29 December 2012

December 30 - Rizal Day 2012

Ika 30 ng Disyembre 1896, 7:03 AM—Matapos mabaril si Jose Rizal ng mga taga Bulacan Firing Squad. Bakit? Dalawa ang Firing Squad sa huling araw ng buhay ni Pepe, ang taga Bulacan Firing Squad at ang iskuwadro ng taga espanya. Ang naging kasunduan nila ay ang dapat na papatay kay Pepe ang Pilipino din mismo, at kapag hindi pinatay ng taga Bulacan Firing Squad, sila ang babarilin ng eskuwadro ng espanya sa kanilang likuran. Isang bala lang ang tumapos kay Pepe. Natamaan siya sa kanyang likuran, sa kanyang gulugod na tuluyan niyang ikinasawi.

Matapos mapatay ni Pepe, ang kanyang katawan ay ipinagkait ng Espanya sa kanyang pamilya. Hindi ito ibinigay sa kanyang pamilya, at kahit ang lugar na kanyang pinaglibingan ay hindi alam ng kanyang pamilya.
Sa pakiusap ni Dona Teodora Alonzo, o Dona Loleng, hinanap nila kasama si Narcisa ang kapatid ni Pepe ang ilang bagong libing na bangkay sa iba’t ibang sementeryo para hukayin. Nahanap nila ang labi ni Pepe sa matandang sementeryo sa Paco, Manila. Nagpalagay ng lapidang marmol na may nakabaliktad na initials ni Pepe—RPJ, na para hindi nakawin o alisin ang bangkay.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Maynila—Battle of Manila, August 1989, hinukay ang bangkay ni Pepe at dito napatunayan na ang paglibing sa ating pambansang bayani ay walang kabaong.

Dinala sa bahay ni Narcisa ang mga buto ni Pepe, nilinisan at nilagay sa urn hanggang 1912. Katawa tawang ugali ni Dona Loleng na ipakita ang buto ng kanyang anak na si Pepe sa mga bisita nito. 

Ika 29 ng Disyembre 1912, Kalye Estraude, Benondo, Manila—Prinusisyon ng mga Mason at mga Knights of Rizal ang urn ni Pepe sa Ayuntamiento, Intramuros. 

Ika 30 ng Disyember 1912, dinala sa huling hantunan si Pepe sa pambansang munumento. 

Hindi lahat ng buto ni Pepe nailibing sa pambansang munumento. Ung buto sa kanyang bertibral na tinamaan ng bala ay dinala sa Rizal Shrine Museo sa pinagkulungan ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Manila.

23 December 2012

Andres Bonifacio



ANDRES BONIFACIO: HINDI TOTOO NA MAINITIN ANG ULO, WALANG PINAG-ARALAN, DUKHA AT WALANG NAIPANALONG LABAN


• Pinanganak sya (November 30, 1863).
• Hindi totoong mahirap sila Andres. Ang totoo pa nga ay may tutor silang limang magkakapatid.
• Panganay si Andres kaya nang mamatay ang kanyang mga magulang, itinaguyod nya ang kanyang limang kapatid sa pagbebenta ng baston at pamaypay na abaniko.
• Sariling sikap, pinag-aralan nyang magbasa n espanyol, at naging dalubhasa sa wikang taggggalog.
• Mahilig magbasa ng mga libro tungkol sa France Revolutions, Presidents of America, Les Miserables ni Victor Hugo, at ang mga akda at novela ni Jose Rizal.
• Naging messanger at bodegero/clerk sa dalawang internasyonal na kompanya—Fleming Company and Fressell Company
• Aktor sa kanyang sariling Theater Company—El Teatro Porvenir. Paboritong gampanang karakter ay si “Bernardo Carpio”.
• Sumali sa La Liga Filipina (July 3, 1892).
• TInatag ni nya ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK), pero pangatlo lang siya sa puwesto (July 8, 1892).
• Nagtungo sa kuweba ng Montalban, Rizal para para gumawa ng base. Sa bawat pader ay may nakasulat na “Naparito ang mga anak ng bayan hanap ang kalayaan. Mabuhay ang kalayaan!”.
• Namatay sya (May 10, 1897).

Kung hindi sya magaling, papaano nya nailihim ang kanyang binuong samahan sa matagal at kumalat na panahon, na nakabuo ng mga magkakapatid bilang katipunero.

21 December 2012

End of the World 2012

Karamihan ng mga naapektuhan ng "End of the World" ay mga Kristiyano. Bakit nga ba sila nagkaroon ng iba't ibang pananaw—hindi ko din alam. Pero kumpara sa ibang religious sect, hindi nila ginawa ang magnatili nalang sa kabundukan at mag antay ng oras, hindi sila nagtago sa kuweba tulad sa ibang bansa, walang nagra-rally na may pluck cards na may naka sulat patungkol sa end of the world, at hindi sila nagpaloko sa kulto na nang hihikayat na sumali sa kanilang grupo at i-donate ang lahat ng kanilang ari arian. 

