14 December 2013

21st of September 1972

41 years ago nang ideklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law.

Bukod sa mga infrastructures at Original Pilipino Music. Ano pa bang magandang naidulot ng Martial Law?

Mula nung napatay si Ninoy Aquino ay dumami ang mga bayani. Kasama dito si Abraham "Ditto" Sarmiento na naglathala ng "Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, kailan pa?".

Kahit walang social media para sabihin pa like nga ng pictures na ito, ay nagdididikit na ng mga slogan ang mga istudyante ng unibersidad at nagpapakalat ng mga fliers ng pakikibaka kahit alam nilang pwede silang makulong o mapatay sa ginagawa nila.

Iba't ibang lugar ang nakiisa sa human rights violation. Kasama dito sila Lino Broca (direktor), Freddy Aguilar (music, solo) at Apo Hikings Society (music, band), at ibang mga manlilikha ng sining pang protesta. Nakisama ang ilang pulitiko at abogado. Maging ang Cardinal Arsobispo ng Maynila, pari at mga madre. Kahit ang matandang si Chino Roses na haharap pa din sa tubig ng bombero at tear gas kahit na mahina.

Nung inilibing si Ninoy nung namatay sya. Nakisama at nakiisa na ang iba't bang sektor ng lipunan; mayaman man o mahirap.

National Hero: Rizal versus Bonifacio

Ang RIZAL DAY sa DECEMBER 30, 1896 , araw ng kanyang KAMATAYAN. Ang BONIFACIO DAY sa NOVEMBER 30, 1863, araw ng kanyang KAPANGANAKAN. Bakit kaya ganun? Himayin natin ayun sa aking kuru kuro.

Bagumbayan na ngayon ay Luneta. Firing Squad ang tumapos sa buhay ni Rizal. Kastila DAW ang pumatay kay Rizal. Teka!? Kastila nga ba?
Bago mag-umpisa ang pag-execute kay Rizal. May dalawang firing squad ang nakalinya kay Rizal. Una ay ang firing squad ng mga kastila; Pangalawa, ang firing squad ng taga Bulacan. Pag hindi binaril ng Bulacan Firing Squad si Rizal, sila ang babarilin ng Spanish Firing Squad. Again? FILIPINO ANG BUMARIL KAY RIZAL PERO IPINAGUTOS ITO NG KASTILA.

Mt. Buntis, Maragondon, Cavite. Matapos ang kontrobersyal na botohan sa Tejeros Convention. Umalis sila Andres Bonifacio at Procopio papunta sa Maragondon, Cavite. Ipinag-utos ni Emilo Aguinaldo sa kanyang tauhan na patayin si Bonifacio. Binaril si Bonifacio sa likuran na agad nitong ikinamatay. Habang naka umang na ang itak ni Procopio para lusubin ang bumaril sa kanyan kapatid ay agad itong naunahan ng putok. Parehas nasawi sa kamay ng Filipino ang magkapatid na Bonifacion. Again? FILIPINO ANG PUMATAY KAY BONIFACIO NA IPINAG-UTOS NG KAPWA NYA FILIPINO.


Ganun ba un? Namatay si Rizal sa kamay ng kastila, samantalang si Bonifacio sa kamay ng kapwa Filipino. Dahil ba kalaban ang pumatay kay Rizal kaya dramatic ang eksena, kumpara kay Bonifacio na kakampi ang nagpapatay.

Pictures: Rizal versus Bonifacio

Ilan sa mga documented pictures ni Rizal ang hanggang ngayon ay nakikita pa din. Halos lahat ng napuntahan nyang bansa o lugar, may litrato sya. Magmula sa pagiging Theater Artist; cross-dresser, musician, bothered father, at iba pa. Hmm? Hindi kaya si Rizal mas nauna si Rizal sa konsepto ng social media kung saan mayron syang napakadaming pictures.

Samantalang si Bonifacio. Iisa lang ang documented pictures sa tana ng buhay nya. Oo, nag-iisa lang. Un pang kasal nya kay Gregoria de Jesus. Lahat ng pictures ni Bonifacio maliban sa original photo nya, puro kathang isip na lang ni Fernando Amorsolo. Un lang para kay Andres Bonifacio. THE END.

