Extra Rice? Bakit anung meron at iniilagan ito ng mga tao
ngayon. Sa panahong maraming nagkukumahog para magkaroon lang ng makakain sa
hapag na kung tawagin ay “bigas”. Anu kaya ang dahil kung bakit ay iba ay iniiwasan
ang pagkain sa kanin.
Para kasi ang sangkatauhan ngayon ay pinagiilagan ang
pagkain ng kanin, dahil ba conscious sila sa kanilang kalusugan, o baka naman
gusto lang magpaganda ng katawan. Siguro hindi lang sa pangkalusugan, maging sa
kanilang abdominal muscles.
Hindi naman tayo nagpapakamatay sa di pagkain ng kanin,
pagdye-dyeta at pag-e-exercise diba. Pero marami pa rin sikat na personalidad
na wala naman abs at alam mo sa sarili mo maraming bisyo. Si Fernando Poe Jr.
naman sikat na artista kahit ngayong wala na siya ay hindi naman kailangang
magpakita ng katawan–lagi nga siyang naka jacket sa katangahaliang tapat diba;
kundi maong na jacket, naka long-sleeve o kung minsan naka leatherjacket–habang
tagaktak ng pawis, hindi mo pa din kakakitaan ng bahid ng mantika sa mukha.
Bakit sa lahat ng kinakain natin, hindi nawawala mga
salitang low carbohydrates, l'carnitine, light, fit and non fat at herbals. Anu
nga bang problema kung na sobrahan sa Extra Rice? Anung problema kung makali
ang tiyan? Bakit si Albert Einstein, alam mong walang salitang diet o diyeta sa
kanya, at alam mo din hindi siya nag-gi-gym, pero may Theory of Relativity.
Para sa mga Anti-Extra Rice advocates. Sa ngalan ng
libu-libong gutom na tao. Sa ngalan ng kanin at malalaking tiyan. Teka nga, anu
nga bang na bigay na kontribusyon ng magandang abs sa mundo? Diba wala naman
paki alam ang mundo sa magandang abs kung ang isipan naman walang alam.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.