28 April 2013

Abril; pang daigdigang buwan ng mga aklat

Sabi ng nakararaming paniniwala. Ang kahiligan ng mga kabataan sa panunuod ng telebisyon ay hindi nangangahulugang wala silang interes sa pagbabasa ng aklat.

Ung mga Filipino na mahilig manuod ng telebisyon ay gusto ding magbasa ng mga aklat na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral, ung hindi inutos ng kanilang mga professor at teacher, ung sapilitang pababasahin at pagagawin ng book report o review analysis.

Telebisyon at radyo, newspapers at magazines, video files, window shopping sa mall, social media at internet, computer games, atbp., buong akala ay ito ang dahilan kung bakit nahilig ang mga tao sa pagbabasa sa walang kinalaman sa kanilang pag-aaral.

Sa internet palang marami nang distractions—social media sites; facebook, twitter, instaram, atbp. Walang matibay na patunay na internet ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga mambabasa. Kung tutuusin nga ang mga internet users o netizens pa ang pa ang mga mambabasa, hindi nga lang mala textbooks o modules na ginagamit sa iskuwelahan.

Mas mataas ang proporsyon ng nagbabasa ng libro na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral kumpara sa ipinababasa o ginagamit nila sa kanilang iskuwelahan. At nag-uumpisa ito sa edad na 15 hanggang 17. Nag-uumpisa na silang magbasa habang bata palang.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.