19 June 2013

DEATH OF JOSE RIZAL



Ang bumaril kay Pepe sa Baumbayan (Luneta) ay Pilipino. Bulacan Firing Squad, 14 soldier at 1 bala ang tumapos sa buhay ni Pepe. Dalawa ang firing squad sa 30th ng December 1896, 7:03am sa Bagumbayan– Una, Bulacan Firing Squad; Pangalawa, Spain Firing Squad. Pag hindi binaril ng Pilipino firing squad si Pepe, sila ang babarilin ng taga Spain firing squad. At dahil iisang bala lang ang loaded sa 14 riffles ng taga Bulacan Firing Squad, wala silang sisihan kung sino o kanino napunta ung ripleng may bala. Binaril sya nang nakatalikod. Tumama ang bala sa kanyang likuran, spinal cord, sa gulugod, na kanyang tuluyang ikinamatay.

Nang mamatay si Pepe. Ipinagkait at ipinagbawal ng gobyerno ng espanya na mapunta ang katawan nya sa kanyang pamilya. Sa mga panahong yun, walang nakakaalam kung saan inilibing ang labi ng Pepe, ni kahit kaibigan o pamilya nya.

Sa pakiusap ni Dona Loleng (Dona Teodora Alonzo, ina ni Pepe) sa pamahalaan ng espanya na hanapin ang labi ni Pepe. Sa tulong ni Narcisa (ikalawang kapatid ni Pepe), natunton nila kung saan nakalibing ang labi ni Pepe— sa sementeryo ng Paco, Manila. Tulad ng request ni Pepe nung nabubuhay pa sya. Gusto nya ng baliktad na initials sa kanyang lapida. “RPJ”, para hindi nakawin nang nakakakilala sa’kanya at hindi alisin ang bangkay sa pag-uutos ng pamahalaan ng espanya.

Battle of Manila, August 1898. Dito palang nahukay ang labi ni Pepe. Napatunayang walang syang kabaong— ang National Hero of the Philippines ay inilibing ng walang kabaong.

1912, nakuha ni Narcisa ang buto ni Pepe. Inuwi sa bahay, nilinisan, nilagay sa urn. Ugaling ipagmayabang ni Dona Loleng na ipakita sa mga bumibisita ang buto ni Pepe— Astig!

30th December. Dinala sa huling hantungan si Pepe. Sa Pambansang Munumento. Pero hindi lahat ng labi ni Pepe ay nailibing sa kanyang himlayan. Ung natamaan ng bala sa kanyang spinal cord, gulugod ay dinala sa Rizal Shrine Museo, kung saan dito ikilulong si Pepe, sa Fort Santiago, Manila.

MALIGAYANG IKA 152 KAARAWAN JOSE RIZAL

MALIGAYANG IKA 152 KAARAWAN JOSE RIZAL

Tsk! Tsk! Tsk! Mas inunan pa ang pustahan sa NBA kesa batiin si JOSE RIZAL.

Kung sa bagay, patay na naman si Pepe. Papaano nga naman ba nya malalaman na sa panahon ngayon, dinadakila at pinag-aaralan sya. At ang kanyang mukha ay makikita lang sa piso.


Teka! Paano kung nabuhay si JOSE RIZAL sa panahon ngayon?

1. Malamang may iPhone 5 un o kaya naman Samsung S4. Madaming collection ng emo songs kasi di ba, may joke nga na sya daw ang unang Pilipinong emo dahil sa buhok nya.

2. Malamang may facebook account un na puro picture ng kinanin nya, food blogging.

3. Pabor kaya sya sa Reproductive Health Law? Sa Cybercrime law? Sa Seat Belt law? Sumusunod kaya sya sa batas trapiko? Pero isa lang alam ko kung dadaan sya sa “Gates of Hell”, matra-traffic sya.

4. Maging Independent Filmmaker kaya sya? Indie Film, uso un ngayon. Noli Me Tangere at El Filibusterismo , pati ung pangatlong nobela nya sana na hindi natapos, ung Makamisa. Syempre walang manunuod nun not unless si John Lloyd Cruz at si Sarah Geronimo un.

5. Kilala din kaya ni Pepe ang hapag-inuman? Ano kayang iniinum nya, serbesa, gin pomelo, vodka o ladies drink? Ano kayang pulutan nya? Kasi paboritong pagkain nya daw ang pancit, mangga at lansones. Nagbabasag din kaya sya ng yelo sa dingding?

6. Doktor si Pepe. Hindi nya lang natapos ung kursong Medical nya kasi ang gusto nyang gamutin ay ang katarata ng kanyang ina, si Dona Loleng. Gayun pa man, baka nagla-liposuction o stem cell therapy kaya sya? Pampaputi ng balat at kilikili? Sa hirap ng buhay ngayon, baka nga maisipan nyang gawin un. Pwede din magpunta nalang sya ng Amerika para maging nurse kasi dito sa Pilipinas, ang suweldo sapat lang bumuhay kinabukasan, short term investment of life.

