28 May 2013

OFFENSIVE AND TASTELESS JOKES

Hindi lang binatikos, kundi delubyo ang nangyari sa social media sites tungkol sa “offensive and tasteless jokes” ni Vice Ganda sa kanyang major concert; i-Vice Ganda mo ako. 

Mayroon syang inalipusta, at maraming natawa. Nagbigay sya ng weight scenario tungkol sa GMA news anchor na si Jessica Soho. As usual, pumatok ito sa mga manunood; naghagalpakan at nagtawanan, parang walang humpay na kaligayahan. 

Hindi ito pinatulan ni Jessica Soho. Pero ang mga sumunod na eksena ang pumunit sa damdamin ng na-offend nya. Hanggang sa nagkaroon ng “Rape Joke” ang komendyante na sobrang nakatapik hindi lang ng ibang reporters at news anchors, maging ang mga netizens at concern citizens. 

“Rape is not a joke!”, ano nga naman ba ang pakiramdam ng komedyante habang nagpapatawa sya kesa sa pakiramdam ng na-rape? Para maunawaan ang nararamdaman ng rape victim parang hindi nga naman talaga magandang gagwing katatawanan ang mga bagay na wala naman sa lugar, wala sa ayos at hindi nakaranas nito. Hindi kaya yumayaman sya sa ganung klaseng paraan? “Kademonyohan” nga daw sabi sa social media. 

“Rape is NEVER a joke!”. Where is the border line? Nakakatawa ba? Parang hindi kasi eh. Kung sa ibang bansa grabe nila alipustahin at tirahin magmula sa lahi, kulay ng balat, lagay sa buhay, itsura at iba pa, bakit tayo hindi pwede? What if the subject is not Jessica Soho, maybe simple personality, do you think it can go so far? What if there’s no social media, do you think this is not the issue? 

Sa ilang mga comedy bars kung hindi ka o-okrayin eh may pagka-green jokes ung papatok. Sa isang maliit na area, kahit malungkot ka mapipilitan ka talangang humagalpak sa kakatawa. Sa oras na nag-umpisa ka na ngumiti, tatawa ka na sa susunod. Ngayon hindi na katanggap tanggap ung may nagbabatukan at nagsasampalan para pagtawanan. 

Same aspect as “Short Attention Span”, tatagal ito hanggang sa matabunan ng mas malaking issue, hanggang sa mas malaking issue, hanggang sa mas malaki pang issue, hanggang hindi na ito maalala. Pwera nalang kung mag immediate apology si Vice Ganda sa public. 

Rape joke is a foul. It is clear that Vice Ganda is in the form of bullying.

24 May 2013

MANILA; THE GATES OF HELL

MANILA; THE GATES OF HELL
INFERNO by DAN BROWN

Kung bakit kasi mapagpatol tayong mga Pilipino.

Ano nga bang tawag dun? Balat sibuyas? Balat sibuyas nga ba ang mga Pilipino?

Ikaw bilang Pilipino. Pag nakababasa o nakaririnig ka ng hindi maganda o pangit patungkol sa Pilipinas; kulay ng balat, lahing kayumanggi man o mapuputi, o kahit kalagayan ng lipunan. Pinapatulan mo ba? Ako kasi, siguro sa una nakakairita naman talaga. Pero bakit mo pa papatulan eh di parang sisikat pa yun.

Mula sa ika apat na libro ni Dan Brown, ang Inferno. Malinaw na ang tinutukoy sa sa linyang “I've run through the gates of hell” ay ang Maynila, na isa sa mga fictional character ang nagsalita sa kanyang nobela. “Fictional Character”, ibig sabihin ay kathang isip lang, hindi totoo at gawa lang ng malikot na imahinasyon.

Hindi ba may ganung itsura naman talaga ang Maynila at napakatagal na nating hindi nasusulusyunan ang kalagayan nito. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mula kapanganakan hanggang tuluyan kang mag-exit sa mundo. Ilan lang dito ang illegal drugs, prostitution, kahirapan, corruption, at napakarami pang iba.

Hindi ba dapat mas maging sensitibo tayo sa kalagayan ng ating bayan. Hindi ba dapat iniisip natin kung papaano masusulusyunan ang ganitong klaseng kalagayan. Teka nga! Papaano nga ba natin mabibigyang solusyon itong mala impiyernong kalagayan ng ating bayan, at napuna pa sa aklat ng sikat na manunulat.

