Pinasikat na kinanta ng “The
Barbie Gaye” noong 1956. Hindi nagtagal, muli itong inawin ng “The Millie Small”.
Matapos sumikat ay iba’t ibang versions na ang nalikha sa kantang “My boy
lollipop”.
Teka nga. My boy lollipop? Ano
nga bang ibig sabihin ng kantang ito. Isa isahin natin.
Sa unang stanza ng kantang ‘My
boy lollipop”, ilang beses pinaulit ulit ang katagang “My boy Lollipop… You make my heart go giddyup…”. Kinumpara nya ang
pintig pintig ng tibok ng kanyang puso sa na ngangabayo. Di ba nga, “Giddyup”. Pero bakit may “My boy lollipop”? Nangangabayo habang
naglo-lollipop, ganun ba un? “… You are
as sweet as candy… You’re my sugar dandy…”, oo nga naman. Wala namang
lollipop na hindi matamis. Lahat sila sugar ingredients, nakakataba.
Sa sumunod na stanza. Sabi ng kanta
“Whoa oh, my boy Lollipop… Never ever
leave me…”. Bakit may “Whoa oh”,
umuungol ba sya dahil sa Giddyup? Tapos “My
boy lollipop” ulit—umuungol ng may lollipop? “Never ever leave me”, wag daw iiwan— umuungol ng may lollipop at
wag na wag iiwan? “…Because it would grieve me… My heart told me so…”, tapos
gustong gusto pa ng puso. Ganun ba un?
Sa next stanza ulit. Paulit ulit
na sinabi na “…I love you, I love you, I
love you so… But I don't want you to know…”, mahal nya pero ayaw nya’ng
ipaalam—pero may lollipop ah. Tapos pa ulit ulit pa na “I need you, I need you, I need you so… And I'll never let you go…”,
kailangang kailangan nya kaya ayaw nya’ng paalisin—pero may lollipop pa din.
Ung huling stanza. Sabi “My boy Lollipop… You make my heart go
giddyup…” hmm—giddyup pa din. “…You
set my world on fire…”, fire, nag-iinit ba ito—o gawa lang diyablo. Tapos
biglang “…You are my one desire”,
parang gusto nya’ng sabihin na ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba. Sa huli
ng kanta ay “…Whoa, my Lollipop…”, paulit
ulit un hanggang mag-fade out ung kanta.
Hindi kaya bastos pakinggan pag
sinabing “My boy lollipop”. Wala naman kasing girlfriend na magle-lebel ng “lollipop”
sa kanyang boyfriend—malaswa pakinggan nga naman. Unless na ang pangalan ng
lalake ay may kinalaman sa lollipop o pagsubo ng bagay. Hindi ba mas magandang
pangtawag ang “sweet” o “candy” kesa sa “lollipop”. Kaya siguro walang lalaki
na nag-remake ng kantang ito. At take note, ang boses ng kumakanta parang pang
romansa. May kahalayan. Halos umuungol ng “whoa oh”!
http://www.youtube.com/watch?v=NIF12DXaC60
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.