Flores de Mayo. May nagsa-santacruzan
pa ba ngayon? Tingin ko naman mayroon pa. Sa panahon ng social media, parang
ang laki ng pinagbago ng tradisyon ng Santacruzan. Kamusta naman kaya ito sa
panahong naka dipende nalang sa teknolohiya ang lahat ng bagay.
Sabi nga ng iba, parang hindi na
nakagisnan. Parang iba na daw. Fashion Show na daw. Kahit alam nating
napakasagrado ng tradisyon na ito kaya taon taon natin ginagawa ito.
Flores de Mayo, ang kapistahan ng mga katoliko na ipinagdiriwang
sa buwan ng Mayo. Galing sa salitang kastila na angg ibig sabihin ay Flower of
Marie. Ang pag-aalay ng Bulaklak kay Maria sa loob ng simbahan.
Santacruzan ang prosisyon kung saan
isinasadula ang paghahanap ng banal na Krus ni Reyna Elena. Ung mga deboto, may
dalang naka sinding kandila.
Aktibo pa din bang
sinasaggawa ang Santacruzan, o baka tuluyan nang nabago ang tradisyon ito sa
paglipas ng panahon. Mula sa panahon ng facebook, twitter at instagram,
nabibigyang pansin pa kaya ito? Mukha kasing nagiging Fashion Show nalang ito. Papogian
ng escort at pagandahan ng damit. Pagandahan at papogian, pagarbuhan ng
kasuotan. Hindi kaya masyado nang napapalitan ang tunay na ibig sabihin ng
paggdiriwang ng santacruzan? Para kasing ganun, nababago.
Hindi dapat ituring na
fashion show ang santacruzan tuwing Flores de Mayo. Ang karapat dapat suotin ay
ang kasuotan noong panahong nabubuhay si Hesu Kristo dito sa lupa. At ang tunay
na kahulugan ng Santacruzan ay ang pag-aalay ngg bulaklak sa dambana ng Mahal
na Berhen.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.