Balat sibuyas nga ba talaga tayong mga Pilipino? Natural na kasi sa’ting makarinig ng puna galing sa dayuhan kaya tayo nasasaktan, nagre-react at nagkokomento.

Ilan Independent Films ba ang nilalabas ng Pilipinas para maipakita ang sining, kagalingan at kalagayan ng lokasyon ng palabas. Take note, ang ideal Indie Film ay dapat nasa location ng kahirapan, ang tawag dun “Poverty Porn”. Impression ito ng artist o ng director.

Pero parang as long as maling mali ang ating pagkakaintindi, un ang paniniwalaan natin, ang mismong mali.

Back to the work of Dan Brown’s Inferno. In proper perspective kasi, ung nagsalita sa nobela ay fictional character, and a fictional is a part of reality.

Hindi naman natin maitatago sa mundo ang kalagayan ng ating bayan, ng ating bansa. Kahit may mga Manny Pacquiao, Charice Pempengco, Arnel Peneda at Jessica Sanchez ay hinding hindi natin patatago sa kanila ang kalagayan ng ating bayan.

Bakit kaya? Hindi naman siguro natin ikinahihiya ang ating kalagayan di ba? Isipin mo di ba, pag may sumikat na tao sa mundo, hahanapan natin ng lukso ng pagiging Pinoy kahit may napakaliit na tyansa basta masabi nating may kalahi tayong magaling. Concern tayo sa tingin ng mga dayuhan pag dating sa international stages.

15 May 2013

Hack nga ba, o Kapabayaan?


HACK

Lagi nalang kasi. Pag may nangialam ng facebook account, sasabihin na “na hack ako”. Pag may nagbago ng post o status, sasabihin na “na hack ako”. Hindi ko na mabuksan ung account ko, “na hack ung account ko”.
Teka nga. Isa isahin muna natin.

Hacker – unauthorized people na may kagagawan ng nakapag-bypass sa computer security sa pamamagitan ng network communication tulad ng wifi o kahit internet. Dalawang bagay; (1) Maaari nyang ayusin security problems, (2) Maaari nyang gawan ng illegal tulad ng baguhin ang kabuohan ng system, nakawin ang mahahalagang files o i-deactivate ang account, at marami pang iba.

Uulitin ko. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba?

Nag-internet ka sa labas, hindi mo na logout ang account mo. Naiwan mong open ang account mo. Natural! Ang susunod na gagamit ng nirentahan mong computer ay may account din sa facebook—imposibleng wala un, napaka imposible un!

Kung tinamaan ng lintek ung next user ng computer sa internet café na nirentahan mo, automatic un babalahurain nya ang account mo. Hindi mo ni-logout, pakikialaman un ng iba. Ayus lang sana kung ni-logout ng next user un kaso alam mo naman ang tao laging gustong may pinagtatawanan, laging gusto may pinag-uusapan.

Uulitin ko ulit. “Na hack ang account ko.” Na hack nga ba? O baka masado ka lang pabaya?
Social media accounts are extension of our house. Kaya kung pinabayaan mong bukas ang pintuan ng bahay nyo. Nag-aantay ka ng masamang taong papasok sa loob nito.

Ano? Na hack nga ba? O baka masado ka lang pabaya?

10 May 2013

Election Reminder

• Wag nang bumoto mula sa Political Dynasty. Ginagawa nilang negosyo ang pulitika.
• Hindi porket inindorso at prinomote ng President o ng Vice President ay dapat nang iboto.
• Wag na wag ibebenta ang inyong boto. Dahil ang kanididatong bumibili ng boto ay gagawa ng paraan para maningil.
• Hinding hindi dapat bumoto dahil sikat ang pangalan ng magulang. Ang apelyido ay hinding hindi magiging repleksyon sa pagkatao. Karakter at talino ang marapat.
• Ang pagboto ay hindi parang naglalaro ka lang ng bingo. O ang halalan ay hindi karera ng kabayo.
• Maaaring hindi mo punuin ng boto ang inyong balota para sabihin lang na “Sayang eh. Boboto ko nalang sila”.
• Ang pamumuno at liderato ay hindi genetic traits na namamana. Pero ang corruption ay maaaring ma-prevent.
• Mag-ingat sa mga Patylist na nagtatangkang tibagin ang Political Dynasty. Imposible un sa estado ng Pilipinas ngayon.
• Mag-ingat sa mga kandidatong nagsasabing aalisin ang “Kahirapan”, dahil malamang hindi nila alm ang sinsbi nila.
• Ang kandidatong ayaw makipag-debate ay nangangahuluagn lang na hindi sya Intellectually Preferred.
• Wala kang mapapala sa pagboto ng alam mong malaki ang chance na manalo.
• Bumoto nang alam mong karapat dapat pagkatiwalaan ng bawat sentimong binabayaran mo.
• Conscience is the best judgment.

