24 February 2013

My boy lollipop

Pinasikat na kinanta ng “The Barbie Gaye” noong 1956. Hindi nagtagal, muli itong inawin ng “The Millie Small”. Matapos sumikat ay iba’t ibang versions na ang nalikha sa kantang “My boy lollipop”.

Teka nga. My boy lollipop? Ano nga bang ibig sabihin ng kantang ito. Isa isahin natin.

Sa unang stanza ng kantang ‘My boy lollipop”, ilang beses pinaulit ulit ang katagang “My boy Lollipop… You make my heart go giddyup…”. Kinumpara nya ang pintig pintig ng tibok ng kanyang puso sa na ngangabayo. Di ba nga, “Giddyup”. Pero bakit may “My boy lollipop”? Nangangabayo habang naglo-lollipop, ganun ba un? “… You are as sweet as candy… You’re my sugar dandy…”, oo nga naman. Wala namang lollipop na hindi matamis. Lahat sila sugar ingredients, nakakataba. 

Sa sumunod na stanza. Sabi ng kanta “Whoa oh, my boy Lollipop… Never ever leave me…”. Bakit may “Whoa oh”, umuungol ba sya dahil sa Giddyup? Tapos “My boy lollipop” ulit—umuungol ng may lollipop? “Never ever leave me”, wag daw iiwan— umuungol ng may lollipop at wag na wag iiwan? “…Because it would grieve me… My heart told me so…”, tapos gustong gusto pa ng puso. Ganun ba un?

Sa next stanza ulit. Paulit ulit na sinabi na “…I love you, I love you, I love you so… But I don't want you to know…”, mahal nya pero ayaw nya’ng ipaalam—pero may lollipop ah. Tapos pa ulit ulit pa na “I need you, I need you, I need you so… And I'll never let you go…”, kailangang kailangan nya kaya ayaw nya’ng paalisin—pero may lollipop pa din.

Ung huling stanza. Sabi “My boy Lollipop… You make my heart go giddyup…” hmm—giddyup pa din. “…You set my world on fire…”, fire, nag-iinit ba ito—o gawa lang diyablo. Tapos biglang “…You are my one desire”, parang gusto nya’ng sabihin na ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba. Sa huli ng kanta ay “…Whoa, my Lollipop…”, paulit ulit un hanggang mag-fade out ung kanta.

Hindi kaya bastos pakinggan pag sinabing “My boy lollipop”. Wala naman kasing girlfriend na magle-lebel ng “lollipop” sa kanyang boyfriend—malaswa pakinggan nga naman. Unless na ang pangalan ng lalake ay may kinalaman sa lollipop o pagsubo ng bagay. Hindi ba mas magandang pangtawag ang “sweet” o “candy” kesa sa “lollipop”. Kaya siguro walang lalaki na nag-remake ng kantang ito. At take note, ang boses ng kumakanta parang pang romansa. May kahalayan. Halos umuungol ng “whoa oh”!

PAKINGGAN NYO ITO:
http://www.youtube.com/watch?v=NIF12DXaC60

20 February 2013

Mathematics and Sciences

Bakit nga ba ang Pilipinas nahuhuli lagi sa paggtuturo ng Sciences at Mathematics? Nasaan na nga ba tayo pagdating sa MATHMATICS at SCIENCE? As of 2012 – Pang 23rd out of 25 Asian countries pagdating sa Matematika. Pang 42nd naman out of 45 Asian countries pagdating naman sa Siyensya. At sa pangkalahatan, pang 112nd ang rankings ng Pilipinas out of 139 countries pagdating sa Science at Mathematics.

Bakit nga ba nahuhuli na ang Pilipinas? Ano nga bang antas ng literacy natin pagdating sa Matimatika at Siyensya? Kaya ba kumukonte at iilan nalang ang kumukuha ng mga kursong Engineering, Information Technology at mga Natural Sciences. Sa bagay, saan ka nga naman kukuha ng malaking salapi para pag-aralan na hindi mo naman alam kung makakatapos o kung may makukuha bang trabaho. Makakakuha nga ng trabaho napakaliit naman ng sahod, sapat lang bumuhay ng sarili. Kaya karamihan ng mga Pilipino nawawalan na nang pag-asa sa sariling bayan, umaalis ng bansa, sa iba naninilbihan. Mabuhay lang ang kanilan anak na nag-iiyakan, walang laman ang sikmura at giniginaw dahil wala nang maisuot. 

Ilang elemento kung bakit siguro iilan nalang ang gumugusto sa laranggan ng matematika at siyensya; 1) Kakulanan ng mga classrooms at teachers/professors., 2) Kaduda-dudang mga textbooks., 3) At makalumang paraan ng pagtuturo. Mahirap nga naman maintindihan ang E=mc2 at ang c2=a2+b2, papaano na naman ito magiging friendly kung sa tingin palang supistikado na at alam mong mahirap matutunan. Papaano nga ba pweden maimpluwensyahan ng edukasyon ang kabataan sa ngayon—hindi ko din alam.

