15 February 2013

Research: Facebook

Ilang pag-aaral patungkol sa facebook.
 
• Ilang facebook users ang pag walang nag-like sa post o walang nag-comment, parang nag-iiba. May kompetisyon na sa paramihan ng like at comments, at maging pag-gbati sakanilang birthday.
• Pakiramdam nila ikamamatay ang hindi makapag login. Pero once upon a time, nabuhay ang mga tao nang walang social media networking sites, kaya mabubuhay tayo nang walan facebook.
• Socialize yourself with real people, not in a machine. Imbes na mag-aral at gumawa ng assignments gamit ang internet source, sinusunog ang oras walang pakinabang na mga bagay.
• Oversharing, kung dati mga litrato lang nila ngayon pati litrato ng mahal na pagkain, kagamitan, damit, regalo, at iba pang walang kinalaman sa pagdarahok ng taumbayan.
• Destroying the line of privacy, ginagawang diary ang social networking sites, na kahit pinakamaliit na detalye ng buhay, kaaway na sumulot ng shota, kainumang nagsusuka at wasak na wasak na, badtrip sa opisina, delayed menstruation at mahahalay na pangyayari, at iba’t iba pang sumisira sa salitang privacy.
• At ang pinakamalaki at pinakamalawak na battle field para sa palitan ng salita ay ang social media networking sites.
 
Sa facebook nagkakaroon ka nga naman ng visual presentation ng bestfriend. Kung saan pwede mong sabihin lahat, as in lahat.
 
Magmula sa nagkasulutan magshota, aburido sa opisina, battle field ng parang walang pinag-aralan, mamahaling pagkain at mga kagamitan, mga taong sumisira sa propesyonalismo sa iba't ibang larangan, at iba pang walang kinalaman sa pagdarahok at pakikiramay sa taumbayan.
 
Kaya siguro sinisigaw ang lahat lahat ay dahil naghahanap ka ng dadamay at makikisimpatya sayo.
 
Parang pag nag-post ka may nag-like o nag-comment, pasasalamatan mo pa sila. Pinapakita dito na hindi mo kayang sabihin sa magulang/kaibigan kung anung dagok mayron ka, kaya sa social media mo nalang pinagsisigawan.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.