08 May 2012

KABATAAN, BATA at AKO

KA-BATA-AN

Kabataan-Bata-at Ako

KABATAAN, ay titulo ng naghaharing kamusmusan.
BATA, ang simbulo ng susunod nating henerasyon.
At AKO, na sumisibol ang sarili.

KABATAAN!

Ang paglalaro ng may galak at saya sa kanilang murang edad, kung minsan ay napapa takbo o napapa lakad, napapa sigaw at kung minsan naman ay pabulong ang tinig, pinagpapawisan at napapagod din kadalasan. Ito ang sikulo ng buhay pagiging bata, kung saan ang laro na kanilang ginagampanan ay nagiging laro ng buhay, kung saan nalilinang nila ang paraan na dapat nilang matutunan.


BATA!

Pagbasa at pagbilang, pagsulat at pagguhit. Maging sakanilang pagkukulay. Dito nakapa imbulo ang kaalaman mula sa edukasyon karapat dapat para sa mga bata.

Sana may mga silid aralan para sa maraming kabataang walang kayang makapag bayad ng matrikula. Sana may aklat at gamit pang aral na pwedeng magamit, nasasaktan din ang pudpod na panulat dahil sa pagtatasa at pagsulat ng maraming naghahating istudyante. At sana meron din sapat na guro para sa ganitong mga SANA.


AKO!

Ang ihanda ang sarili sa hamon ng buhay, na hindi sa murang isipan at musmos na katawan nagtatapos ang obligasyon mo sa edukasyon. Ang kaalaman at talinong dapat punan sa espasyo ng isip na mga bata.

Ito ang hamon ng buhay sa kabataan. Wala tayong karapatang maging mangmang o maging tanga. Ang prayoridad bilang bata ay ang matutunan ang pinakamasarap ng handa ng buhay, ang magbilang, magbasa, magsulat at gumuhit, at alamin ang kulay ng kanya kanyang buhay.

Ako, ako ang pinakamahalagang laban para sa hamon ng buhay. Kung kalian, siguro dapat umpisahan ngayon na. Kung pa paano, umpisahan mo sa edukasyon, kung saan pwedeng magsama ang impormasyon at katalinuhan. Kung saan, hindi sa malayo, hindi dapat doon, kundi dapat dito, sayo. Sayo dapat. Dapat AKO.


Ang KABATAAN, ang BATA at ang AKO.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.