Isang sa mga pinakapaboroto kong topics ang history at ang pinagmulan ng kahit anong bagay. Mula sa paglikha at pagbuo hanggang sa pakinabang. Mga inbensyon ng mga sinaunang sibilisasyon.
Sa Tsina, ang pinakamalaking kontribusyon ng mga sinaunang Tsina ay ang Compass, Pulbura o Gunpowder, Paggawa ng papel at Pagiimprinta.
Ang Compass. Ginagamit na mula noong mauso ang mga paglalakbay, lalo na pagdating sa dagat. Kasama ng mga manlalakbay-dagat ang compass para malaman ang lokasyon at eksaktong kina roroonan ng kanilang barko. Maliban sa globo at mapa, mainam ding sandata ang compass sa karagatan. Ginagamit din ito sa pagtatayo ng mga istractura, kung saan dapat itayo at iharap sa pagsibol ng umaga.
Ang Pulbura o Gunpower, ay ang pinagsama-samang sulfur, charcoal at saltpetre (potassium nitrate) na mabilis na masunog at magsindi. Ginamit ito sa mag paputok, karaniwang kapag may okasyon, di nagloon ginamit din nilang sangkap ng sandatahan sa pakikidigma.
Ang Paggawa ng Papel ay natutunan nila sa mga sinaunang ehipto. Paper bilang Papyrus, at dahil ang Papyrus ay gawa sa mamahaling material. Ginamit ng mga tsino ang ideya ng mga ehipto para sa paggawa ng papel sa mas madaling paraan.
At di naglaon, napalawig nila ang Pagiimprinta sa pamamagitan ng tinta galing sa kanila.
Ang mga Teenage Mutant Ninja Turtles, cartoon characters na nabuo sa mutations. Mutation, proseso kung saan tine test nang magkaibang DNA (Deoxyribonucleic Acid) or RNA (Ribonucleic Acid) at ibang cells sa magkaibang nilikha. Mutant naman kapag iba sa pangkaraniwan nilikha ang kakayahan. Isang comics characters na nabuo noong 1984 nila Kevin Eastman at Peter Laird
Leonardo – pinangalan kay Leonardo di ser Piero da Vinci, mas kilala sa pangalang Leonardo Da Vinci (April 15, 1452 - May 2, 1519). Ang kanyang bandana ay kulay Blue.
Raphael – Raphael Sanzio o Raffaello (April 6, 1483 – April 6, 1520). Ang kanyang bandana ay kulay Red.
Donatello - Donato di Niccolò di Betto Bardi (1386 - December 13, 1466). Purple naman ang bandana n’ya sa mata.
Michelangelo - Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni (March 6, 1475 – February 18, 1564) Kulay Orange naman ang bandana n’ya.
Ang nobelang Dracula ni Abraham "Bram" Stoker (November 8, 1847 – April 20, 1912). Isang Horror Fictional at Gothic Novel. Count Wampyr ang unang pangalang dapat sa nobela, habang inuumpisahan ni Bram Stoker ang nobelang Dracula. Maraming pagaaral at pagsusuri n’yang siniyasat ang iba’t ibang mitolohiya at folklores ng iba’t ibang bansa. Patungkol sa mga bampira.
Ang mga matatandang kwento ng mga bampira na kung saan isang uri ng taong hindi matangap ang pagkamatay, o matagal nang patay na bumalik galing sa kabilang mundo para sa gawaing hindi natapos. Karamihan dito ay paghihiganti ang udyok ng kapalaran. Ang kagustuhan n’yang mamuhay kasama ng mga tao ang s’yang dahilan para maghanap ng sariwang dugo. Ang dugo ng tao ang nagsisilbing pambuhay ng sabik nilang kalamnan para sa kanilang para magpatuloy mabuhay.ang kanilang umaga ay ang gabi, at ang kanilang gabi ay umaga. Ang gabi ay simula sakanila para sa biktima, at sa susunod pang gabi para magkapagpatuloy muli ng kanilang gawain. Ang bampira ay dapat makabalik sa kanyang kabaong, ataol o, bago magumaga para h’wag masinagan ng liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw.ang sikat ng araw ang kanilang kamatayan.
Kadalasan ang mga taong nalilihis ng landas sa pananampalataya, hindi na binyagan ng binyag sa kabataan, mataas na antas na pagiging kriminal, mga batang pinapanganak ng may ngipin na, mangkukulam at mahikero, ang pitong anak ng pang pitong anak ng magkasunod na henerasyon ng pamilya. Ang mga kadalasang nagiging bampira.
Napakaraming paraan para mapatay ang mga bampira, ang libro ni Abraham “Bram” Stoker na Dracula noong 1897 na nagsasabing sa pamamagitan ng isang matulis na kahoy na maitatarak sa puso sa mga oras na naka tirik ang araw pagkat tulog sila ng umaga. At dapat ang katawan ng isang bampira ay dapat sunugin hanggnang maging abo.
Sa timog europa naman nanggaling ang paniniwalang takot ang bampira sa mga maaanghang particular sa bawang. Ginamit nila itong pang pahid sa mga alagang hayop pang protekta, pang sabit sa bintana at pintuan para hindi makapasok ang mga bapira. Ang sinuman hindi kayang tumawid sa pintuan ay s’yang pinaghihinalaang bapmira noon.
Ang tinik na galing sa mga rosas ay mabisang proteksyon para h’wag lapitan ng bampira. Kadalasan ang mga libingan sa sementeryo ay napapalibutan ng damo ay para pigilan na bumangon ang mga patay bilang bampira, kadalasan kasing ang mga bampira ay nasa paligid lang ng sementeryo at maiwasan na mawala ang mga bagong libing na mawala at bumalik na lang sa kanyang higaan bago sumapit ang gabi.
Ang mga bampora ay takot sa salamin, at wala silang repleksyon sa salamin. Takot sila sa kahit anong silver. Kadalasan na silver na crosses at barya ang naka display sa loob ng bahay.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.