Wala tayong dapat gawin kundi halukayin ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sino nga
ba si Damaso sa nobela, hanggang ngayon buhay pa din sa kaisipan ang mga akda
ni Rizal. Si Damaso Verdolagas, prayleng pari, may mabalbon na paa, puro uban at
puting buhok, at may katabaan.
30 January 2013
29 January 2013
Asal-tao na, hindi asal-hayop
Bakit ba laging hinahalintulad ang tao sa mga hayop.
Bakit ang Ahas, sa bibliya palang demonyo na agad ang
tingin, wala naman silang denemonyo sa kayamanan, mag-asawa, kapangyarihan o
puwesto. Hindi kaya ng ahas na magkamkam ng pera at magkaroon ng bank account.
Hindi nila kayang mang agaw ng asawa, magkaroon ng maraming asawa, at
magtaguyod ng maraming pamilya sa iba’t ibang lugar. Wala din silang
kapangyarihan para abusuhin ang puwesto.
Bakit ang Baboy, oo nga’t madumi, matakaw at mataba, pero
malinis ang kunsensya nila kumpara sa ibang tao. Naging popular pa sa linyang “My
brother is not a Pig!”, maling mali gamitin un sa pagtingin ng mga baboy.
Marumi, matakaw at mataba pero bakit sila ang bida tuwing may pagsasalo,
handaan at piging. Pero bakit sila pa din ang sinisisi kung bakit madaming
naoospital, kung minsan natutuluyan pa nang dahil sa pagkain ng baboy. Di ba
dapat sila ang nagrereklamo. Sila na ngang pinapatay, tao pang nagrereklamo.
Bakit ang Buwaya, laging kinukumpara sa salitang suwapang. Kung
pinapatalsik nalang sana ang mga kurap na naka suot ng robles, gahaman sa
salapi at maling pag-gamit ng kapangyarihan. Marami kasi pag dating sa ganito
dedma lang, tikom ang bibig, nagbibingi bingihan at nagbubulag bulagan.
Ginagawa na ngang kung anu anong klaseng aklesorya at kagamitan tapos tatawagin
lang buwakab at maka sarili.
Bakit ang Unggoy, mula sa kuwento ni Jose Rizal na Ang buhay
ni Matsing at ni Pangong, tinawag na silang tuso at magulang. Ang sabi naman ni
Charles Darwin galing ang tao sa unggoy. Siguro naging tuso lang ang mga unggoy
nung naging tao na sila.
Bakit ang Kalapati, sikat sa salitang mababa ang lipad.
Nangangahulugan ito na pokpok, mababang uri ng babae, bayaran o puta. Pero kung
tutuusin sila lagi ang ginagamit sa mga kasal.
Sino nga ba ang masama, ang mga hayop o ang mga tao.
Mali na tawagin hayop ang mga tao. Dahil ang hayop pumapatay
lang sa ilang bagay; para sa kanilang pagkain, at para dipensahan ang sarili. Walang
hayop na maituturing na demonyo. Walang hayop na mayaman at makapangyarihan.
Walang hayop na hayok sa puwesto at sugapa sa pera ng taumbayan. Walang hayop
na maraming kabit at mang-aagaw ng asawa.
Walang hayop na kayang gumawa nito, mga tao sila. Ngayon,
sino ang “asal-hayop”. Baka pwede na nating palitan ng “asal-tao”.
Maaari sigurong hindi sila hayop hindi rin tao, ano sila –
MGA HALIMAW.
Posted by
Ulanaya
16 January 2013
Usaping Pondo
Ang usaping pondo sa gobyerno, maraming mga tanong na kinakailangan ng kasagutan. At mayron mga katanungan na hindi nabibigyang kasagutan, marami pa din ang napapailing, napapakamot ng ulo, kumukulot ang nuo at sumasakit ang ulo. Napapatanong ka minsan kung saan bakit namimigay ng milyong milyong piso sa senado na parang nagbibigayan lang ng hamon at keso de bola. Buti sana kung sariling pera nila, galing sa bulsa. Pera kaya ng taumbayan ang pinamimigay nila.
Sa dami ng tao sa Pilipinas, mula sa pinapanganak hanggang sa mga pumapanaw ang hindi pa nakakahawak ng P1M. Samantalang ilang sa atin ang kuntento nang malamnan ang gutom na sikmura, kahit hindi nakakahawak kahit P100 lang.
Ang pamimigay ng “Cash Gift” sa mga senador at kongresista, P200M sa senador at P70M para sa kongresista. Hindi naman daw ung regalo, at hindi din naman daw un lagay. Pero pera pa rin ng taumbayan un, at karapatan ng taumbayan na magtanong at mag-isip kung saan na pupunta ang pinagpawisan at pinaghirapan nila mula sa kanilang pinagpaguran.
