20 February 2013

Mathematics and Sciences

Bakit nga ba ang Pilipinas nahuhuli lagi sa paggtuturo ng Sciences at Mathematics? Nasaan na nga ba tayo pagdating sa MATHMATICS at SCIENCE? As of 2012 – Pang 23rd out of 25 Asian countries pagdating sa Matematika. Pang 42nd naman out of 45 Asian countries pagdating naman sa Siyensya. At sa pangkalahatan, pang 112nd ang rankings ng Pilipinas out of 139 countries pagdating sa Science at Mathematics.

Bakit nga ba nahuhuli na ang Pilipinas? Ano nga bang antas ng literacy natin pagdating sa Matimatika at Siyensya? Kaya ba kumukonte at iilan nalang ang kumukuha ng mga kursong Engineering, Information Technology at mga Natural Sciences. Sa bagay, saan ka nga naman kukuha ng malaking salapi para pag-aralan na hindi mo naman alam kung makakatapos o kung may makukuha bang trabaho. Makakakuha nga ng trabaho napakaliit naman ng sahod, sapat lang bumuhay ng sarili. Kaya karamihan ng mga Pilipino nawawalan na nang pag-asa sa sariling bayan, umaalis ng bansa, sa iba naninilbihan. Mabuhay lang ang kanilan anak na nag-iiyakan, walang laman ang sikmura at giniginaw dahil wala nang maisuot. 

Ilang elemento kung bakit siguro iilan nalang ang gumugusto sa laranggan ng matematika at siyensya; 1) Kakulanan ng mga classrooms at teachers/professors., 2) Kaduda-dudang mga textbooks., 3) At makalumang paraan ng pagtuturo. Mahirap nga naman maintindihan ang E=mc2 at ang c2=a2+b2, papaano na naman ito magiging friendly kung sa tingin palang supistikado na at alam mong mahirap matutunan. Papaano nga ba pweden maimpluwensyahan ng edukasyon ang kabataan sa ngayon—hindi ko din alam.

Marami kasing Pilipino ang walang passionate sa science at mathematics. Mayroon siguro, iilan pero madaling nawawala. May kakayahan na naman tayong magbasa at bumilang, sapat na ito para hind maging komplekado ang mga bagay bagay. Sa kultura ng Pilipinas, pagdating sa science puro lang tayo superstitions at maling paniniwala, at sa mathematics naman sanay sa patansya tansya, estimation method, pwedeng hindi pwedeng oo basta malapi sa bilang.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.