28 May 2012

LANGHAPIN, YAKAPIN at HAPLUSIN

Aanhin pang PANINGIN kung walang mapagmasdan, indayog na isinasayaw ng berdeng dahon ng kapaligiran. Aanhin pang PANDINIG kung walang kayang pakingang tinig, ng hangin humahampas sa punong kahoy. Aanhin yaring braso kundi kayang dampian ng YAKAP nang di mapagisa. At aanhin pang sarili kung hindi kayang PAGMASDAN, PAKINGAN at KALINGAAN kundi man kayang lasapin ang handa ng buhay.

Walang sadyang ayos ang buhay kundi ikaw mismo at ang sariling kamay. Anung buhay ang malalanghap sa hithit bugang kanyang sinisinghut singhut. Anung buhay ang kayang lasapin sa boteng serbesa na dadampi sa tigang nyang labi’t laalmunan. Anu mang kinis ng bato kundi kayang kalabitin ng palad ang pisngi nyang hirang. Anung buhay ang hindi kayang damhin ang init ng araw. Sa gitna ng hirap at malas, hinding hindi bibitaw ang PANGINOONG nasa taas.

LANGHAPIN, YAKAPIN at HAPLUSIN ang mundo, walang ibang sasadya sa ayos nito, kundi ikaw at ang iyong pangako. Tulad ng tao nang siya’y kayang mahalin, ang kanyang pangarap, ang kanyang katuparan.  

Inspired by the:
Tears of Kuya Edwin Parcero
https://www.facebook.com/edwin.parcero

22 May 2012

Mananayaw, Pipe at Binge


Ang Mananayaw, sa saliw ng musika ihinahagis ang kamay at braso, ang yapak at kandirit ng paa at hita. Ang pag sayaw ng mananayaw ay ang kanyang galaw ng buhay. Ihinahabi nya ang sinulid ng kanyang emosyon, mag mula sa gayak ng kanyang puso hanggang sa pagka durog nito sa kalungkutan. Ang sayaw ng buhay ng mananayaw.

Ang Pipe, na kung saan sinusulat ang pantig ang kanyang salita, na kung saan iginuguhit nila ang hindi kayang mabigkasin, at isinisigaw nila ang kilos ng nawalang pinagka iba sa wika. Magkaka iba lang tayo sa wika, pero pare parehas lang tayo na may pang unawa.

At ang Binge, na hindi tenga ang paraan para maka rinig kundi bukas na puso, isipan at pandama. Pusong pinagtitibukan na merong tao sa mundo ang trato ay kaparehas lang sa karaniwang tao. Isipan para paglabanan ang masamang kumento mula sa mapang husgang tao. At para mabuo puso at sisipan kailangan itong madama, maipadama na sa mundong ito ang tunay naka laban ay ang sariling anino. 

Tribute for DINIG SANA KITA Cinemalaya 2009

Dinig Sana Kita

Sa lipunang mapang husga, laging gustong pumuna kahit walang kwenta. Ang kawalang kakayahang maka rinig at makapag salita, maling punang ipinupukol sa pader ng puso nila. Magtatanung kung bakit, sasagot pabalik ng kanyang ika dudurog.


Mapalad silang naipanganak, wala man kakayahang makapag salita, higit pang kayang iawit ng tahimik na tinig ang maka dinig. Hindi man kayang sumigaw, kaya naman mabigay sa saliw ng kanyang sayaw. Minsan, kung sino pang kulang siya pang kayang tumikim ng putahe handa ng buhay. Malaman lang na ganyang ka at ganito, huhusgahan na agad. Ganyan ang lipunan, hindi kapa kilala, na huhusgahan naka.

Sino bang mas mapalad, ang taong Binge na kayang pakingan ng abstraktong kabuohan ng paligid, o ang taong may pandinig na nagbi bingi bingihan lang. Sinong mas maswerte, ang walang kayang salita pamutawihin sa kanyang labi, o ang kayang salita na walang panambitang kayang mabigkas. Bingi na kayang maka rinig? Pipe na kayang makapag salita? Magulo ba, o ako lang ang naguguluhan.

Tribute for DINIG SANA KITA Cinemalaya 2009 

15 May 2012

Repleksyon ng Salamin ng Buhay


Salamin ang ideyolohiya ng buhay. Repleksyon ito kung saan ang pisi na naguugnay sa magkabilang dulo ay hindi mapipigtal, at kalianman ay hindi kayang paglayuin mula sa pagiging pagkakabilaan. 

