Si Marcelo H. del Pilar, pamoso sa pen-name na Plaridel. Ang
pinakapipitagan at pinakamatinding karibal ni Jose Rizal sa pagiging
Propagandista. Na di hamak na mas magaling mag sulat, magkastila at mas
managalog kesa sa ating pambansang bayani.
Ilang mahahalagang bagay sa pagkatao ni Plaridel.
- Hindi si Pepe ang tinitingala ng mga propagandista sa Espanya kundi si Plaridel.
- Na-insecure si Rizal nang masabihan ni Plaridel na mas mahusay ang pagkakagawa ng Noli Me Tangere kesa El Filibusterismo, kaya napilitang magsulat ng pangatlong nobela si Pepe.
- Kasama si Mariano Ponce Barcelona nang masawi si Plaridel dahil sa matinding gutom at sa sakit na tuberculosis.
- Tulad ng mga gawa ni Pepe, ang mga gawang satirikong piyesa ni Plaridel ay patungkol sa laban ng bayan. Mga nakatagong kahulugan, mga pala isipang maaaring maging gatilyo sa pagliwanag ng kaisipan ng mga Pilipino.
- Si Plaridel ang nagtatag ng Diaryong Tagalog, ang unang babasahin sa wikang tagalog.
- May mga Patron Saint ang mga Peryodista na kung tawagin ay Samahang Plaridel.
- Mahilig managinip si Plaridel, at pagkatapos ay isinusulat niya ito para mabigyan ng kulay.
- Lahat ng propagandista sa Espanya noon ay insecure kay Plaridel kesa kay Pepe. Dahil si Plaridel ay nakapasanay ng abogasya sa Pilipinas.
- Dumating ang panahon na wala ng pondo ang mga Propagandista sa Espanya.
- Dumating ang oras na ang asimilisasyon ay napalitan ng paniniwalang panghimagsikan.
- Itinuring na pinakatanyag na Freemasonry, pero walang sumunod sa kanyag kamag-anak niya.
- Kinailangan ni Plaridel na maging mason para ipagpatuloy ang laban sa kanilang na umpisahan, at hindi siya kalian man tumalikod sa Diyos bilang Kristiyano.
- Mas matalas ang pluma ni Plaridel kaya siya pinaginitan ng mga Prayle.
Ang hirap nga naman maging bayani. Kadalasan patay,
kadalasan naging parte ng rebolusyon, mapayapa man o madugong pamamaraan. Pero
ang naiambag sa atin ng mga bayani tulad ni Pepe at Plaridel ay kinakaingitan
ng ibang bansang sa Asya. Dahil na papanatili nating mga Pilipino ang
demokrasyang pinagbuwisan ng ating mga ninuno.