7. Manunulat at makata si Pepe. Hindi kaya nasa Music Industry sya? Rapper o kaya naman Rocker, emo nga di ba.

8. Politician? Ewan kasi gusto nya ng pagbabago. Para kasing hindi mapapansin ung mga nobela nya sa panahon ngayon not unless magpo-post sya ng mga kababawan at hindi kinakailangang pag-isipan sa facebook status nya.

9. Aktibista o Raliyista? O baka naman sa social media lang tinutubuan ng tapang. Kasi instant, kahit nasa harap ka lang ng internet, tatawagin ka ng “Politically Relevance”. Pero syempre, hindi un magiging biktima ng force disappearance kasi sa nakakasukang cybercrime law palang eh wasak na.

10. Madagdagan kaya ung mga chx nya gayun? Kasi may facebook na, twitter, instagram, pati phones. Hindi na uso ang tranvia, kalesa at kabayo, sulat na may stamp.

JOSE RIZAL at ang Edsa

JOSE RIZAL at ang Edsa.
Anong koneksyon nila? Wala naman.

Ang unang pangalan ng Edsa ay “Avenida Disinueve de Junio” (June 19) noong 1946. June 19 ang kaarawan ni Pepe.

Tapos naging “Highway 54” noong 1950’s. Bakit 54? Kasi akala dati, common misconception nila ay 54km ang makabilang dulo ng Edsa. Hanggang ngayon hindi pa din alam kung bakit Highway 54.

Saka lang ito tinawag ng Epifanio de los Santos Avenue o Edsa noong 1959.

25 February 1986, tapos nangyari ang Edsa People Power Revolution. Napatalsik ang Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang astig! June 2013, ang Edsa ay “Gates of Hell” sabi ni Dan Brown.

Papaano binaril si Jose Rizal? Paharap ba o patalikod?

PAPAANO BINARIL SI JOSE RIZAL? PAHARAP BA O PATALIKOD?


Para sa mga napatunayang taksil sa gobyerno ng Espanya. Sila ay binabaril ng nakatalikod para sa kanilang pagkakatumba ay susubsob ang kanilang mukha sa lupa, hatol na kamatayang walang kadangal dangal. 

30 December 1896 , 6:30am. Naglakad sila Pepe at ng kanyang mga kasama mula sa Fort Santiago hanggang sa Bagumbayan. Mas pinili ni Pepe na maglakad kesa sumakay sa karwahe. Bakit? Siguro para tumagal pa sya kahit ilang minuto sa mundo. Suot ni Pepe ang pinakamagandang damit, nagkasumbrero pa. 

Kasama nyang naghatid ang naging propesor nya sa Ateneo; sina Padre March at Padre Villaclara. Binibiro pa ito ni Pepe, pero hindi sya magaling na joker. Seryoso ang mukha at hindi tumatawa ang dalawa. 

Nang makarating sa lugar na kanyang pagbabarilan. Nag-request si Pepe sa kapitan heneral na wag syang barilin ng patalikod, dahil hindi daw sya taksil sa gobyerno ng Espanya. Hindi ito pinayagan. Dapat pa nga daw ay paluhurin at nilagyan ng piring o takip sa mata, pero hindi na ito ginawa tulad ng ibang binibitay sa pamamagitan ng pagbaril ng nakatalikod. Tanging naging hiling ni Pepe ay barilin sya sa likuran malapit sa kanyang puso.

Kinuhaan ng pulso si Pepe ng isang doctor na espanyol. Normal at hindi sya kinakabahan. Hindi takot mamatay si Pepe. 

7:03am, sumigaw ang heneral, “Preparado!”, habang itinaas ang kanyang espada. “Apunten!”, itinutok kay Pepe ang mga ripple. Gayun pa din, kalmadong kalmado si Pepe. Kasabay ng pagbagsak ng espada ng heneral ang pagsigaw ng “Fuego!”. Pumutok ang mga baril. 

Ito ang astig! Ginamit nya ang puwersa ng mga baling tumama sa’kanya para mapaikot at hindi bumagsak ng nakasubsob sa lupa ang kanyangg mukha. Umikot ang katawan ni Pepe at tumumba ng nakatingala sa kalangitan. Namatay sya ng may dangal. 