Ang pinakamalaking tanong dito ay “Saan ba pumapasok ang korapsyon dito”. Sabi nila kaya nabibigyan ng pondo ang mga senador at kongresista un ay dahil sa Maintenane and Other Operating Expenses, ponding ginagamit pang opesina, mga office supplies, upa at renta, kuryente at tubig, at kape para sa mga bisita. Gayun pa man, napapailing pa din, napapatanong at nag-iisip ang taumbayan, “Saan ba na pupunta ang binabayaran ko?”. Dahil karapatan ng taumbayan makita kung saan na pupunta ang kanilang pinaghihirapan.
Posted by
Ulanaya
15 January 2013
Philippines: Cyber Crime Law
Matagal nang dene-demand ng Netizens ang Cyber Crime Law, mula pa nung 5 ng Mayo 2000, nang na imbento nila Reomel Ramores at Onel de Guzman ang ILOVEYOU (LOVE-LETTER-FOR-YOU.TXT.vbs) virus. Gamit ang visual basic programming language, pinadaan sa microsoft office outlook, at nilagyan ng registry data na auto startup ng system boot.
Kailangan naman talaga natin ng Cyber Crime Law, pero napaka laking usapin, revisions at mga batas ang dapat isaalang alang, at hindi kayang upuan ng iilang araw o buwan lang.
Kaya ngayon, ang mga raliyista at aktibista, rights advocates, social media netizens, pati ang mga geek at nerdo tinutubuan bigla ng masking tape na itim sa bibig, o kaya naman nilalagyan ng tali ang bibig.
Sino nga naman ba ang papayag na makulong sa pihitan na ang tanging kaso lang ay nang stalk ng celebrity, nag retwitt, nag repost, nag hashtag, nag blog, etc., na mas mabigat na pagkakasala kesa sa nang molestya ng menorde edad, nang rape, murder, etc.
Para saan ito? Wala lang.
Kaya ngayon, ang mga raliyista at aktibista, rights advocates, social media netizens, pati ang mga geek at nerdo tinutubuan bigla ng masking tape na itim sa bibig, o kaya naman nilalagyan ng tali ang bibig.
Sino nga naman ba ang papayag na makulong sa pihitan na ang tanging kaso lang ay nang stalk ng celebrity, nag retwitt, nag repost, nag hashtag, nag blog, etc., na mas mabigat na pagkakasala kesa sa nang molestya ng menorde edad, nang rape, murder, etc.
Para saan ito? Wala lang.
Posted by
Ulanaya
14 January 2013
Eleksyon 2013
Sa Pilipinas, hindi lang talaga dalawa lang ang panahon; ang tag-araw (dry season), ang tag-ulan (wet season), at ang panahon ng eleksyon (election season). Ang tag-araw na nobyembre hanggang abril, ang tag-ulan na mayo hanggang oktubre, at ang panahon ng eleksyon na tatagal ng 4 na buwan o 120 araw.
Ang panahon ng eleksyon ang pinaka makulay, pinaka maingay at pinaka maingat kung magkakaguluhan na magugulangan ang mga taumbayan.
Sinabi na ang Pilipinas ang may pinaka bayolenteng bansa sa asya pagdating sa eleksyon. Pagdating sa Gun Ban hanggang sa Liquor Ban, pinag-iisipan gawan ng pagbabawal sa panahon ng eleksyon. Lalong lalo na sa mga Areas of Concern, sa mga tagong lugar, walang kuryente, at maging mga taong walang kakayahang sumulat at magbasa. Magmula sa mga loose fire arms na walang lisensya at ginagamit sa krimen, hanggang sa susuray suray na manong na galit dahil hindi nanalo ang ibinoto nya, dito papasok ang batas ng baril at bala. Pag dinemonyo, hahawak ng bakal, itututok nang naka tapa tang tingga, at saka pakakawalan ang bala sa pagkalabit ng gatilyo. Masamang pag samahin ang baril at alak, kahit matinong at matalinong tao, dinadapuan ni satanas.