Ang ngayong tama ay pwedeng mali sa iba. Ang puti ay pwedeng maging itim. Meron din pumapaibabaw at may nagpapasailalim.

Ang tubig ay para mabasa ang tuyong lalamunan, samantalang ang apoy naman ay para sa pagpapa alab ng ating damdamin sa kahit anung paraanin. Ang langit na simbolismo ng kapayapaan at kaginhawaan, ay kabaliktaran naman ay sa lupa kung saan dito makikita ang halintulad sa salitang makasalanan.

Meron malakas na kung saan sila lang ang kayang pumalag sa tinatawag ng hamon ng panahon, mahina naman kung saan walang panahon pagisipan ang susunod na pagkaing pagsasaluhan sa kanilang hapag.
Ito ang hirap ng nakararami pero kasaganahan para sa iilan. Ang nagpapakain para sa iba at siyang walang laman ang tiyan. Ang siyang nagpapatag ng lansangan ay siyang naglalakad sa maputik na tungo sa tahanan nilang dampa.

Merong naghahari pero walang kapangyarihan. Meron naming alipin na mas malaya pa tulad ng karamihan. Katulad ng mga sundalo na sarili din ang kanilang kalaban. Meron din naman kailangan mapaslang na, at meron din nabubuhay ng walang hanggan.

Ang lipunan ay puno ng kaliwa at kanan. May patuloy na tumatangi, may patuloy na pinaglalabanan. Kung saan ka man papanig, un ang iyong ipaglalaban. Dito na iipit sa gitna ang hindi makapa pasya.
Ito ang salamin at repleksyon ng buhay, kung saan ang salamin ay laging may repleksyon, repleksyon ng magkabilang pananaw, perspektibong kamalayan.

Maanay na bakuran ng ating lipunan, matibay mang pananalig para mapalitan. Subikan suriing mabuti kasama ng iyong paninindigan.

Ito ang repleksyon ng salamin ng buhay. Laging may magkabaliktaran.

08 May 2012

KABATAAN, BATA at AKO

KA-BATA-AN

Kabataan-Bata-at Ako

KABATAAN, ay titulo ng naghaharing kamusmusan.
BATA, ang simbulo ng susunod nating henerasyon.
At AKO, na sumisibol ang sarili.

KABATAAN!

Ang paglalaro ng may galak at saya sa kanilang murang edad, kung minsan ay napapa takbo o napapa lakad, napapa sigaw at kung minsan naman ay pabulong ang tinig, pinagpapawisan at napapagod din kadalasan. Ito ang sikulo ng buhay pagiging bata, kung saan ang laro na kanilang ginagampanan ay nagiging laro ng buhay, kung saan nalilinang nila ang paraan na dapat nilang matutunan.


BATA!

Pagbasa at pagbilang, pagsulat at pagguhit. Maging sakanilang pagkukulay. Dito nakapa imbulo ang kaalaman mula sa edukasyon karapat dapat para sa mga bata.

Sana may mga silid aralan para sa maraming kabataang walang kayang makapag bayad ng matrikula. Sana may aklat at gamit pang aral na pwedeng magamit, nasasaktan din ang pudpod na panulat dahil sa pagtatasa at pagsulat ng maraming naghahating istudyante. At sana meron din sapat na guro para sa ganitong mga SANA.


AKO!

Ang ihanda ang sarili sa hamon ng buhay, na hindi sa murang isipan at musmos na katawan nagtatapos ang obligasyon mo sa edukasyon. Ang kaalaman at talinong dapat punan sa espasyo ng isip na mga bata.

Ito ang hamon ng buhay sa kabataan. Wala tayong karapatang maging mangmang o maging tanga. Ang prayoridad bilang bata ay ang matutunan ang pinakamasarap ng handa ng buhay, ang magbilang, magbasa, magsulat at gumuhit, at alamin ang kulay ng kanya kanyang buhay.

Ako, ako ang pinakamahalagang laban para sa hamon ng buhay. Kung kalian, siguro dapat umpisahan ngayon na. Kung pa paano, umpisahan mo sa edukasyon, kung saan pwedeng magsama ang impormasyon at katalinuhan. Kung saan, hindi sa malayo, hindi dapat doon, kundi dapat dito, sayo. Sayo dapat. Dapat AKO.


Ang KABATAAN, ang BATA at ang AKO.