15 May 2012

Repleksyon ng Salamin ng Buhay


Salamin ang ideyolohiya ng buhay. Repleksyon ito kung saan ang pisi na naguugnay sa magkabilang dulo ay hindi mapipigtal, at kalianman ay hindi kayang paglayuin mula sa pagiging pagkakabilaan. 

Ang ngayong tama ay pwedeng mali sa iba. Ang puti ay pwedeng maging itim. Meron din pumapaibabaw at may nagpapasailalim.

Ang tubig ay para mabasa ang tuyong lalamunan, samantalang ang apoy naman ay para sa pagpapa alab ng ating damdamin sa kahit anung paraanin. Ang langit na simbolismo ng kapayapaan at kaginhawaan, ay kabaliktaran naman ay sa lupa kung saan dito makikita ang halintulad sa salitang makasalanan.

Meron malakas na kung saan sila lang ang kayang pumalag sa tinatawag ng hamon ng panahon, mahina naman kung saan walang panahon pagisipan ang susunod na pagkaing pagsasaluhan sa kanilang hapag.
Ito ang hirap ng nakararami pero kasaganahan para sa iilan. Ang nagpapakain para sa iba at siyang walang laman ang tiyan. Ang siyang nagpapatag ng lansangan ay siyang naglalakad sa maputik na tungo sa tahanan nilang dampa.

Merong naghahari pero walang kapangyarihan. Meron naming alipin na mas malaya pa tulad ng karamihan. Katulad ng mga sundalo na sarili din ang kanilang kalaban. Meron din naman kailangan mapaslang na, at meron din nabubuhay ng walang hanggan.

Ang lipunan ay puno ng kaliwa at kanan. May patuloy na tumatangi, may patuloy na pinaglalabanan. Kung saan ka man papanig, un ang iyong ipaglalaban. Dito na iipit sa gitna ang hindi makapa pasya.
Ito ang salamin at repleksyon ng buhay, kung saan ang salamin ay laging may repleksyon, repleksyon ng magkabilang pananaw, perspektibong kamalayan.

Maanay na bakuran ng ating lipunan, matibay mang pananalig para mapalitan. Subikan suriing mabuti kasama ng iyong paninindigan.

Ito ang repleksyon ng salamin ng buhay. Laging may magkabaliktaran.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.