End of the World para sa mga Kristiyano. Siguro dahil alam nila na pag na buhay ka ay mamamatay ka din, paghahanda ang tawag doon, kung saan hindi nila pinuputol ang kanilang panahon para tumigil sa ganitong klaseng sabi-sabi lang.

Sa kabuohan, masyado kasi tayong madaling makuha ang atensyon pagdating sa katapusan ng mundo. Iba’t ibang ediya sa iba’t ibang klase ng tao. Hindi naman umulan ng apoy galing sa kalangitan, wala naman paglindol at pagbuka ng lupa, at wala nangyaring pag angat ng tubig sa mataas na lebel. Siguro ito ang paraan nang pag aamok ng kalamidad. At saka wala ding tumamang malaking bato galing sa labas ng ating planeta, kung mayron may kaya na ng siyensya natin alamin un. Hindi naman tayo sinakop ng mga Aliens, siguro kasi hindi pa sila handa o baka hindi pa na uubos ang mga kababaihang aliens nila.

Hindi na iba sa mga tao ang konsepto ng End of the World. Bakit kasi tayo laging nagmamadali. May expiration  date ang mundo. Hapit na hapit kasi tayo pagdating sa pagkagunaw ng mundo. Parang walang pinagkaiba yan sa larangan ng Paranormal at kababalaghan

Hindi kaya ang End of the World ay konsepto din ng hustisya. Na parang sa pagdadating ng lumikha maaaring nyan iwasto nya ang lahat ng kamalian ng mundo. Kasi parang ang labo naman kung hanggang dito nalang magtatapos ang buhay ng tao. Ang alam ko, magtatapos ang mundo, hindi nga lang natin alam at kung kalian. Kaya wag tayong mag madali.

19 December 2012

Persona Non Grata Justin Biboy

Kamakailan lang. Matapos ang mainit na talakayan ng Reproductive Health Bill, at boxing ni Manny Pacquiao. Gamit ang kapangyarihan ng social media site na twitter ay pinaglaruan ni Justin Bieber ang litrato ni Pacman na ginigising ng maliit na tigre at lean dance ni Michael Jackson, ay naghain ang anim na kongresista na i-deklara na Persona Non Grata ang canadian artist o kailangang humingi ng Public Apology.

Dahil sa napakaraming kabataan sa mundo ang umiidolo at tumitingala sa kanya. Dapat daw siya ay magsilbing magandang halimbawa sa milyong milyon kabataan. Na dapat niyang malaman na ang kanyang pinagtripan ay mahal na mahal ng nakararami, ginagalang at tinitingala, hinahanggaan ng buong nasyon.

Pero sa gitna ng maraming nagugutom na tao sa kalsada, sa gitna ng tumataas ng unemployment rate, sa gitna ng kawalang matrikula ng mga gustong mag aral. May mga tao pa din maraming oras na nasa kanilang mga daliri at kamay. O baka sumasakay lang sa issue na alam naman nating walang ka kwenta kwenta at gusto lang palakihin ang usapan.

Parang di ba, hindi na dapat pinag-aaksayahan at sinasayanggan ng ng panahon ang ganitong klaseng usapin. Napaka balat sibuyas naman natin. Napaka nipis naman ng ating mga balat. Napaka babaw ng ganitong klaseng issue.

06 December 2012

Tunay na kahulugan ng "SHOTA"

Ang salitang “shota” na ay ibig sabihin ay "Short Time", shota daw ay short time. Ilang taong nagsasabi na hindi daw short time ang relasyong pang pagibig. Teka nga, sino nga bang nakakaintindi ng salitang “shota”, take note ah, ang ibig sabihin nito ay “short time”. Isa isahin natin.

Sa relasyon ng pag iibigan, kapag tinawag mo daw na shota ang kapareha, magagalit ang iba, kasi daw “pang short time” daw ang period ng kanilang relasyon. Pero ang ibig sabihin ng shota ay short time, shota is short time. Siguro mas panget marinig kung ang sasabihin ay “pang shota” na ang ibig sabihin ay “pang short time”. Shota is Short time, at Pang Shota ay Pang Short time, di ba magkaiba, o hindi lang natin napapansin kasi wala talaga tayong paki alam, at kung minsan hindi natin napapansin kung anung tamang pakahulugan ng mga salitang nauso noong mga na unang panahon.

Na uso ito noong araw, ang pagtawag ng “shota” sa karelasyon. Sa depenisyon ng makabagong mundo, ang shota ay maling tawag, pero sa pakahulugan noong araw, ang shota ay nangangahulugang “short time”, maikling pahanon, ibig sabihin ay masyadong maikli ang buhay, bakit hindi tayo magmahalan, o hindi kita mahalin nalang, ganon.

Mali nga naman na sabihin na “pang shota” kasi “pang short time” ang ibig sabihin nito, pero kung “shota”  lang, may magandang eksplenasyon un na makikita at matututunan sa nakaraan.
Hindi masama ang salitang “shota”, masama ung salitang “pang shota”. Tanggap ng nakaraan ang pagtawag sa kanilang kasintahan ng shota.