Karamihan ng mga naapektuhan ng "End of the World"
ay mga Kristiyano. Bakit nga ba sila nagkaroon ng iba't ibang pananaw—hindi ko
din alam. Pero kumpara sa ibang religious sect, hindi nila ginawa ang magnatili
nalang sa kabundukan at mag antay ng oras, hindi sila nagtago sa kuweba tulad
sa ibang bansa, walang nagra-rally na may pluck cards na may naka sulat patungkol
sa end of the world, at hindi sila nagpaloko sa kulto na nang hihikayat na
sumali sa kanilang grupo at i-donate ang lahat ng kanilang ari arian.
End of the World para sa mga Kristiyano. Siguro dahil alam
nila na pag na buhay ka ay mamamatay ka din, paghahanda ang tawag doon, kung
saan hindi nila pinuputol ang kanilang panahon para tumigil sa ganitong klaseng
sabi-sabi lang.
Sa kabuohan, masyado kasi tayong madaling makuha ang
atensyon pagdating sa katapusan ng mundo. Iba’t ibang ediya sa iba’t ibang
klase ng tao. Hindi naman umulan ng apoy galing sa kalangitan, wala naman
paglindol at pagbuka ng lupa, at wala nangyaring pag angat ng tubig sa mataas
na lebel. Siguro ito ang paraan nang pag aamok ng kalamidad. At saka wala ding
tumamang malaking bato galing sa labas ng ating planeta, kung mayron may kaya
na ng siyensya natin alamin un. Hindi naman tayo sinakop ng mga Aliens, siguro
kasi hindi pa sila handa o baka hindi pa na uubos ang mga kababaihang aliens
nila.
Hindi na iba sa mga tao ang konsepto ng End of the World.
Bakit kasi tayo laging nagmamadali. May expiration date ang mundo. Hapit na hapit kasi tayo
pagdating sa pagkagunaw ng mundo. Parang walang
pinagkaiba yan sa larangan ng Paranormal at kababalaghan
Hindi kaya ang End of the World ay konsepto din ng hustisya.
Na parang sa pagdadating ng lumikha maaaring nyan iwasto nya ang lahat
ng kamalian ng mundo. Kasi parang ang labo naman kung hanggang dito nalang
magtatapos ang buhay ng tao. Ang alam ko, magtatapos ang
mundo, hindi nga lang natin alam at kung kalian. Kaya wag tayong mag madali.
Ang tunay na Kristiyano ay alam dapat na walang nakakaalam kung kelan o anong oras ang katapusan ng mundo - "nobody knows the day nor the hour"...... so why worry? :)
ReplyDeleteMerry Christmas from Kabataang Aagapay