Marami kasing Pilipino ang walang passionate sa science at mathematics. Mayroon siguro, iilan pero madaling nawawala. May kakayahan na naman tayong magbasa at bumilang, sapat na ito para hind maging komplekado ang mga bagay bagay. Sa kultura ng Pilipinas, pagdating sa science puro lang tayo superstitions at maling paniniwala, at sa mathematics naman sanay sa patansya tansya, estimation method, pwedeng hindi pwedeng oo basta malapi sa bilang.

15 February 2013

Research: Facebook

Ilang pag-aaral patungkol sa facebook.
 
• Ilang facebook users ang pag walang nag-like sa post o walang nag-comment, parang nag-iiba. May kompetisyon na sa paramihan ng like at comments, at maging pag-gbati sakanilang birthday.
• Pakiramdam nila ikamamatay ang hindi makapag login. Pero once upon a time, nabuhay ang mga tao nang walang social media networking sites, kaya mabubuhay tayo nang walan facebook.
• Socialize yourself with real people, not in a machine. Imbes na mag-aral at gumawa ng assignments gamit ang internet source, sinusunog ang oras walang pakinabang na mga bagay.
• Oversharing, kung dati mga litrato lang nila ngayon pati litrato ng mahal na pagkain, kagamitan, damit, regalo, at iba pang walang kinalaman sa pagdarahok ng taumbayan.
• Destroying the line of privacy, ginagawang diary ang social networking sites, na kahit pinakamaliit na detalye ng buhay, kaaway na sumulot ng shota, kainumang nagsusuka at wasak na wasak na, badtrip sa opisina, delayed menstruation at mahahalay na pangyayari, at iba’t iba pang sumisira sa salitang privacy.
• At ang pinakamalaki at pinakamalawak na battle field para sa palitan ng salita ay ang social media networking sites.
 
Sa facebook nagkakaroon ka nga naman ng visual presentation ng bestfriend. Kung saan pwede mong sabihin lahat, as in lahat.
 
Magmula sa nagkasulutan magshota, aburido sa opisina, battle field ng parang walang pinag-aralan, mamahaling pagkain at mga kagamitan, mga taong sumisira sa propesyonalismo sa iba't ibang larangan, at iba pang walang kinalaman sa pagdarahok at pakikiramay sa taumbayan.
 
Kaya siguro sinisigaw ang lahat lahat ay dahil naghahanap ka ng dadamay at makikisimpatya sayo.
 
Parang pag nag-post ka may nag-like o nag-comment, pasasalamatan mo pa sila. Pinapakita dito na hindi mo kayang sabihin sa magulang/kaibigan kung anung dagok mayron ka, kaya sa social media mo nalang pinagsisigawan.

13 February 2013

Pope Benedict XVI

Sinabi na ang dahilan ng kanyang pagbaba sa puwesto ay ang kanyang katandaan, sa edad na 85. Sinabi din ng mga Vatican Newspapers na hirap siyang mamuno. Sa loob ng 7 taong pamumuno ay nagkaroon ng tinatawag na power struggled. Kaya nagkaroon nang pagkakataon ang kompitensya para sa mga interesadong grupo kapalit ng Santo Papa. Kaya ang pagpipilian ngayon ay 110 cardinal sa iba’t ibang bansa. Ang hinahanap na Papa who can lead the world to be closer to God, pisikal, mental at ispiritwalidad.
 
Samantalang kuntento na si Pope Benedict XVI na magbasa at magsulat nalang. Kahit galing siya sa mayaman at kilalang pamilya ay mas pinili niyang talikuran ang karangyaan at harapin ang kanyang sarili. Nakuha niyang ipamahagi ang boses ng panginoon para sa lahat ng katoliko sa pagsulat. May mga certains ang modern world na tinatanong muna ng Papa kung ito ba ay ma-adopt, o kailangan lang nating maintindihan, certainties not to adopt, but to understand. Kaya siguro ginusto niya ang pasulat at pagbasa para ipaunawa ang mga bagay na komplekado tayong maunawaan.

11 February 2013

Time versus Money

What is time?

Definitely, time is not money, because money can gain. But time, when you lose it, you lose. Time does not go in circles. With respect to time, and as much as reality is concern, there is no such thing as anniversaries or birthdays. When you say January, Monday, 2013, lahat yun puro imbento lang. Nag-uumpisa ang oras sa pag-galaw ng walang oras. Kaya pag sinabing “everlasting” at “eternity”, walang movement yan.

Time is linear, not circular. Once it’s gone, it’s done. After you say “now”, then is gone.