Krimen
na maituturing ng mga historyador ang pagtuturo sa kasaysayan ang pagkakabisado
ng petsa mga pangalan at iba’t ibang lugar. Angkop na naratibong kawikaan na “Ang
kasaysayan ad dapat may saysay”, nag-uumpisa sa simula, may gitna at magwawakas
sa katapusan. At dapat may proseso din ang pagsulat nang naratibong kasaysayan.
Sa
paglipas ng panahon, may mga historyador na nabago na ang paraan at istilo nang
pagsulat ng kasaysayan. Binago ang paraan at istilo ng pagsulat ng kasaysayan
batay sa punto de bista ng manunulat, o nang kanyang lahi. Makabayan at
patriyatikong pagtalakay ng mga bagay patungkol sa nakaraan.
Imposibleng
makasulat ng kasaysayan nang purong obhektibo, dahil ang ating emosyon ay
naglalagay ng kulay sa sarili nating perspestibong pananaw sa pagsulat ng
kasaysayan. Dahil ang mahusay na historyador ay gumagamit nang pag-udyok sa
imahenasyon gamit ang punto de bista ng manunulat nang kasaysayan, un ay
pagkilala sa panitikan. Ang sangkap sa pagsulat ng kasaysayan ay dapat ang
manunulat ay imahinatibo at analitika kung mag-isip, ung tipong binubuhay ang nakaraan
para sa kasaysayan.
Ang
mga Pilipino ay naniniwala lang sa mga nakasulat na kasaysayan, lumabas man na
masama o kawawa ang sariling lahi, basta may basehan na nakasulat ito, paniniwalaan
nila ito. At kung muli itong isusulat ng susunod na henerasyon ay laging
nakabatay sa aklat o libro ng dating nang nagsulat nito. Tayo kasing mga Pilipino mahilig maniwala sa
mga sabi-sabi, bukang-bibig at tsismis, kahit walang basehan.
Dati
kasi, ang may kakayahan lang makapagsulat ng kasaysayan ay mga kolonyalismo, o
mga mananakop, mayayaman at mga nakapagaral, at dahil sila lang ang may
karapatan magsulat, lahat ng kanilang ginawa ay patungkol lagi sa pananaw nila,
kung baga sila ang bida at iba ang kontrabida. Nilagay natin sa katauhan ng mga
banyagang tao ang ating kasaysayan.
Kahit pala sa ating mga bayani, dinidikit pa din natin ang
kaisipang kolonyal. Tulad ng "Joan of Arc ng Pilipinas" o
"Barack Obama ng Pilipinas". Nakikilala natin ang banyaga pero ang mismong
sariling Bayani natin ay hindi nating kilala kung sino at ano sila. Itinatabi
nalang natin sila sa mga kilalang tao nang ibang bansa. Kung bakit nilalagay
natin sa katauhan ng mga banyagang tao sa katauhan ng ating mga bayani. Ngangahulugan
lang ito na mas kilala natin ang mga banyagang bayani kesa sa pagkilala sa
ating sariling bayani
Sa
punto ng Pilipinas, ang historya at kasaysayan natin ay dapat isinusulat sa
pananaw natin bilang mga Pilipino, na dapat ang punto de bista ay hindi sa
mananakot o mga dayuhan. Kaya hindi dapat sabihin na mali ang isinulat ng ibang
historyador, kumpara sa iba. Dahil ang bawat historyador ay may
pagkakahati-hati ng istorya sa kasaysayan, maaaring tama sa kanya at mali naman
sa iba, o maaaring mali naman sa kanila pero tama sa iba.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.