“Viva España!  Muerte de los Traidores!”, sigaw ng mga espanyol. Patay na ang numero unong kaaway ng Espanya.

28 May 2013

OFFENSIVE AND TASTELESS JOKES

Hindi lang binatikos, kundi delubyo ang nangyari sa social media sites tungkol sa “offensive and tasteless jokes” ni Vice Ganda sa kanyang major concert; i-Vice Ganda mo ako. 

Mayroon syang inalipusta, at maraming natawa. Nagbigay sya ng weight scenario tungkol sa GMA news anchor na si Jessica Soho. As usual, pumatok ito sa mga manunood; naghagalpakan at nagtawanan, parang walang humpay na kaligayahan. 

Hindi ito pinatulan ni Jessica Soho. Pero ang mga sumunod na eksena ang pumunit sa damdamin ng na-offend nya. Hanggang sa nagkaroon ng “Rape Joke” ang komendyante na sobrang nakatapik hindi lang ng ibang reporters at news anchors, maging ang mga netizens at concern citizens. 

“Rape is not a joke!”, ano nga naman ba ang pakiramdam ng komedyante habang nagpapatawa sya kesa sa pakiramdam ng na-rape? Para maunawaan ang nararamdaman ng rape victim parang hindi nga naman talaga magandang gagwing katatawanan ang mga bagay na wala naman sa lugar, wala sa ayos at hindi nakaranas nito. Hindi kaya yumayaman sya sa ganung klaseng paraan? “Kademonyohan” nga daw sabi sa social media. 

“Rape is NEVER a joke!”. Where is the border line? Nakakatawa ba? Parang hindi kasi eh. Kung sa ibang bansa grabe nila alipustahin at tirahin magmula sa lahi, kulay ng balat, lagay sa buhay, itsura at iba pa, bakit tayo hindi pwede? What if the subject is not Jessica Soho, maybe simple personality, do you think it can go so far? What if there’s no social media, do you think this is not the issue? 

Sa ilang mga comedy bars kung hindi ka o-okrayin eh may pagka-green jokes ung papatok. Sa isang maliit na area, kahit malungkot ka mapipilitan ka talangang humagalpak sa kakatawa. Sa oras na nag-umpisa ka na ngumiti, tatawa ka na sa susunod. Ngayon hindi na katanggap tanggap ung may nagbabatukan at nagsasampalan para pagtawanan. 

Same aspect as “Short Attention Span”, tatagal ito hanggang sa matabunan ng mas malaking issue, hanggang sa mas malaking issue, hanggang sa mas malaki pang issue, hanggang hindi na ito maalala. Pwera nalang kung mag immediate apology si Vice Ganda sa public. 

Rape joke is a foul. It is clear that Vice Ganda is in the form of bullying.

24 May 2013

MANILA; THE GATES OF HELL

MANILA; THE GATES OF HELL
INFERNO by DAN BROWN

Kung bakit kasi mapagpatol tayong mga Pilipino.

Ano nga bang tawag dun? Balat sibuyas? Balat sibuyas nga ba ang mga Pilipino?

Ikaw bilang Pilipino. Pag nakababasa o nakaririnig ka ng hindi maganda o pangit patungkol sa Pilipinas; kulay ng balat, lahing kayumanggi man o mapuputi, o kahit kalagayan ng lipunan. Pinapatulan mo ba? Ako kasi, siguro sa una nakakairita naman talaga. Pero bakit mo pa papatulan eh di parang sisikat pa yun.

Mula sa ika apat na libro ni Dan Brown, ang Inferno. Malinaw na ang tinutukoy sa sa linyang “I've run through the gates of hell” ay ang Maynila, na isa sa mga fictional character ang nagsalita sa kanyang nobela. “Fictional Character”, ibig sabihin ay kathang isip lang, hindi totoo at gawa lang ng malikot na imahinasyon.

Hindi ba may ganung itsura naman talaga ang Maynila at napakatagal na nating hindi nasusulusyunan ang kalagayan nito. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mula kapanganakan hanggang tuluyan kang mag-exit sa mundo. Ilan lang dito ang illegal drugs, prostitution, kahirapan, corruption, at napakarami pang iba.

Hindi ba dapat mas maging sensitibo tayo sa kalagayan ng ating bayan. Hindi ba dapat iniisip natin kung papaano masusulusyunan ang ganitong klaseng kalagayan. Teka nga! Papaano nga ba natin mabibigyang solusyon itong mala impiyernong kalagayan ng ating bayan, at napuna pa sa aklat ng sikat na manunulat.

