29 April 2010

Mahirap Nga Ba Ang Pilipinas?

Ikaw. Ako. Tayo. Ito ang mga kailangan upang makabuo ng isang republika. Tahimik ang Pilipinas. Parang isang ibon na humuhuni sa kanyang kilalalagyan. Pero ano na nga ba ang Pilipinas ngayon?.
Sa ngayon ang Pilipinas ay mandarayang pulitiko, may corrupt na pinuno, Mahirap na ekonomiya at iba pa.
Mandarayang Pulitiko. Bakit kailangan pa ng pamahalaan kung kaya naman natin?. Ito ang tanong sa akin ng isang bata na may magarang suot. Sawang sawa na kasi sya sa patuloy tuloy na kaguluhan sito sa Pilipinas. Kailan daw ba tatahimik at magiging mapayapa ang Pilipinas?. Hindi ako umimik. Ngunit tuloy ang pangungulit ng isang bata. "Ate kailan ba matatapos to?". Hindi ako umimik. Nakikita kong luha ang kanyang mata. Biglang napaisip ako. Ano ba ang ginawa ko at umiyak sya? Sinaktan ko ba sya? Ano?. Kinuha ko ang aking panyo at inabot sa bata. "Sa magara kong suot hindi mo aakalain na mayaman ako".Bigla akong napaisip ngunit hindi makaimik dahil sa sinaba nya na. Itong damit ay bigay lamang sa amin ng isang pulitiko na kakandidato. Hindi ko alam kung bakit nya binigyan ang aking mga magulang ng mga pagkain at damit sabay bigay ng perang nagkakahalagang isang libo.Dito ko naisip na sa murang edad ng bata ay nakakakita na sya ng ganito. Ganun na ba talaga kadisperado ang mga pulitiko para sa inaasam nilang pwesto?
President. Kung ang Presidente ang syang may pinakamataas na pisisyong sa pamahalaan. Bakit mahirap pa rin ang Pilipinas? Bakit hindi tayo umaasenso? Corrupt na nga ba ang PIlipinas? Ito ang mga tanong na lagi kong naririnig sa tao. Bakit kailangan nilang kunin ang pera ng Pilipinas. Bakit sa tuwing magkakaroon ng SONA ang Presidente puro kasinungalingan lang. Bakit hindi sila magpakakatotoo?
Para sa aking, pasikat lang ang gusto nila. Hindi nila gusto na may mas nakakaangat sa kanila. Kinukuha nila ang pera ng Pilipinas para sa pang sarili lang nila. Hindi nila iniisip ang kalagayan ng mga tao lalo na ang mahihirap. Nagsisinungaling sila para hindi mabahiran ng dumi ang kanilang pagkatao.
Ayon sa isang joke na aking nabasa. Lahat ng tao ay may kanya kanyang orasan. Si San Pedro ang syang nagbabantay sa mga ito. Bawat kasinungalingan na gagawin mo ay gagalaw ang orasan mo. Mababawasan ang haba ng buhay mo. Sa kwento, May isang Lalaki ang namatay at umakyat sa langit. Nakita nya si San Pedro. Agad nya itong nilapitan at sinabi, "Bakit ako namatay?". Sumagot si San Pedro, " Tignan mo to, ito ang orasan ng kasinungalingan, iikot lamag ito kapag nagsinungaling ka. Eto, nakikita mo to, ito ang orasan ni Mother Teresa, hindi ito gumugalaw dahil hindi pa sya nagsisinungaling kahit kailan." Nagtanong ulit ang lalaki. Nasaan ang orasan ni GMA?". Ngumiti sa San Pedro at sinabing, "Nasa kwarto ng Diyos, gunagawang ELECTRIC FAN".
Sa paglobo ng populasyon lalong himihirap ang lahat. Mahirap na kumuha ng trabahon dahil sa kakulangan ng pinag-aralan. Mahirap na mag-aral dahil sa pagtaas ng tuition fee. Mahirap bumuhay ng pamilya. Basta Mahirap ang lahat.
Pero sa nakikita ko ngayon hindi mahirap ang mga tao. Nakakabili naman sila ng gamit na gugustuhin nila. Di ba nga Ang Pilipinas ang Texting Capital, e di hindi tayo mahirap. Kahit mahal na cellphone nakakabili tayo e. Sa aking pagsusuri din. Pag Sale sa isang mall Dagsaan ang mga tao. Ganyan ba ang walang pera nakakabili? Biruin mo kahit SALE pa yan mahal pa rin pero nakakabili ang tao. Kahit hindi pinuno kuripot din. Kawawa talaga ang Pilipinas sa mga pinaggagagawa ng mga tao ngayon.
Kung si Adan at Eba (Eva) lang ang nakatira sa mundong ito super tahimik. Wala ng matinong tao.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.