28 April 2012

Lipunan at Kabataan

Maraming problema ang mundo, kapa paimbulo dito ang napaka gulong lipunan. Lansangan, ito ang tawag ng nakararami, kung saan maraming iba’t ibang klaseng mukha ng reyalidad. Nakita nang marami ang bahid ng dungis, mga galos, at sugat, pasa at bugbog na bahagi nito. Ito ang  lipunan na ating tahanan, mashadong magulo, pero kailangang unawain. Lansangan nga ito kung tawagin, paraiso naman para sa mga musmos at walang malay na kabataan. 

Ika nga ni Pepe, “ang kabataan ang pag asa ng bayan”, nasusunod ba ito sa pangyayari ngayon, parang hindi kasi. Parang ang hirap maging pag asa ng kinabukasan kung namimilipit ang sikmura dahil walang makain, pagalagala sa kalye dahil walang lugar para matawag na tahanan, at napaka hirap talaga kung kahit sa pagbilang ng numero at mga letra ay hindi nila alam.

Wala na sa panahon ang pagsulat sa pamamagitan ng pluma at tinta ang laban ng kabataan. Hindi na din panahon para sa mga itak para ipanglaban. Anung ibig sabihin nito, hindi ko din alam. Bakit nga ba “ang kabataan ang pag asa ng bayan”? Bakit, hindi ko talaga alam.

Pero sana merong mga taong kayang magbigay ng edukasyon para sa mga maralitang kabataan. Matutunan lilang maisulat ang pangalan nila ang pinaka magandang sandata para pumirma. Matutunan nilang magbilang para hindi sila magulangan ng mapaglarong hamon ng buhay. Matutunan nila ang iba’t ibang klase ng kulay ng buhay. At higit sa lahat, matutunan nila kumilala ng Diyos, ito ang pinaka malakas na armas at sandatang kayang ipagkaloob sa kabataan, lalu na kung naghihirap ka nang maghirap.

Ilan sa mga pangarap ng kabataan ang maging hindi mahirap. Sana may aklat at kuwaderdo silang masusulatan. Sana maka akyat din sila sa entablado kung saan tatangap sila ng pinakamagandang parangal sa kanilang pagaaral. Siguro kaya, pakilusin lang ang mga braso at bisig, kasama ang isipan. Umpisahan sa pagaaral kung pano magbilang at mga letra ng alpabeto. Hanggang matutunang bumasa at sumulat, makapag basa ng katha o libro. Ito dapat ang gawain ng kabataan. Hindi tambay, hindi pagiging mangmang o walang alam. 

Kasi ngayon, mapagiiwanan ka ng malupet na mundo kung hindi mo kayang maintindihan ang turo at aral nito. Kadalasan nakaka takot ang katotohanan para sa kabataan natin ngayon.
Malabo ba, o baka ako lang ang naguguluhan.

Mahirap ka na nga, hindi ka pa magsusumikap. Kahit marahan lang, basta nasa progreso, basta umuusad. Ang karunungan at talino ng tao, hindi nagtatapos sa edad na kung ilang taon ka na nabubuhay sa mundo, o kung gaano ka kayagit sa edad. Hanggang buhay ka sa mundong ginagalawan mo, hinding hindi ka pa babayaan ng Diyos ama, ibibigay nya ang basbas para ma umpisahan paglaban ng kabataan sa kahirapan.
Ang ideyang meron tayong mas malaking lipunang ginagalawan. Malaking kasalanan kung hindi natin papansinin ung problema ng lipunan. Ambisyosong isipin, pero sa mga pagkakataon ngayon, sa nakikita natin. Kailangan nating maging ambisyoso. 

- Inspired by Carding of Pasig, Saturday 28th of April 2012.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.