Balat sibuyas nga ba talaga tayong mga Pilipino? Natural na kasi sa’ting makarinig ng puna galing sa dayuhan kaya tayo nasasaktan, nagre-react at nagkokomento.

Ilan Independent Films ba ang nilalabas ng Pilipinas para maipakita ang sining, kagalingan at kalagayan ng lokasyon ng palabas. Take note, ang ideal Indie Film ay dapat nasa location ng kahirapan, ang tawag dun “Poverty Porn”. Impression ito ng artist o ng director.

Pero parang as long as maling mali ang ating pagkakaintindi, un ang paniniwalaan natin, ang mismong mali.

Back to the work of Dan Brown’s Inferno. In proper perspective kasi, ung nagsalita sa nobela ay fictional character, and a fictional is a part of reality.

Hindi naman natin maitatago sa mundo ang kalagayan ng ating bayan, ng ating bansa. Kahit may mga Manny Pacquiao, Charice Pempengco, Arnel Peneda at Jessica Sanchez ay hinding hindi natin patatago sa kanila ang kalagayan ng ating bayan.

Bakit kaya? Hindi naman siguro natin ikinahihiya ang ating kalagayan di ba? Isipin mo di ba, pag may sumikat na tao sa mundo, hahanapan natin ng lukso ng pagiging Pinoy kahit may napakaliit na tyansa basta masabi nating may kalahi tayong magaling. Concern tayo sa tingin ng mga dayuhan pag dating sa international stages.

15 May 2013

Hack nga ba, o Kapabayaan?


HACK

Lagi nalang kasi. Pag may nangialam ng facebook account, sasabihin na “na hack ako”. Pag may nagbago ng post o status, sasabihin na “na hack ako”. Hindi ko na mabuksan ung account ko, “na hack ung account ko”.
Teka nga. Isa isahin muna natin.

Hacker – unauthorized people na may kagagawan ng nakapag-bypass sa computer security sa pamamagitan ng network communication tulad ng wifi o kahit internet. Dalawang bagay; (1) Maaari nyang ayusin security problems, (2) Maaari nyang gawan ng illegal tulad ng baguhin ang kabuohan ng system, nakawin ang mahahalagang files o i-deactivate ang account, at marami pang iba.

Uulitin ko. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba?

Nag-internet ka sa labas, hindi mo na logout ang account mo. Naiwan mong open ang account mo. Natural! Ang susunod na gagamit ng nirentahan mong computer ay may account din sa facebook—imposibleng wala un, napaka imposible un!

Kung tinamaan ng lintek ung next user ng computer sa internet café na nirentahan mo, automatic un babalahurain nya ang account mo. Hindi mo ni-logout, pakikialaman un ng iba. Ayus lang sana kung ni-logout ng next user un kaso alam mo naman ang tao laging gustong may pinagtatawanan, laging gusto may pinag-uusapan.

Uulitin ko ulit. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba? O baka masado ka lang pabaya?
Social media accounts are extension of our house. Kaya kung pinabayaan mong bukas ang pintuan ng bahay nyo. Nag-aantay ka ng masamang taong papasok sa loob nito.

Ano? Na hack nga ba? O baka masado ka lang pabaya?

10 May 2013

Election Reminder

• Wag nang bumoto mula sa Political Dynasty. Ginagawa nilang negosyo ang pulitika.
• Hindi porket inindorso at prinomote ng President o ng Vice President ay dapat nang iboto.
• Wag na wag ibebenta ang inyong boto. Dahil ang kanididatong bumibili ng boto ay gagawa ng paraan para maningil.
• Hinding hindi dapat bumoto dahil sikat ang pangalan ng magulang. Ang apelyido ay hinding hindi magiging repleksyon sa pagkatao. Karakter at talino ang marapat.
• Ang pagboto ay hindi parang naglalaro ka lang ng bingo. O ang halalan ay hindi karera ng kabayo.
• Maaaring hindi mo punuin ng boto ang inyong balota para sabihin lang na “Sayang eh. Boboto ko nalang sila”.
• Ang pamumuno at liderato ay hindi genetic traits na namamana. Pero ang corruption ay maaaring ma-prevent.
• Mag-ingat sa mga Patylist na nagtatangkang tibagin ang Political Dynasty. Imposible un sa estado ng Pilipinas ngayon.
• Mag-ingat sa mga kandidatong nagsasabing aalisin ang “Kahirapan”, dahil malamang hindi nila alm ang sinsbi nila.
• Ang kandidatong ayaw makipag-debate ay nangangahuluagn lang na hindi sya Intellectually Preferred.
• Wala kang mapapala sa pagboto ng alam mong malaki ang chance na manalo.
• Bumoto nang alam mong karapat dapat pagkatiwalaan ng bawat sentimong binabayaran mo.
• Conscience is the best judgment.

