HACK
Lagi nalang kasi. Pag may nangialam ng facebook account,
sasabihin na “na hack ako”. Pag may nagbago ng post o status, sasabihin na “na
hack ako”. Hindi ko na mabuksan ung account ko, “na hack ung account ko”.
Teka nga. Isa isahin muna natin.
Hacker – unauthorized people na may kagagawan ng nakapag-bypass
sa computer security sa pamamagitan ng network communication tulad ng wifi o
kahit internet. Dalawang bagay; (1) Maaari nyang ayusin security problems, (2)
Maaari nyang gawan ng illegal tulad ng baguhin ang kabuohan ng system, nakawin
ang mahahalagang files o i-deactivate ang account, at marami pang iba.
Uulitin ko. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba?
Nag-internet ka sa labas, hindi mo na logout ang account mo.
Naiwan mong open ang account mo. Natural! Ang susunod na gagamit ng nirentahan
mong computer ay may account din sa facebook—imposibleng wala un, napaka
imposible un!
Kung tinamaan ng lintek ung next user ng computer sa
internet café na nirentahan mo, automatic un babalahurain nya ang account mo.
Hindi mo ni-logout, pakikialaman un ng iba. Ayus lang sana kung ni-logout ng
next user un kaso alam mo naman ang tao laging gustong may pinagtatawanan,
laging gusto may pinag-uusapan.
Uulitin ko ulit. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba? O
baka masado ka lang pabaya?
Social media accounts are extension of our house. Kaya kung
pinabayaan mong bukas ang pintuan ng bahay nyo. Nag-aantay ka ng masamang taong
papasok sa loob nito.
Ano? Na hack nga ba? O baka masado ka lang pabaya?
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.