09 May 2013

Andres Bonifacio - 10 Mayo 1897

Ika 10 ng Mayo 1897, si Andre Bonifacio, ang ama ng rebolusyon, ang founder ng katipunan. Kasama ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio ay pinatay sa bundok ng Maragondon, Cavite ng mga sundalo sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kasong pagtataksil at rebelyon sa bayan.

Nang madiskubre ang Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio, nagkaroon ng hidwaan sa paniniwala ang Magdalo ni Emilio Aguinaldo, at Magdiwang ni Mariano Alvarez. Kaya inimbitahan ng dalawang samahan si Bonifacio sa Cavite para makapag-ayos ang nagbabanggaan ng magkaibang paniniwala, para mapagkasundo, para mapag-isa.

22 ng Marso 1897 sa Tejeros, Cavite. Pinangunahan ni Bonifacio ang eleksyon para sa Republika ng Pilipinas kung saan na halal si Emilio Aguinaldo bilang Presidente, Mariano Trias bilang Bise Presidente, at Andres Bonifacio bilang Sekritarya.

Ang kagustuhan ni Bonifacio na baguhin o bigyang reporma ang pamahalaang gobyerno ay nakasakit sa panig ni Daniel Tirona at ang Magdalo. Agad nilang kuwinestyon hindi tama ang gustong mangyari ni Bonifacio gayung wala naman syang papeles bilang tagapagbatas/lawyer. 

Bilang Supremo ng Katipunan, ideneklara ni Bonifacio na walang basehan at kanselado ang naging botohan. Kaya agad na lumipat si Bonifacio sa Naic, Cavite para umpisang itayo ang kanyang gobyerno sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Dahil sa ginawa ni Bonifacio, inaresto sya ng mga sundalo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nilitis sya sa salang pagbubuo ng sariling gobyerno at binigyan ng parusang kamatayan. 

33 taong gulang lang si Andres Bonifacio nang magpaalam sa mundo, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio. Sinong pumatay sa kanila, kapwa nating Pilipino din sa pag-uutos ni Heneral Emilio Aguinaldo.

04 May 2013

Santacruzan sa Flores de Mayo

Flores de Mayo. May nagsa-santacruzan pa ba ngayon? Tingin ko naman mayroon pa. Sa panahon ng social media, parang ang laki ng pinagbago ng tradisyon ng Santacruzan. Kamusta naman kaya ito sa panahong naka dipende nalang sa teknolohiya ang lahat ng bagay.

Sabi nga ng iba, parang hindi na nakagisnan. Parang iba na daw. Fashion Show na daw. Kahit alam nating napakasagrado ng tradisyon na ito kaya taon taon natin ginagawa ito.

Flores de Mayo, ang kapistahan ng mga katoliko na ipinagdiriwang sa buwan ng Mayo. Galing sa salitang kastila na angg ibig sabihin ay Flower of Marie. Ang pag-aalay ng Bulaklak kay Maria sa loob ng simbahan.
Santacruzan ang prosisyon kung saan isinasadula ang paghahanap ng banal na Krus ni Reyna Elena. Ung mga deboto, may dalang naka sinding kandila.

Aktibo pa din bang sinasaggawa ang Santacruzan, o baka tuluyan nang nabago ang tradisyon ito sa paglipas ng panahon. Mula sa panahon ng facebook, twitter at instagram, nabibigyang pansin pa kaya ito? Mukha kasing nagiging Fashion Show nalang ito. Papogian ng escort at pagandahan ng damit. Pagandahan at papogian, pagarbuhan ng kasuotan. Hindi kaya masyado nang napapalitan ang tunay na ibig sabihin ng paggdiriwang ng santacruzan? Para kasing ganun, nababago.

Hindi dapat ituring na fashion show ang santacruzan tuwing Flores de Mayo. Ang karapat dapat suotin ay ang kasuotan noong panahong nabubuhay si Hesu Kristo dito sa lupa. At ang tunay na kahulugan ng Santacruzan ay ang pag-aalay ngg bulaklak sa dambana ng Mahal na Berhen.