29 April 2010

Ako

Ako...
Istudyante...
Ako bilang istudante... Hindi ko kayang kumanta ng kantang pang makata. Hindi ko kayang gumawa ng kantang ng pagibig. Kasi nga...

Dati, ang kagustuhan makalikha ng kanta ang naging isperasyon ng bawat Pilipino. Tipong maligaya, yung masaya, at yung makulay. Tungkol ang diwa at tema sa pagmamahalan. Pero bakit iba ang pakiramdam. Pero bakit…

Dahil ba mga patayan sa kalsada... Vigilant or Summary Execution ?
Magugulang sa palengke... Lolokohan ? ‘No Expirence Needed’ ?
Mga pulis na natutulog sa opisina... Na kung ano ang pinalalaki ?
At sandamakmak na pulubi sa lansangan... Galing sa mga Sindekato ?

Dati, bawat baybayin, bawat salitang nakasulat. Napakasarap pakingan. Malambing sa pangdinig. Kasi dati, alam ko lahat ng tao sadyang ganun ang hilig. Pero bakit sa tuwing aking uumpisahan. Napapatanong na lang ako kung bakit napapailing, iba ang aking nararamdaman. Dahila ba…

Sa mga basurang nakatambak at nakakalat… Sa gitna ng kalsada ?
Sa kalokohan ng mga administrasyon, at kongresista… Bulsa ang gamit sa serbisyo ?
Mga taong may sakit… Dahil ba sa kanilang tiyang namimilipit ?
Mga musmos… Mga batang sabog ?

Itoluy lang ang laban, dahil kapag walang umaangal, walang lumalaban. Lalu tayong nagpagsasamantalahan.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.