09 May 2013

Andres Bonifacio - 10 Mayo 1897

Ika 10 ng Mayo 1897, si Andre Bonifacio, ang ama ng rebolusyon, ang founder ng katipunan. Kasama ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio ay pinatay sa bundok ng Maragondon, Cavite ng mga sundalo sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kasong pagtataksil at rebelyon sa bayan.

Nang madiskubre ang Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio, nagkaroon ng hidwaan sa paniniwala ang Magdalo ni Emilio Aguinaldo, at Magdiwang ni Mariano Alvarez. Kaya inimbitahan ng dalawang samahan si Bonifacio sa Cavite para makapag-ayos ang nagbabanggaan ng magkaibang paniniwala, para mapagkasundo, para mapag-isa.

22 ng Marso 1897 sa Tejeros, Cavite. Pinangunahan ni Bonifacio ang eleksyon para sa Republika ng Pilipinas kung saan na halal si Emilio Aguinaldo bilang Presidente, Mariano Trias bilang Bise Presidente, at Andres Bonifacio bilang Sekritarya.

Ang kagustuhan ni Bonifacio na baguhin o bigyang reporma ang pamahalaang gobyerno ay nakasakit sa panig ni Daniel Tirona at ang Magdalo. Agad nilang kuwinestyon hindi tama ang gustong mangyari ni Bonifacio gayung wala naman syang papeles bilang tagapagbatas/lawyer. 

Bilang Supremo ng Katipunan, ideneklara ni Bonifacio na walang basehan at kanselado ang naging botohan. Kaya agad na lumipat si Bonifacio sa Naic, Cavite para umpisang itayo ang kanyang gobyerno sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Dahil sa ginawa ni Bonifacio, inaresto sya ng mga sundalo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nilitis sya sa salang pagbubuo ng sariling gobyerno at binigyan ng parusang kamatayan. 

33 taong gulang lang si Andres Bonifacio nang magpaalam sa mundo, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio. Sinong pumatay sa kanila, kapwa nating Pilipino din sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo.

04 May 2013

Santacruzan sa Flores de Mayo

Flores de Mayo. May nagsa-santacruzan pa ba ngayon? Tingin ko naman mayroon pa. Sa panahon ng social media, parang ang laki ng pinagbago ng tradisyon ng Santacruzan. Kamusta naman kaya ito sa panahong naka dipende nalang sa teknolohiya ang lahat ng bagay.

Sabi nga ng iba, parang hindi na nakagisnan. Parang iba na daw. Fashion Show na daw. Kahit alam nating napakasagrado ng tradisyon na ito kaya taon taon natin ginagawa ito.

Flores de Mayo, ang kapistahan ng mga katoliko na ipinagdiriwang sa buwan ng Mayo. Galing sa salitang kastila na angg ibig sabihin ay Flower of Marie. Ang pag-aalay ng Bulaklak kay Maria sa loob ng simbahan.
Santacruzan ang prosisyon kung saan isinasadula ang paghahanap ng banal na Krus ni Reyna Elena. Ung mga deboto, may dalang naka sinding kandila.

Aktibo pa din bang sinasaggawa ang Santacruzan, o baka tuluyan nang nabago ang tradisyon ito sa paglipas ng panahon. Mula sa panahon ng facebook, twitter at instagram, nabibigyang pansin pa kaya ito? Mukha kasing nagiging Fashion Show nalang ito. Papogian ng escort at pagandahan ng damit. Pagandahan at papogian, pagarbuhan ng kasuotan. Hindi kaya masyado nang napapalitan ang tunay na ibig sabihin ng paggdiriwang ng santacruzan? Para kasing ganun, nababago.

Hindi dapat ituring na fashion show ang santacruzan tuwing Flores de Mayo. Ang karapat dapat suotin ay ang kasuotan noong panahong nabubuhay si Hesu Kristo dito sa lupa. At ang tunay na kahulugan ng Santacruzan ay ang pag-aalay ngg bulaklak sa dambana ng Mahal na Berhen.