Imposible kasi na kahit may Gun Ban at Liquor Ban sa Mayo 13, araw ng eleksyon, mayron at mayron pa din naka tago sa balwarte ng ilan mapa may lisensya man ito o wala, at ang selebrasyon ng mga mananalo sa tulong ng alak. Kaya sa mga susunod na buwan, hanggang matapos ang election day ay magkakaroon ng random checkpoints at inspection sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ilang bagay lang; hindi na makakakita ng “from the friends of” ganyan ganyan sa mga posters at televisions. Kung sa television ads naman hindi dapat lalagpas ng 120 minutes hanggang election day. Bawal nang lumabas sa mga tv shows at radio shows. Sa newspaper ad, hanggang 25% lang ng isang buong pahina ang papayagan, sa kahit anong klaseng produkto. Bawal na ang billboards sa kahit saang lugar. Magagamit lang ang tarpaulin na may mukha ng kandidato sa pagra-rally sa election season, may laki na hindi hihigit sa 8 feet at dapat 24 hours lang ang itatagal na hawak ng nagra-rally, pero oras na matapos ang rally kahit walang 24 hours ay dapat na alisin na ito. Ang pagpa pop up ng mga ads sa internet sites ay ipinagbabawal, maliban nalang kung sa mga social networking sites, ung mga microblogging na mahirap pang kontrolin dahil itinuturing itong private space kahit naka public ay wala silang magagawa dun.
Dahil ang pagkakaalam ko, wala pang napapatusahan sa “premature campaigning”. At sa kahit anong klaseng campaign materials, any act that promote that has chance to know whether the person is campaigning or endorsing candidates. Kasi isusumite nila ito sa Comelec para malaman kung sumobra ba sila sa budget ng kandidato. Magmula sa sentimo hanggang sa libo libong pisong gagastusin sa campaign materials.
Posted by
Ulanaya
02 January 2013
New Year's Resolution
Hindi na kakaiba ang pag-gawa ng
New Year’s Resolution sa lahat ng umpisa ng taon, ang Enero Uno. Bukod sana na
bawasan ang mga maka mundong pagnanasa at maglaro ng damdamin ng ibang tao,
lahat nalang ginagawa natin sa mundo nang may consequences. Ilan sa mga New
Year’s Resolution na lagi nalang naka sulat sa talaan ng mga tao kapag sasapit
ang bagong taon;
• Bawasan na ang pag-inom ng
alak. Hindi na uuwi ng gumigewang gewang sa kalsada. Hindi na bubuga ng suka sa
kalsada. Hindi na gagawing banyo ang lahat ng poste kun saan ka man abutan. At
hindi na dedemonyohin ang kainuman. Hindi na din magtataka kung bakit nawawala
ang susi ng kotse o bahay, laman ng wallet at cellphone.
• Mag-volunteer sa mapagkawang
gawang mga aktibidades. Lagi kasi tayong busy sa pagpe-facebook at twitter,
maging ang magpumiling na aktibista sa mga social media networks, mang stalk
kay Justin Bieber, mabaliw sa mga Kpop at Koreanovela. Gumawa nalang ng ka
aya-ayang mga bagay, tulad ng pagtulong sa iba.
• Magbawas ng stress. Bumili ng
mga bagay na magpapaligaya at mag-aalis ng pagod, pwedeng alagang hayop,
koleksyon ng mga gamit.
• Bumahe ng mas madalas. Pero wag
ubusin ang lahat ng suweldo o kita.
• Dagdagan ang oras para sa
pamilya. Kasi baka pag-gising mo malalaki na bunso mo, iba na kasama ng asawa
mo, nasa ligaw na landas na ung panganay mo, buntis o naka buntis na dahil lagi
kang kulang ng panahon sa kanila.
• Bawas bawasan ang utang, at
mag-ipon. Bawasan ang utang dahil mala sang may utang pag sapit ng bagong taon.
Mag-ipon din, hindi lahat ng request ng inaanak ibibigay, hindi materyalistiko
ang pasko at bagong taon.
• Kumain ng tama at mag diyeta.
Iwasan ang extra rice.
• Matutunan ang ibang bagong
kaalaman.
• Tumigil manigarilyo. Mahirap
alisin ang hithit-buga.
• At ang pinakamahirap, ang
magbawas ng timbang, mag-ehersisyo.
The science of New Year’s
Resolution is all about will power. Make any goal as a habit, but not to be
vices. Lagi kasing drawin ang nangyayari sa lahat ng New Year’s Resolutions.
Malamang bawat isa sa atin ay number one rule breaker ng New Year’s Resolution.
Siguro wag nalang damihan ang listahan sa resolusyon, ontian lang, at dapat
isa-isa lang at wag masyadong mataas, wag masyadong ambisyosa. Kasi ung
expectation natin dapat realistic, hindi ung alam mong napaka imposibleng
abutin, wag mong lokohin sarili mo. Then reward yourself in a good behavior.
Ang hirap kasi sa’tin nauuna ang reward bago ang good behavior, then inspired
by your goal, and repeat continuously sa lahat ng naka lista sa inyong
resolusyon.
Posted by
Ulanaya
Subscribe to:
Posts (Atom)