices. Matapos natin kumanta ng theme song ng people power revolutions, magkapit-kamay at sumalubong sa water-cannon ng mga fire trucks. Palo at hampas, sipa at tadyak. Magutom sa lansangan, at magsisigaw ng patungkol sa pagbabago at kalayaan. Papurihan ng mga bansa dahil sa kabayanihan sa pagtatanggol sating demokrasya. Ay patuloy pa din nauulit ang dating mga pangyayari–mula umpisa, hanggang sa huli. Tama bang sabihing “sadyang bata pa an gating demokrasya”. Anu bang sinusulat ng kasaysayan. Anu bang naka tala bakit ang “kasaysayan” ay nawawalan ng “saysay”.

Sa kahit saang bansa naman, mithiin nilang maging tahimik at mapayapa ang bansa. Pero bakit hanggang ngayon ay nalulunod pa din tayo kaguluhan, sa magkaka hiwa-hiwalay na pananaw patungkol at laban sa gobyerno. Gayung ang kailangan lang naman na komunidad ng mga bansa ay pagkain makasasapat sa kanilang pamilya, trabaho at mapagkakakitaan at mapayapang buhay. Pero parang lahat, hirap sa ganitong mithiing makamtan. Walang katuparan lahat ng mithiin kung dadaanin sa armas at sandata ang ating ideyolohiya. Hanggang ngayon ay batid natin ang karaingan ng Pilipino. Magmula kahirapan hanggang kurapsyon, at maging ang maling pamumunong nahalal. Maraming paraan para sumuporta sa mapayapang sulusyon sa ganitong karaingan n gating bayan–at walang dahilan para tanggihan ng suporta kung alam nilang ipinaglalaban ay nasa katuwiran at nasa pamamaraang wasto.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.