Ika 10 ng
Mayo 1897, si Andre Bonifacio, ang ama ng rebolusyon, ang founder ng katipunan.
Kasama ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio ay pinatay sa bundok ng
Maragondon, Cavite ng mga sundalo sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo sa
kasong pagtataksil at rebelyon sa bayan.
Nang
madiskubre ang Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio, nagkaroon ng hidwaan sa
paniniwala ang Magdalo ni Emilio Aguinaldo, at Magdiwang ni Mariano Alvarez.
Kaya inimbitahan ng dalawang samahan si Bonifacio sa Cavite para makapag-ayos ang
nagbabanggaan ng magkaibang paniniwala, para mapagkasundo, para mapag-isa.
22 ng Marso 1897 sa Tejeros, Cavite. Pinangunahan ni Bonifacio ang eleksyon
para sa Republika ng Pilipinas kung saan na halal si Emilio Aguinaldo bilang
Presidente, Mariano Trias bilang Bise Presidente, at Andres Bonifacio bilang
Sekritarya.
Ang kagustuhan ni Bonifacio na baguhin o bigyang reporma ang pamahalaang
gobyerno ay nakasakit sa panig ni Daniel Tirona at ang Magdalo. Agad nilang
kuwinestyon hindi tama ang gustong mangyari ni Bonifacio gayung wala naman
syang papeles bilang tagapagbatas/lawyer.
Bilang Supremo ng Katipunan, ideneklara ni Bonifacio na walang basehan at
kanselado ang naging botohan. Kaya agad na lumipat si Bonifacio sa Naic, Cavite
para umpisang itayo ang kanyang gobyerno sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Dahil sa ginawa ni Bonifacio, inaresto sya ng mga sundalo ni Heneral Emilio
Aguinaldo. Nilitis sya sa salang pagbubuo ng sariling gobyerno at binigyan ng
parusang kamatayan.
33 taong gulang lang si Andres Bonifacio nang magpaalam sa mundo, kasama ng
kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio. Sinong pumatay sa kanila, kapwa
nating Pilipino din sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.